IVAN MAYRINA: Secretary, good morning. Sec., kumusta naman ang biyahe ninyo?
SEC. PANELO: Eh di pareho ng biyahe ng ordinaryong tao.
IVAN MAYRINA: But did you have to wake up extra early para ho sa pagbiyahe ninyo ngayong umaga?
SEC. PANELO: Actually, sa totoo lang talagang maaga akong magising, ala-singko gising na ako eh. Kasi nga kung hindi ka magising nang maaga, hindi ka makakarating talaga sa paparoonan mo sa oras.
IVAN MAYRINA: Yes, but extra early ho ba ang pag-alis ninyo ngayon dahil nag-dyip kayo?
SEC. PANELO: Kahit ka nakasakay ng kotse, ganoon din ang problema mo. Kahit ka pa naka-aircon, talagang lahat abala. Pero ang problema kasi iyong mga kritiko, hindi nila iniintindi iyong sinabi ko. Sinabi ko walang crisis, crisis in the sense na mayroon pa tayong masasakyan. Ngayon, kung wala na tayong masasakyan, talagang crisis iyon. In other words, kapag sinabi kong may crisis, walang paralysis act pero nagdaranas na talagang ang trapik.
IVAN MAYRINA: Yes, but you concede na mahirap ho talaga mag-commute?
SEC. PANELO: Oo, talagang mahirap kasi kailangan, unang-una, magising ka nang maaga; pangalawa, makipaghabulan ka. Kapag hindi ka mabilis sumakay ng dyip eh mauunahan ka ng ibang mas bata sa’yo, mabilis.
IVAN MAYRINA: Okay, without giving too much away, ano po ang magiging ruta pa ninyo niyan? Kayo ba ay nagku-commute pa rin as we speak?
SEC. PANELO: Oo, magko-commute pa ako; magdyidyip pa ulit ako. Pangalawang dyip ko na ito eh.
IVAN MAYRINA: Sasakay din ho kayo ng tren ‘di ho ba?
SEC. PANELO: Mamaya.
IVAN MAYRINA: May balak ho ba kayong i-meet iyong ilan sa mga kritiko ninyo? Si Renato Reyes ay hinihintay daw kayo sa LRT 2 eh.
SEC. PANELO: Ivan, alam mo, ang problema sa mga iyan ay publicity lang ang hinahanap nila. Kaya nga ayaw ko nang may media coverage. Lahat sila andito nga eh, naka-abang eh, hindi nila ako nasundan; kasi ayaw ko nang may media. Binigyan ko na kayo ng pagkakataon para malaman ninyo na totoo ang sinabi ko na ako ay sasakay, magku-commute nga ako.
IVAN MAYRINA: Pinupuna po ng ilang kritiko ng—on another point po ‘no. Pinupuna ng ilang kritiko ng gobyerno iyong dalawang bilyong pisong jet para sa mga matataas na opisyal ng gobyerno. Ano ho ang masasabi ninyo rito? Ayusin daw muna iyong mga tren.
SEC. PANELO: Alam ninyo naman na pangangailangan iyon. Kailangan ni Presidente iyon at saka ibang opisyal, parang command post iyon. Si Presidente kung hindi kailangan, hindi mo mapapagastos iyon. Talagang nirekumenda ng AFP iyon, kailangan iyon. Iba na iyong nagmamaneho sa’yo ay mga nasa militar para palagi kang safe.
IVAN MAYRINA: Nabanggit ninyo po kanina iyong word na ‘publicity stunt’ to refer to Mr. Reyes. Secretary, matanong ko ho kayo, after today’s commute, masasabi ninyo ho bang sustainable iyong ganiyan? For example, like any ordinary person, kaya ninyo ho kayang araw-arawin iyan?
SEC. PANELO: Kaya lahat iyan. Alam mo, tayong mga Pilipino, malikhain tayo. Tayo iyong tipong kapag may problema, tinatawanan lang natin. Gumagawa tayo ng paraan para tayo ay maging angkop sa sitwasyon. Pero hindi ibig sabihin eh papabayaan na lang natin itong ganito. Kaya nga ang pamahalaan ay gumagawa ng paraan para magkaroon ng solusyon iyong problema ng mga kababayan natin.
IVAN MAYRINA: Yes, Secretary, tama ho iyong sinabi ninyo ‘no, resilient iyong mga Pilipino. Pero hindi na ho tumatawa iyong karamihan dahil talagang mahirap na.
SEC. PANELO: Totoo iyon. Kaya nga, hindi ba, LRT nga tina-try ko dahil hindi ko maintindihan bakit nagkakaproblema tayo doon. Kung ang problema mo parts, puwede naman tayong bumili ng parts; kung ang problema mo ay maintenance, ibig sabihin hindi mo mini-maintain; kapag ang problema ay lumang-luma na, eh di kailangan palitan na natin. Lahat iyon ay puwedeng gawan ng paraan.
IVAN MAYRINA: Sec., anong oras ang target na dating ninyo sa Malacañang?
SEC. PANELO: Depende, depende iyon sa trapik.
IVAN MAYRINA: But what time do you need to be there?
SEC. PANELO: I don’t have to be there on time. Mayroon akong press briefing mamaya.
IVAN MAYRINA: Okay, okay. Sige po. Mabuti pa kayo, walang boss na pagagalitan kayo kapag na-late kayo ng after 7 o’clock or 8.
SEC. PANELO: Walang magagalit sa’yo pero matatambakan ka ng trabaho kapag hindi mo naumpisahan nang maaga.
IVAN MAYRINA: Sec., para maging productive din ano itong pagku-commute ninyo ngayon. May mga recommendations kaya kayo, may mga top of head na ba kayong realizations after today, so far?
SEC. PANELO: Alam mo, iyong problema ng traffic, ng transport system, alam naman ng mga kinauukulan iyon. They’re doing their level best; pero masyadong matindi ang problema kaya siguro magtiis-tiis muna tayo. Kaya nga mayroon si President na Build, Build, Build Program eh, mga infrastructure. Siguro kapag nagawa na natin lahat ng infrastructure natin, like the widening ng road, iyong mga Skyways, iyong mga daanang short cut, lahat iyon ay magagawan ng solusyon. Pero siyempre it takes time.
IVAN MAYRINA: Okay. Siguro pagkatapos ho ng commute ninyo, pagdating ninyo ng Malacañang ay matatanong namin kayo baka may mga realizations kayo after this commute.
SEC. PANELO: Sige. Thank you.
IVAN MAYRINA: Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maraming salamat po.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)