ENRIQUEZ: Secretary, magandang umaga po; si Mike Enriquez po ito.
SEC. PANELO: Mike.
ENRIQUEZ: Nasaan kayo?
SEC. PANELO: Secret.
ENRIQUEZ: Ano ba naman iyan, anong secret.
SEC. PANELO: Nasa loob ako ng jeepney na ang nagmamaneho si Alexis.
ENRIQUEZ: Ah ganoong. Punong-puno ba iyong jeep na sinasakyan ninyo, Secretary?
SEC. PANELO: Puno.
ENRIQUEZ: Puno, siksikan. Papaano, pumila ba kayo para makasakay sa jeep na iyan, anong ruta iyan?
SEC. PANELO: Pangatlong sakay ko na ito ng jeep, matagal ako bago nakasakay dahil puno nga, palaging puno eh.
ENRIQUEZ: Ah, ganoon, parating puno? Mga gaanong katagal kayong naghintay doon sa tatlong jeep na sinakyan ninyo, Secretary? Malaman lang po namin.
SEC. PANELO: Noong una kong sakay ng jeep mga 5 minutes; pangalawa kong sakay, mga 10 minutes; iyong pangatlo mga 20 to 25 minutes.
ENRIQUEZ: Magkano pasahe diyan sa binabayad n’yo diyan, sinisingil ba kayo ni Mamang driver?
SEC. PANELO: Sampung piso, sampung piso ang binayad ko. Ngayon, hindi pa ako nagbabayad papunta ako sa opisina—
ENRIQUEZ: Iyong mga dinaanan ng mga jeep na nasakyan n’yo na, may trapik ba o wala, Secretary?
SEC. PANELO: Palagi namang may trapik.
ENRIQUEZ: Ah, ganoon ba iyon, anong oras ba—
SEC. PANELO: Baka ikaw Mike, hindi ka nata-trapik.
ENRIQUEZ: Eh nandito kami sa studio, paano kami matatrapik.
SEC. PANELO: Eh bakit pagpunta mo ba sa studio hindi ba matrapik?
ENRIQUEZ: Hindi, natrapik po ako sa EDSA, madilim pa trapik na po, Mr. Secretary.
SEC. PANELO: Exactly! Exactly, iyon nga ang sinasabi ko.
ENRIQUEZ: Opo. Secretary, wala naman kayo yatang oras ng pagpasok ‘no, ibig sabihin hindi katulad ng mga ordinaryong empleyado 9 to 5 kung tawagin. Pero anong oras ba ang target ninyong makarating ng Malacañang araw-araw tuwing umaga, bago harapin iyong mga alaga ninyong mga reporter doon?
SEC. PANELO: Maraming trabaho eh, maraming paper works, maraming appointments, maraming meetings, marami eh. So, depende—pero teka muna Mike, sandali Mike, gusto ko lang linawin ano, alam mo kaya ang puno at dulo nito iyong statement ko na walang crisis ang mass transport, kaya umani raw ng kritisismo sa akin.
Ang problema kasi iyong mga kritiko hindi iniisip iyong sinasabi ko, pareh0 ng hindi pag-intindi nila pag nagsasalita si Presidente Duterte. When I said, ‘there was no crisis in transport,’ I was referring na walang paralysis, kasi may sinasakyan pa tayo eh. Iyong crisis doon sa pagdaranas nating lahat, either commuter, may kotse ka naka-aircon ka, may driver ka, talagang nagdaranas tayong lahat. Pero gaya ng sinabi ko na nire-react-din yata ng mga kritiko, bakit daw sinabi ko na magising ka ng maaga. Eh talagang magigising tayo dapat ng maaga, dahil nga may problema tayo sa traffic, we have to give ourselves allowance, dalawang oras at least o tatlo pa nga. Otherwise, hindi ka talaga aabot sa pupuntahan mo ng isang oras. Hindi offensive iyon, ang sinasabi ko lang, ang punto ko lang doon, we are a very creative people. When we are confronted the situation, a hostile sit… [signal cut] we adjust to it; iyon ang pagkamalikhain ng mga Pilipino.
ENRIQUEZ: Secretary, matanong lang namin kung mamarapatin ninyo. Anong oras ba kayong gumising ngayong umaga at saka anong oras ba ang pangkaraniwang gising ninyo tuwing umaga? Gumising ba kayo ng mas maaga ngayon?
SEC. PANELO: Unang-una, dati ang gising ko alas-siyete; ngayon hindi na, kailangang alas-singko ka na.
ENRIQUEZ: Ala singko pa lang gising na kayo?
SEC. PANELO: Everyday dapat 5 o’clock gising ka na.
ENRIQUEZ: Ang laking bagay nung dalawang oras ha na tulog o pahinga, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi naman, dahil—kailangan walong oras pa rin ang tulog mo. Kaya ang ginagawa ko, iyong kulang na oras sa gabi, tinutulugan ko pag nasa sasakyan ko.
ENRIQUEZ: Anong oras ba kayo umalis doon, iyong unang sakay ninyo sa jeep, anong oras?
SEC. PANELO: Umalis ako kanina, naglakad ako bago pumunta ako doon sa sasakyan ng jeep mga… 5:15 ako umalis. It took me 12 to 15 minutes to walk.
ENRIQUEZ: 5:15?
SEC. PANELO: Yes.
ENRIQUEZ: Meron na ba kayong tantiya kung—sa tinatakbo nung sakay ninyo sa jeep, tapos niyon mag-i-LRT pa kayo, tapos mula doon sa kanto ng Mendiola kailangan mag-jeep o tricycle kayo papuntang Malacañang. Tantiya ninyo anong oras kayo makakarating ng Malacañang, Secretary?
SEC. PANELO: Puwede rin namang maglakad, baka mas mabilis pang maglakad.
ENRIQUEZ: Oh, sige bahala kayo, diskarte n’yo na iyon. Meron ba kayong tantiya kung anong oras kayo makakarating sa opisina ninyo?
SEC. PANELO: Siguro mga… baka mga alas-nuwebe.
ENRIQUEZ: Ah ganun, sige po. Secretary, sasamahan namin kayo, hindi naman physical dahil secret iyong inyong lugar sabi n’yo nga, pero sige po hanggang makarating kayo sa Malacañang para maibalita natin ito sa mga tao, Secretary.
SEC. PANELO: Oo. Thank you, Mike.
ENRIQUEZ: Salamat din po sa pagtanggap ninyo sa tawag, mag-ingat kayo. Salamat po, Secretary.
SEC. PANELO: Salamat.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)