Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Tutok Erwin Tulfo)


Event Radio Interview

TULFO: Magandang umaga, Secretary, sir.

SEC. PANELO:  Magandang umaga, Erwin.

TULFO: Sir, iyong nangyari po sa Sagay, Negros Occidental, siyam na magsasaka ang patay. Nagbigay po ba ng instruction ang Pangulo para sa isang malalimang imbestigasyon ng PNP, Secretary?

SEC. PANELO: Oo. In fact nagkaroon na ng mga initial findings, lumalabas na iyong mga surviving victims na-identify nila iyong mga sumalakay at pumatay, nakilala na nila na ito ay mga CPP-NPA.

TULFO: So ito ho ay—ano na ho ang mangyayari dito? Ito ay kagyat na imbestigahan—pero kung ito ho ay mga CPP-NPA aba eh ‘di medyo mahihirapan po ang ating mga alagad na batas na hulihin ito basta-basta dahil sigurado ito ay magtatago sa kabundukan, Secretary?

SEC. PANELO: Ganoon nga ang mangyayari, pero alam mo mayroon pang isang [unclear] … iyong federation ng farmers kung saan miyembro iyong mga taong ito, eh lumalabas na legal front ng CPP-NPA at iyong mga pinatay ay bagong recruit pa lang daw iyon the day before pinatay sila.

TULFO: So what does this mean, Secretary, kung sila po ay mga recruit, ano hong mangyayari ngayon dito?

SEC. PANELO: Eh iyon nga ang nakakapagtaka doon, kung ito ay legal front ng CPP-NPA at mga recruit nila iyong pinatay, bakit nila ginawa iyon? Eh parang lumalabas pinatay nila ang mga sarili nilang recruit ‘di ba?

TULFO: Para maituro ang gobyerno, ganoon ho ba?

SEC. PANELO: Oo eh para nga eh, hindi natin alam iyon, basta ang alam natin parang something is wrong with that. Mayroong mas malalim siguro—hintayin natin iyong malaliman na imbestigasyon.

TULFO: Oo, just the same siguro, Secretary, dapat ho talaga maimbestigahan ho ito dahil this is homicide or this is murder, Sec.?

SEC. PANELO: Definitely murder ito kasi nasa bahay kubo iyong mga farmers natutulog iyon.

TULFO:  Alright, sir, moving to another topic. Ito pong—lalong pong—over the weekend lalo pang tumindi ngayon ang bangayan ng PDEA at Customs between General Aquino and Commissioner Lapeña at—pero ang PDEA nakakuha ng kakampi, isa sa mga opisyal ng Customs, itinuturo na mayroon talagang nangyaring smuggling o shabu, pagpuslit ng shabu diyan sa Bureau of Customs, maging si Senador Lacson ay nagsalita na rin. Eh mukhang incompetence ang sinasabi on the part of Bureau of Customs. Ito ho ba ay rereviewhin, sir, kaya ng Pangulo… kasi mukhang marami na pong humihingi na iyong ulo ni Commissioner Lapeña, Secretary?

SEC. PANELO: Mino-monitor lahat iyan ni Presidente. Pero sa ngayon ang tingin ko diyan kung ako ang tatanungin, hindi na mahalaga kung sino sa kanila ang tama sa kanilang mga sinasabi. Ang mahalaga ngayon, assuming na may nakapasok at nagkalat, eh dapat gumawa tayo ng mga pagkilos upang masawata natin, mahuli natin, ma-raid natin iyong mga lugar kung saan nagtatago o itinago itong mga shabung ito. Kasi kung—we will be watching allegation to get another allegation eh walang mangyayari diyan.

TULFO: Tama, tama, oo. Ang pangamba lang kasi ng ilan, sir, lalo na ng oposisyon ay baka malusutan na naman. Nalusutan na po itong si Lapeña, eh baka malusutan na naman. Hindi na magnetic lifter, sa ibang pamamaraan na naman. Medyo mahina raw pagdating sa mga ganito. So laging sinasabi dapat eh, kung hindi man daw sibakin eh, eh dapat si Lapeña na ang magkusa para hindi na madamay pa lalo ang Pangulo at magiging pabigat sa Duterte administration, ika nga.

