Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo – Tutok Erwin Tulfo, PTV4

ERWIN TULFO: Sec., kumustahin ko lamang po iyong mga hospital sa atin, update?

SEC. ROQUE: Opo. Well, as of kahapon po nasa moderate risk po ang Metro Manila, mas mataas po ang health care utilization rate sa buong Pilipinas kaysa sa Metro Manila. Pero, naintindihan ko po napupuno na. Kanina po kagagaling lang tayo sa Lung Center kung saan nag-inaugurate tayo 108 modular bed hospital, kasama po ang isang ICU unit at kahapon din po ay nandoon naman tayo sa pagsama ng One Hospital Command Center at nagpa-expand na po sila ng kanilang capacity.

Ang importante lang po, bagama’t iyong mga hospital na napupuno, mayroon din pong mga bakante tumawag lang po tayo sa 1555 o kaya naman 09157777777 para malaman natin kung saan tayo hospital na dapat pumunta, hindi na tayo ma-frustrate na iyong pinuntahan nating ospital ay puno. Pero, mayroon pa po tayong espasyo, kinakailangan lang pong tumawag sa One Hospital Command Center.

ERWIN TULFO: Oo. Mukhang sinasabi naman po iyon, Sir, ng Private Hospital Association of the Philippine na mayroon pa naman, tumawag lang daw po iyong mga kababayan natin sa One Hospital Center para ma-distribute po sila ng sinasabing One Hospital Center, Secretary.

SEC. ROQUE: Opo, opo. Ganoon nga po.

ERWIN TULFO: Alright. Sir, kumusta na po iyong Cebu at saka Tuguegarao? Naka-ECQ raw from August 12 to 21? Cebu City?

SEC. ROQUE: Well, wala pa po akong ina-anunsiyo pagdating sa Cebu City. Nagpulong po ang IATF kahapon at iyong preliminary po na napagkasunduan na rekomendasyon ay maipapatupad po iyan beginning August 15. So, wala pa pong ganoong balita as of yesterday sa IATF meeting.

ERWIN TULFO: Alright. Panghuli na lamang Secretary, kasi marami itong intrigero at intrigera, alam mo naman sa ating bayan pati kayo naiintriga. Tumitindi raw po iyong iringan ni Pangulong Duterte at Isko Moreno. Sumagot daw po si Pangulo tungkol doon sa isang LGU na pinapakita-kita pa daw iyong brief. Ano ho ba ang nangyayari, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, wala kasing pangalan naman na binanggit ang Presidente. Bilang tagapagsalita kung wala siyang pangalang binanggit ay wala rin akong babanggitin. Nasa Presidente po iyon kung gusto niya pang banggitin iyong pangalan.

ERWIN TULFO: Alright. So, hindi naman po, wala namang tumitinding away. Wala naman kayong alam na tumitindi ang iringan dahil nagsimula daw ito noong sinabi ng isang alkalde, sinisi ang Pangulo na kaya dumami ang nagpapabakuna sa kaniyang lugar dahil sinabing bawal lumabas. Eh hindi ho kaya doon nag-umpisa ito? Pero, alam mo naman iyong ating mga intrigero at, intrigera sa ating bayan, Mr. Secretary. Pasensiya na ho kayo.

SEC. ROQUE: Oo. Hinahayaan ko na po iyan mga nameless pronouncement ng Presidente to remain as it is, kasi mahirap po. Hindi natin dapat punuin kung hindi naman binanggit ng Presidente.

ERWIN TULFO: Sir, pahabol lamang. Si Secretary Teddy Boy Locsin, nagsabi na hindi raw po, ayaw daw i-honor ng Hong Kong government iyong mga vaccine cards noong mga OFWs natin na nandoon na bigay ng LGU. Ano hong plano rito ngayon, Mr. Secretary Sir?

SEC. ROQUE: Well, alam ko po iyong pribadong sector na ang gumagawa ng paraan diyan. Iyong IATA at saka sinabi ko na rin po iyan sa DOH na kinakailangan talaga na makipag-ugnayan sa WHO na magkaroon tayo ng standard vaccination card na acceptable sa lahat.

At ako naman po, mayroon nang personal na karanasan, mayroon tayong tinatawag na yellow quarantine book na ini-issue ng Bureau of Quarantine at ako mismo susubukan ko na iparehistro iyong aking bakuna doon sa aking yellow book dahil noong ako ay bumiyahe, iyon naman po ay kinilala. Nagpunta po ako noon ng South Africa na mayroon required na vaccination at iyon po iyong dala-dala ko. So, titingnan po natin baka iyon ang kilalanin naman.

ERWIN TULFO: Bakit hindi nila [unclear], ito po ba ay napag-usapan ninyo sa IATF na iyon na lang kaya ang sundan natin parang ‘official ito, Sir, Bureau of Quarantine’ di po ba?

SEC. ROQUE: Opo. Well, isasangguni ko po sa kanila iyan. Pero, naalala ko lang po iyan at hinanap ko iyong aking yellow card at nakita ko naman iyong pass yellow card ko. Naalala ko na kung pupunta ka ng South Africa, kinakailangan iyong ganoon. At naaalala ko noong nagpaturok ako dati sa Bureau of Quarantine para doon sa kinakailangan ko sa South Africa ay nandoon lahat iyong mga marino at iyong mga marino doon din sinasaksakan at binibigyan ng Yellow Card.

ERWIN TULFO: Secretary Harry Roque, Sir. Maraming salamat po, magandang umaga po. Please stay safe and healthy always.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang araw po.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center