ERWIN: … (recording starts). At nanonood na rin, sir, live na rin po tayo sa PTV4, Teleradyo na ho tayo, Sec.
SEC. ROQUE: Ay teleradyo na pala, sa mga nanonood, magandang umaga po.
ERWIN: Sir, eh makibalita lang kami, ano ho bang—mukhang magandang balita ho iyang dala ho ninyo, iyong nandoon po doon sa Kuwait. Mukhang after all these ika nga ay gulo, hindi pagkakaunawaan, suddenly—finally, naplantsa ho ninyo, ng grupo ninyo ni Secretary Bello at kasama ho kayo doon, nakita ko ho. Ano ho bang napag-uusapan doon? Ano ho bang napagkakasunduan for the meantime, sir?
SEC. ROQUE: Well nagkaroon po ng lagdahan ng memorandum of agreement kung saan nagkaroon po ng garantiya ang bansang Kuwait na bibigyan ng proteksiyon ang ating mga domestic helpers ‘no. Sang-ayon po diyan sa kasunduan na iyan eh wala ng karapatan ang employer na hawakan ang passport ng ating mga manggagawa, kinakailangan bigyan na sila ng cellphone at ginarantiya na rin iyong pagkain at tirahan ng ating mga domestic helpers, kasama na rin iyong hinihingi nating—iyong tulog at saka iyong one day off kada linggo ‘no. At dahil po dito ay mukhang bumalik na sa normal ang ating pagsasamahan bilang mga magkakaibigang bansa. At sa araw na ito ay ili-lift na nga po iyong ban on deployment of skilled or semi-skilled workers papunta ng Kuwait at mayroon na pong 20,000 na mga skilled and semi-skilled workers na handa ng pumunta ng Kuwait ‘no.
Now maili-lift na rin po siguro sa darating na mga araw iyong ban para sa pagde-deploy ng mga domestic workers kaya lang po magkakaroon ng reporma ‘no, kinakailangan po ng mas malawakang training para roon sa mga pupuntang mga domestic workers nang hindi po sila nagkakaroon ng culture shock pagdating sa Kuwait ‘no. At ito naman po ay pupuwedeng bayaran ng mga recruiters dahil naku 4,000 dollars pala ho ang halaga na ibinabayad sa mga recruiters kung gusto ng isang Kuwait na pamilya na makakuha ng isang domestic worker galing sa Pilipinas, 4,000 dollars.
ERWIN: Tapos eh hindi man lang naaambunan iyong mga domestic helper natin, Secretary?
SEC. ROQUE: Kaya nga po 400 dollars ang suweldo ‘no. Pero ngayon po gagamitin iyang 4,000 dollars na iyan para sa training po ng ating mga domestic workers ng sa ganoon po maiwasan na iyong kahit anong friction ‘no o mabawasan man lang iyong friction sa panig po ng ating mga manggagawa at iyong kanilang mga employer.
ERWIN: Sir, matanong ko lamang po, eh kagaya niyan napag-usapan iyong proteksiyon ng mga manggagawa. Saan ba sila lalapit kung kunwari eh talagang mayroon pa ring ilang mga Kuwaitis na hindi sumusunod diyan sa agreement na iyan, saan po sila puwedeng tumakbo iyong domestic helper natin sa Kuwaiti police ba o sa embahada natin didiretso, papaano ho sir?
SEC. ROQUE: Dalawa po ‘no, may karapatan na po sila ngayong magkaroon ng cellphone at magkakaroon na po ngayon ng hotline na pupuwede nilang i-dial kapag sila ay mayroong reklamo ‘no. At bukod pa po doon ay bumuo ng isang special unit sa loob ng Kuwait police na makikipag-ugnayan po sa ating embahada sa Kuwait para po bigyan ng tulong iyong mga distressed OFW na tatawag sa hotline.
ERWIN: Sir, kambiyado naman ho tayo, dalawang issues na lamang po. Alam ko po ay nagmamadali kayo at mayroon ho kayong press briefing mamaya maya lamang. Sir, dito po sa Pangulo po ay nakatakdang pasyalan o bisitahin po itong po itong Philippine Rise ngayong araw, Sec., ano ho ba talaga—ano hong—after that ano ho ang mangyayari ha sir?
SEC. ROQUE: Well, ang Presidente po ay maglalagay po ng boya (bouy) doon. Na ang boya po sa international law importante po iyan dahil iyan po ay hindi lang marker, iyan po ay isang ebidensiya ng isang soberenya ‘no. So importante po iyong gagawin ni Presidente at pagkatapos po may mga singkuwentang mga dalubhasa galing po sa UP na magsisimula ng kanilang pag-aaral sa Philippine Rise ‘no. So si Presidente po ang (inaudible) gagawin po natin ay komemorasyon, kasi isang taon na po mula po ng binigyan natin ng bagong pangalan ang Benham Rise, tinawag na po nating Philippine Rise; at siyempre po binabalik tanawan din natin iyong pagkaka-award sa atin nitong Philippine Rise ng UN Commission on the Extended Continental Shelf.
ERWIN: So wala na pong mga foreigner na mga dalubhasa ang papayagan tayo, kung hindi mga dalubhasa na natin from UP ang mauunang ika nga mag-eksperimento diyan? Mag-research?
SEC. ROQUE: Tama po iyan, sa ngayon po ang desisyon ng Presidente ay mga Pilipino lang na mga dalubhasa lang po ang pupuwedeng mag-aral diyan sa Philippine Rise.
ERWIN: Panghuli na lamang, Sec., pahabol lamang. Doon po sa latest na SWS survey medyo bahagyang bumaba po ang ika nga rating ng Pangulo pero ‘good’ pa rin daw kumpara po sa mga nakaraang Pangulo. What does this tell you, sir?
SEC. ROQUE: Well very good pa rin po ang rating ng ating mga mamamayan, hindi naman po mababa from excellent. Eh naintindihan naman po natin iyan kasi masyadong—hindi naman pupuwedeng palaging nasa taas ang Presidente, eh iyong nakalipas pong quarter iyan po iyong pinakamataas na narating ng kahit sinong Pangulo. At siyempre pagka ikaw ay nandiyan sa napakataas ay (unclear). Pero ang amin naman ay very good pa rin po iyan at ninanais pa rin ni Presidente na sa mga darating na panahon tumaas muli ang kaniyang rating at kaya naman po puspusan ang kaniyang pagtatrabaho para sa bayan.
ERWIN: Secretary Harry Roque, maraming salamat sir. Magandang umaga, mabuhay po kayo, Sec.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po.
ERWIN: Thank you po.
SEC. ROQUE: Mabuhay po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)