Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas)


ERWIN:  Magandang umaga po, Secretary Roque, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga Pareng Erwin; at sa mga nakikinig sa atin, magandang umaga po.

ERWIN:  Opo, sir. Sir, kasama n’yo raw po iyong mga mangingisda yata diyan ngayon at kinakausap ho ninyo, Sec?

SEC. ROQUE:  Well, sila po ang magsasabi ng kanilang ipapahiwatig sa buong bayan. Nagkakaroon ng hysteria ngayon, ang totoo po niyan noong naging kliyente ko po sila, dahil noong panahon ni Presidente Aquino eh nabinbin nga ang hanapbuhay nila, kaya nanghimasok kami dahil nilabag ang karapatan na magkaroon ng hanapbuhay at karapatang mabuhay.

Eh nakapangisda nga lang po sila uli, nagkaroon sila ng hanapbuhay muli, panahon ni Presidente Duterte noong taong 2017. Eh ngayon po, may mga problema, aalamin natin iyan. Hindi naman po ibig sabihin na iyan na palibhasa ay may problema eh titigilan na natin ang bagong pagkakaibigan sa Tsina. Ipararating po natin ito sa mga kinauukulan sa Tsina at hilingin natin na itigil iyong mga ginagawa ng mga bugok na Coastguard ng sa gayon ay magpatuloy iyong hanapbuhay ng ating mga kababayan.

ERWIN:  Alam mo, Sec, ako ay naniniwala na wala naman talaga sigurong kinalaman ang pamunuan ng China, ng Presidente diyan, ng Defense Secretary, Minister nila diyan, maging ng Ambassador, sa ginagawa ng ilang mga luko-lokong mga—katulad din ho sa atin, may mga abusado na mga miyembro ika nga ng Sandatahang Lakas o ng Coastguard natin na hindi naman ito—walang kaalam-alam ang pamunuan o ang liderato ika nga o ang gobyerno, Secretary?

SEC. ROQUE:  Tama ka diyan, Pareng Erwin, kung merong bugok na mga Coastguard na Pilipino, may bugok din na mga Tsino ano at iyon naman ang ating ibibigay paalam doon sa ating mga kinauukulan ‘no, dahil hindi naman po puwede na gawin nila ito sa ating mga kababayan. At naniniwala pa rin ako na dahil ang pangako ng pangingisda ay dahil sa kasunduan ni Presidente Xi at Presidente Duterte, hindi po talaga kukonsentihin ng bansang Tsina itong mga pangyayaring ito.

ERWIN:  Sir, reaksyon n’yo lamang po. Sinasabi po si Congressman Gary Alejano few days ago na kaya raw giyerahin ng Pilipinas ang Tsina, sir?

SEC. ROQUE:  Well, alam n’yo po, siguro kung kinakailangan lahat ng Pilipino hanggang sa huling mamamayan magpapakamatay para sa Inang Bayan. Pero ang sinasabi ni Presidente Duterte, hindi kinakailangang dumating sa puntong iyon. Dahil tayo naman ay pupuwedeng makipag-usap, makipag-kaibigan at itong siglong ito, itong milenya na ito ay talagang milenya ng Asia ‘no.

So tigil-tigilan na natin iyong pagpilit na kaaway natin ang ating mga karatig-bansa, dahil napatunayan po ngayon binago na po ang kasaysayan ng daigdig, nakatutok na po muli ang atensyon ng buong daigdig dito sa Asia ‘no.

ERWIN:  Sir, panghuli na lamang. Meron po kasi akong natanggap na information last week. Iyong napakaliit na isyu na paghalik ng Pangulo, smack ng Pangulo doon sa OFW sa South Korea, pumayag naman si babae para mapasaya iyong mga audience, pinalaki ng pinalaki ng ilang grupo. Tingin po ng ilan – ayon sa aking impormante, sir – ito ay cover up sa isa pang mas malaki na isyu o problema na pilit na pinagtatakpan ng kalaban ng adminsitrasyon o ng oposisyon, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:  Napakadami kasing pananagutan noong nakalipas na administrasyon, nandiyan iyong Dengvaxia, nandiyan iyong LRT/MRT at pinagtatakpan nila ano. Alam ninyo iyong babaeng hinalikan eh sinabing walang malisya, dapat wala nang dapat dadagdagan dahil isa lang ang may karapatang magreklamo, iyong babae. Maraming malisyosong pag-uusap o iyong mga kritiko ng ng Presidente, sila po ang malisyoso.

ERWIN:  Secretary Harry Roque. Maraming salamat, sir. Magandang umaga, mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ROQUE: Maraming salamat.

***

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource