Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo – Tutok Tulfo/PTV 4

TULFO:  Magandang umaga, Secretary Harry Roque, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang umaga, Pilipinas.

TULFO:  Opo, two things po:  Kahapon iyong mga immigration officials, napakabait naman ng Malacañang at sinilbihan pa ng pangmeryenda na pastillas ang mga taga-Immigration, hindi nga lang kinain, Secretary. Ano po ang nangyari doon, sir? Bakit hindi nila kinain iyong binibigay ng Pangulo na pastillas bilang meryenda, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, ang sinabi po kasi ni Pangulo, may pera daw iyong loob ng pastillas, gusto niya kainin nila iyon dahil ang mensahe ni Presidente, hindi talaga niya itu-tolerate o papayagan na manatili sa kaniyang pamahalaan ang mga corrupt na tao sa gobyerno. So, naging patakaran na iyan ni Presidente noong siya ay mayor sa Davao na iyong mga mandurukot, iyong mga kriminal ay pinapakain niya iyong mga ninanakaw na pera. At iyon din po ang mensahe ni Presidente at sa tingin ko naman, bagama’t hindi pinilit ni Presidente na talagang kainin iyong pera na iyon eh nakarating ang mensahe na zero tolerance ang Presidente pagdating sa korapsiyon.

TULFO:  Pero hindi yata nila tinuluyang inuwi. Iyong iba nakita ko, iniwan na lang doon po sa upuan yata, Secretary.

SEC. ROQUE:  May isa lang pong naiwan sa upuan at karamihan naman po, 39 of them ay mukhang inuwi iyong pastillas na may pera.

TULFO:  All right, sir. Mukhang seryoso talaga ang Pangulo, sir ano. Kasi nag-offer pa siya ng 50,000 to 100,000 reward kung sino man ang makapagbibigay ng impormasyon na may ilang opisyal o ahensiya na may planong gumawa ng, ‘ika nga, korapsiyon, Secretary?

SEC. ROQUE:  Tama po iyan, talagang seryoso po ang Presidente. Alam po ninyo, marami na sa akin ang lumalapit, nandiyan na iyong ating mga kapatid na Tsino na nagrireklamo pero ayaw manindigan. Eh ngayon po ang sinasabi ni Presidente, maski hindi ka na manindigan, magbigay ka lang ng impormasyon at bahala na ang gobyerno na hulihin on the act iyong mga taong iyan, eh magbibigay pa siya ng pabuya. So, ang pakiusap po natin sa taumbayan, hindi po matitigil ang korapsiyon kung hindi tayo magbibigay ng impormasyon. So hayan na po, nagbibigay na po ng pabuya ang Presidente, patunay na talagang sa natitirang termino niya ay talagang susubukin niya ang lahat, gagawin niya ang lahat para mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang korapsiyon sa gobyerno

TULFO:  All right. Sir, last na punto na lamang, mukhang may magandang balita po. Nag-announce ang Pfizer na mukhang nasa final stages na po sila noong vaccine nila at 90% ng mga, ‘ika nga, gumamit nito ay, ‘ika nga, maganda po ang resulta, 9 out of 10. Papaano po tayo, sir, kumakausap na ba, kinakausap na ni Secretary Galvez iyong mga taga-Pfizer hinggil dito o DOH o DOST para mag-order din tayo hopefully by first quarter of next year?

SEC. ROQUE: (Garbled) Babe Romualdez, sinabi niya mukha naman pong tutuparin ng Pfizer iyong kanilang pangako; isang bilyon naman po iyong kanilang kayang i-manufacture, bagama’t uunahin nila iyong mga kababayan nila sa Amerika ay magkakaroon naman po tayo ng ating supply ng Pfizer vaccine. At pagdating naman po sa pagbayad diyan ay hanggang 300 million dollars po daw ang ating nautang na. Ito naman po ay sang-ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez.

TULFO:  Sir, papaano iyong ibang bansa, iyong Russia, patapos na rin ba sila? China, ano na ang balita doon?

SEC. ROQUE:  Well, lahat po iyan ay nakapanayam na natin sa ating press briefing ang ating mga ambassador (garbled). Ganoon din po iyong Gamaleya na kapag nagkaroon na ng bakuna, hindi lang tayo bibigyan, kung hindi dito pa nila gagawin. So, lahat naman po ng hakbang ay nagawa natin para masiguro na magkakaroon po tayo ng bakuna dahil alam natin na tanging bakuna lamang ang magiging solusyon dito sa problema ng COVID-19.

TULFO:  All right. Secretary Harry Roque, sir, maraming, maraming salamat po. Magandang umaga. Mabuhay po kayo, Secretary.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po. Salamat po.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)