SEC. PANELO: But you know, iyong sinasabi, iyan ay assuming na nalusutan nga. Ang sinasabi nga ni Presidente—

TULFO: Duterte.

SEC. PANELO: Ay kailangan may hard evidence tayo. Hindi pupuwede iyong nag-e-speculate ka lang.

TULFO: Correct, correct. Tama, tama oo.

SEC. PANELO: Kinakailangan pakitaan mo, eh alam mo abogado ito eh, hindi basta-basta naniniwala.

TULFO: Siyempre.

SEC. PANELO: At may tiwala naman siya doon sa dalawa. So hintayin natin iniimbestigahan ngayon ng NBI.

TULFO: Anyway, sir ha. Moving on, sa peace talk. Sabi ni Maria Sison, open na naman daw ang CPP-NPA makipag-usap. Ang Pangulo sabi rin daw eh mukhang okay. Ano ba talaga sir? What is really going on in here?

SEC. PANELO: Aba the other day sinasabi niya pa lang na open siya pagkatapos ito na naman tayo. Mayroon na namang massacre dito sa Sipocot, Camarines Sur ‘di ba?

TULFO: Oo iyong mga pulis in-ambush—

SEC. PANELO: In-ambush iyong ating Director-General ng FDA.

TULFO: FDA.

SEC. PANELO: FDA—

TULFO: Opo.

SEC. PANELO: Tapos eh tatlo ang napatay, tatlo ang sugatan. Mukhang malabo—and you know we cannot be talking in the negotiating table with the leaders while the armed followers are ambushing and killing and destroying properties and enforcing the revolutionary taxes… destroying property. Hindi naman pupuwede iyon.

TULFO: Tama ho, nakakalungkot din naman iyon. Sir, panghuli na lamang, iyong martial law din dapat eh hanggang katapusan lang itong taon na ito, eh posible raw ma-extend. Ano hong basa ninyo rito? Anong balita ninyo, sir? Ano ho ang puwede ninyong masabi, sir?

SEC. PANELO: Kagaya ng sinasabi ni Presidente palagi, we will prepare for whatever recommendations. Whether or not mali-lift iyan o i-extend, depende sa rekomendasyon noong mga taong nasa ground; at iyan eh mga Armed Forces pati mga pulis.

TULFO: Iyon, Secretary Sal—

SEC. PANELO: Pero madagdag ko, Erwin.

TULFO: Sige po.

SEC. PANELO: Iyong isang Archbishop diyan eh ‘di ba nasa pahayagan kahapon—

TULFO: Nabasa ko, nabasa ko, oo.

SEC. PANELO: Na pinupuri niya iyong martial law na nakatulong ng maigi sa peace and order—

TULFO: Well, tanggapin man ho natin o hindi ng mga kalaban eh—dapat ang tanungin na lang iyong magsu-survey na iyan ng mga SWS at saka mga Pulse Asia iyong mga residente mismo ng Mindanao dahil sila ho ang nakakaalam, Secretary. Ako may mga kamag-anak ho ako doon. Alam sa Zamboanga, may mga kamag-anak ako sa Cagayan, may kamag-anak ako diyan sa Maguindanao. Eh sir sinasabi gumanda raw, natatakot iyong mga warlord, natatakot iyong mga drug lord, natatakot ang mga kriminal na gumawa ng mga katarantaduhan dahil may martial law.

SEC. PANELO: Exactly, kaya dapat ay makinig tayo doon sa mga taga roon. And iyang Archbishop po na iyan nagsasabi… supposed to be ang Church critical sa administrasyon pero he went out of that.

TULFO: Iyong sinasabi ho ninyo si Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, na hindi siya kontra sa pag-e-extend ng martial law?

SEC. PANELO: Sapagkat nakikita niya siguro ang epekto ng martial law doon sa lugar na iyon na nakakabuti sa peace and order situation.

TULFO: Correct. Iyong ayaw lang siguro talaga, Secretary, ay iyong mga loko-loko, iyon ang kontra. Anyway, Secretary Salvador ‘Sal’ Panelo, sir, maraming salamat, magandang umaga, mabuhay po kayo, Secretary.

SEC. PANELO: Salamat din, salamat.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource