ERWIN: Nasa linya ng telepono si Secretary Harry Roque. Magandang umaga Secretary Harry Roque, sir.
SEC. ROQUE: Magandang umaga kasamang Erwin; at sa lahat ng nakikinig, magandang umaga po. Narito po tayo, kasama tayo ni Governor David Suarez papunta ng napakagandang probinsiya ng Quezon.
ERWIN: Ay oo, kilala ko ho iyan. Eh kumusta mo ho ako diyan, talagang napakaganda iyan… idolo ko ho iyan pati iyong kaniyang ama, si Congressman Suarez.
SEC. ROQUE: Opo, si Manong Danny… [overlapping voices] sa Kongreso.
ERWIN: Exactly, exactly. Sir diretso tayo, reaksiyon ninyo lamang po. Sinibak… 8-6, sa botong 8-6 ang—si Atty. Lourdes Sereno ng kaniyang mga kasamahan at with finality na raw ito. Ano po ang reaksiyon ng Palasyo rito, sir?
SEC. ROQUE: Goodbye Malou and good luck! Nagdesisyon na po ang ating Korte Suprema; pinal na pong desisyon iyan… tanggapin o hindi, kinakailangan respetuhin – ganiyan po ang ating sistema dito sa ating bayan. Pupuwedeng nagkamali, pupuwedeng tama ang desisyon – pero iyan na po ang desisyon, huwag na pong ipagpilitan… tanggapin na lang ang kapalaran, good luck sa susunod niyang gagawin sa buhay niya.
ERWIN: Sir ano po ang reaksiyon ninyo, kayo ho bilang abogado, aba ay pangungunahan niya raw ang tinatawag na ‘People Movement’ para habulin/panagutin ang Duterte administration? Ano ho ang reaksiyon ninyo roon… dito, Sec.?
SEC. ROQUE: Eh baka naman mabilang lang sa daliri ang kaniyang mga tagasunod. So, malaya naman po tayo. So iyon… mag-enjoy sila sa gagawin po nila at kailangan naman may gagawin siya ngayon, hindi na siya Chief Justice… reality now [inaudible].
ERWIN: Sir maiba tayo, eh kayo ho ay abogado… eh from the very—Sec., kilala ko na ho kayo – bukod sa pagtuturo ng abogasya, kayo rin ay humahawak na—bilang trial lawyer. Eh itong sinasabi ni—nagulo tuloy ang sambayanan dito sa statement ni Vice President Lenie Robredo, bakit daw huhulihin iyong mga tambay, eh wala naman daw dahilan dahil wala naman daw kasalanan ang pagiging tambay? Mukhang… ewan ko kung anong law school—hindi ba naituro sa school iyang mga anti-vagrancy law na iyan Attorney o Secretary Roque, sir?
SEC. ROQUE: Well siguro po, talagang panahon lang ng pulitika at malapit na talaga ang kampanyahan na naman. Pero malinaw po na hindi naman kayo aarestuhin kung wala namang basehan ang kapulisan – na walang krimen na nangyayari. Bagaman at walang batas na tinatawag laban sa tambay, eh mayroon naman po tayong mga ordinansa; marami pong mga lokal na pamahalaan na mayroong curfew lalung-lalo na para sa mga menor de edad. At saka iyong mga umiinom na nag-iingay sa kalye, bakit sasabihin natin na walang batas na nalalabag diyan? Mayroong alarm and scandal po iyan, sa Revised Penal Code po iyan.
Huwag naman po nating isipin na ang mga kapulisan natin na nagpapatupad ng batas ay hindi alam ang batas. So, bigyan naman po natin sila ng presumption of good faith, dahil itong kapulisan naman po natin eh ang talagang inaalay sa bayan, hindi lang laway kundi buhay nila para tayo magkaroon ng matahimik at mapayapang mga komunidad.
ERWIN: Panghuli na lamang Secretary, ano naman po ang masasabi ninyo rito sa kaniyang pahayag na: “Ipagtanggol natin ang natitirang demokrasya sa ating bansa.”? Sabi ko, eh bakit nabawasan ba? Eh hindi ko ho maintindihan, Secretary.
SEC. ROQUE: Eh kahit bali-baligtarin ninyo po, talagang napakadaming humalal sa ating Pangulo, bilang Presidente. Kaya po hindi ko naintindihan kung bakit nga, nakaukit ngayon ang demokrasya. Siguro po doon sa posisyon na Vice President, eh may duda. Doon po, nabawasan ang demokrasya, kasi hanggang ngayon hindi naman alam kung sino talaga binigyan ng mandato ng taumbayan. So kung mayroon pong kakulangan sa demokrasya, parang sa posisyon po iyan ng Bise Presidente.
ERWIN: Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Mabuhay po kayo, Sec.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)