Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Aljo Bendijo – Tutok Erwin Tulfo/PTV 4

BENDIJO: Sec. Harry, magandang umaga.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Aljo. Kumusta ka na?

BENDIJO: I’m fine, Secretary. Sa programa ito ni Tutok Erwin Tulfo, tayo ang pansamantalang humahalili po sa kaniya.

Anyway, ano po ang update mula po sa inyo tungkol sa quarantine classification, kung mayroon nang nabanggit sa inyo ang Presidente, starting tomorrow?

SEC. ROQUE: Mayroon na pong rekomendasyon pero binigyan po hanggang kagabi ang ilang mga lokal na pamahalaan para umapela ‘no. So magpupulong po kami ng IATF ngayong alas-dos para isapinal iyong quarantine classification, at asahan ninyo po kahit anong oras matapos iyan – siguro mga alas tres, alas kuwarto ng hapon – iaanunsiyo naman po natin iyan dahil, a-kinse na po ngayon ‘no, so ito po ang huling araw na sakop ng quarantine classifications natin.

BENDIJO: Opo. Iyon pong travel ban, na-extend na rin sa bansang Indonesia. Ano po ang puwede nating maiparating na impormasyon sa mga kababayan po natin doon sa Indonesia na gustong umuwi?

SEC. ROQUE: Epektibo na po ngayon ‘no, epektibo na po ngayon itong travel ban. Ito po ay panandalian lang, at siguro naman po ay maintindihan nila na ito po iyong paraan para po maiwasan ang pagpasok nang mas nakakahawa at nakakamatay na Delta variant na iyan na pong, kumbaga, majority strain ngayon sa bansang Indonesia ‘no.

Napakahirap pong gawin iyang desisyon na iyan dahil alam natin na karatig-bansa natin at kumbaga ay napakalapit pa nating kaibigan pero ito naman po ay para po sa kalusugan.

BENDIJO: Opo. Aasahan po ba natin, Secretary, na may mga bakuna pang darating sa bansa dahil sa latest na report na natanggap natin, tama po ba, around 3.5 milyong Pilipino pa lang ang fully protected sa virus?

SEC. ROQUE: Itong linggo pong ito, sangkatutak po ang darating ‘no. Ia-itemize ko po iyan mamayang alas dose sa ating press briefing. Pero may dumating po kahapon na Sinopharm, may darating pa rin sa linggong ito na Sinopharm, may darating na Moderna at mayroon pong darating na AstraZeneca.

BENDIJO: Opo. Maiba po tayo, sa isyu po na sinasabi dito ng China na parang basurang papel lang po ang Arbitral Tribunal ruling. Pagmamay-ari ng Pilipinas ang parte ng West Philippine Sea. At nagsalita na rin dito si Vice President Robredo, Sec., na sana all ay mas malakas at matapang ang ipakikita dito ng Duterte administration tungkol dito sa paggiit ng atin pong karapatan sa West Philippine Sea na tayo ay pinaboran ng Arbitral Tribunal. Go ahead po, Secretary.

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano ang ginagawa ni VP noong nagsalita si Presidente sa UN General Assembly. Pero malinaw na malinaw po ang mensahe ng Presidente roon, iyong Arbitral award ay kabahagi na ng international law at walang kahit sinong bansa ang pupuwedeng mag-diminish ng epekto ng ganiyang Arbitral award.

So under Article 38 nga po ng International Court of Justice Statute, iyong source of international law, ito po ay evidence of the customary international law applicable at ito po ay isang Arbitral award na ginawa ng pinaka-most highly qualified publicist sa larangan po ng law of the sea.

BENDIJO: Opo. How about po iyong reports na talaga bang mga barko ng China ang nagtapon po ng mga human waste doon sa part ng South China Sea or West Philippine Sea, Sec.?

SEC. ROQUE: Iyan naman po ay bini-verify pa po natin. At kapag na-verify po natin iyan ay gagawa po tayo ng hakbang ‘no. Pero hindi naman tayo pupuwedeng gumawa ng hakbang nang hindi natin nabi-verify kasi parang we cannot shoot from the hips na wala, na hindi natin nalalaman kung ano talaga ang mga facts.

BENDIJO: Opo. Maiba po tayo, Sec. Tatakbo ba talaga bilang pangalawang pangulo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil Duterte-Duterte ang nangunguna ngayon sa mga survey sa Pulse Asia?

SEC. ROQUE: Well, galing na rin po sa bibig ng ating Presidente, he is open to the idea. Open is different from ‘I will definitely run.’ At iyan din naman po ang sinabi ni Mayor Sara, she is open to the idea of running for the presidency.

BENDIJO: Sa pangkahalatan, mensahe na lang, Secretary, na baka mayroon po kayong gustong ipaabot sa ating mga kababayang nakikinig at nanunood po ngayong umagang ito? Go ahead po.

SEC. ROQUE: Well, magandang umaga po muli. At unang-una po ‘no, nagagalak po tayo na itong COVID-19 ay mas nama-manage natin ngayon ‘no at patuloy pong mababa iyong hanay ng mga namamatay sa atin. Pero ang pakiusap po, habang hindi pa tayo bakunado lahat, kinakailangang ipagpatuloy po natin ang mask, hugas at iwas, at kinakailangang ipagpatuloy pa rin po ng ating mga lokal na pamahalaan iyong prevention, detection, isolation at contact tracing na ginagawa natin.

Malapit na po nating matapos ang pagbabakuna dahil kahit papaano ay nagsimula na tayo. Kaunting tiyaga na lang po, kaunting karagdagang disiplina at lilipas din po ito.

BENDIJO: Secretary Harry Roque, Presidential/IATF Spokesperson, mag-ingat po kayo. Stay safe and good morning po. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center