Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henri Uri and Missy Hista (DZRH – Coffee Break)

URI: Magandang umaga po sa inyo, Secretary Harry.

SEC ROQUE: Magandang umaga Henry and Missy; magandang umaga Pilipinas.

URI: Opo. Marahil nabasa na ninyo ang ilan, nakarating na rin iyong mga sinasabing bakit ninyo ikukumpara ang Pilipinas sa ibang mga bansa lalo na doon sa maraming populasyon. Dapat ang ratio daw ng comparison is population to population, economic status to economic status, Secretary Harry?

SEC ROQUE: Alam niyo po ang COVID-19 wala pong kinikilalang territorial boundaries iyan. Nang iyan po ang pandemic, buong mundo po ang kanyang dinale. Kaya po importante na hindi lang natin titingnan ang mga kaso sa Pilipinas para malaman kung tama ba ang mga ginawa nating mga responses dito kung hindi ikukumpara natin sa lahat.

Bakit po natin ikinukumpara sa top 10, kasi iyong top 10 po, ito po iyong mga mayayamang bansa, mas magaganda at magagara ang kanilang mga hospital, mas marami ang kanilang doctor- patient sa ratio.

Pero tingnan ninyo po ang mga nangyayari ? Ang number one ngayon sa buong daigdig ay ang idolo ng maraming Pilipino, ang Estados Unidos. So importante po talaga na iparating sa mga Pilipino na number 26 lang po tayo pagdating sa total number of COVID.

Pero tama po sila dapat ikumpara natin iyan sa populasyon kaya nga po kapag ginawa natin ang comparison ay cases per 1 milyon aba’y babagsak po tayo. Nasa 100 plus place po tayo, nasa laylayan tayo ng daigdig.

At kung ikukumpara mo nga per 100 ay makikita ninyo po ang laki ng diperensiya parang kinse lang po tayo per 100, samantalang iyong mga mas mayayaman at mga advanced na bansa ay mga otsenta’y singko; sixty-five per one hundred samantalang tayo po ay kinse na nagpapakita na tama naman po ang ginagawa ng ating Presidente at ang ating IATF pagdating sa management ng COVID-19 at siyempre po huwag nating kakalimutan ang pinaka-importante iyong namamatay at tayo ngayon ay nasa 1.67 ang ating case fatality rate samantalang sa buong mundo ang average po ay 2.1; mas magaling po ang mga doktor natin at mga nurses natin na mag-alaga ng mga pasyente ng COVID-19.

URI: Pero kung ang comparison ay within Asia lamang, sa mga karatig nating bansa, Secretary Harry?

SEC ROQUE: Ginagawa naman po natin iyon, na makikita natin na pangalawa tayo sa Asya ‘no at ang pinakamalaki pa rin ay ang Indonesia, pero pagdating kasi sa populasyon talaga naman tayo na ang susunod sa Indonesia; so hindi naman natin makakaila iyon.

Pero kung titignan po na nga iyong cases per one hundred ay mas marami pa rin po iyong cases per one hundred ang bansang Singapore na kaliit-liit at napakayaman pero mas marami  po ang cases nila per one hundred people.

URI: Okay. Pero ang tanong nga marahil diyan, partner eh—sige, fine sinasabi ninyo na we are far better than iyong mga binabanggit po ninyong mga bansa. Pero, ano ba iyong mga ginagawa na sinasabi ninyo o ginawa ng gobyerno to justify na you in the government is in the right direction?

SEC ROQUE: Well unang-una po, ang ating desisyon po kung ano ang magiging quarantine classification ay palagi pong nakabase sa datos. Iyong two week average attack rate at saka iyong daily attack rate at saka iyong critical health care capacity.

Sa tingin ko, tayo lang talaga ang bansa sa daigdig na ganitong kalinaw iyong ating criteria kung ano ang magiging classification. Ang nakikita naman natin na ang pinaka importante pa rin iyong ating health care capacity kasi kung hindi natin maalagaan iyong mga magkakasakit ay ano ang mangyayari sa kanila, mamamatay.

Kaya nga po kapag ang critical care utilization rate ay napakataas nasa critical level tayo po ay nag-MECQ na naging basehan din kung bakit napahaba pa ng dalawang linggo iyong ating MECQ. So, sabi po wala akong alam na ibang bansa na ganyan na ina-announce at talagang nagpupulong including the entire government approach.

Kaya sa akin po, nandiyan po ang datos, ayaw po nila ikumpara kasi ang gustong nilang isipin ng taong bayan, napakalala ng kaso sa Pilipinas. Ako nga po ay I went one step further eh, ipinapakita ko iyong epidemiological curve ng ibang country kung ikukumpara sa Pilipinas at makikita ninyo na bagama’t sumipa ang mga kaso sa Pilipinas, napakababa po sa graph ng mga kaso ng Pilipinas kung ikukumpara doon sa mga kaso ng Estados Unidos, ng France, ng Italya at ng Turkey at ng iba pang mga bansa.

URI: Partner one point pa before I give you the chance, the opportunity to ask Secretary Harry.

Of course, iyong punto ng argumento ay iyong gutom at empleyo, maraming nagugutom sa Pilipinas, walang trabaho. Pero well if you have data, meron bang bansa na hindi nakakaranas ng gutom at unemployment sa panahong ito?

SEC ROQUE:  Sa tingin ko po halos lahat po tayo ngayon ay talagang nadale ‘no, wala pong bansa na umunlad sa panahon ng pandemya, tumaas po talaga ang pag-kagutom.

At dito naman po sa Pilipinas huwag nating kakalimutan na bago pa itong ayuda na binibigay natin ngayon na 23 milyon ay nagbigay na po tayo ng dalawa pang ayuda ‘no noong una po tayong nagsarado and kung isusuma-total mo po iyan, wala ng ibang administrasyon na nagbigay ng ganitong kalaking ayuda sa mga mamamayan sa kanilang mga panahon ng pangangailangan.

URI: Ano iyong mga naging hakbang nga ng gobyerno para ma-address iyong gutom at saka iyong unemployment?

SEC ROQUE: Unang-una po, iyong ayuda; pangalawa po, iyong mga iba’t-ibang programa lalo na iyong TUPAD ng DOLE na ito po iyong cash for work ‘no, na habang nawawalan ng trabaho iyong mga tao. Ngayon po ay kinukuha natin sila para maging contact tracers, iyong mga pautang po galing sa Small Business Corporation at sa DTI patuloy po iyan.

At saka iyong mga pautang din galing po sa DA at pati po sa DOF, nagbigay din po ng pautang ang DOF para doon sa mga small and medium scale industries po ‘no at ito po ay bukod pa sa mga regular na ayuda, na bukod pa doon sa special na ayuda na ibinibigay po ng ating Department of Social Work and Development.

URI:  What about sa health, iyong mga nao-ospital, ano ang nangyari?

SEC. ROQUE:  Well, dahil nga po sa batas na isinulong natin sa 17th Congress, iyong Universal Health Care, kung wala po iyong batas na iyan, hindi po sana tayo nakakapagbigay ng iba’t-ibang mga packages doon sa mga nagkakasakit ng COVID. Sa ngayon ako po, moderate case of COVID, nakakuha po ako ng P140,000 doon sa ating hospital na hindi ko na binayaran, dahil binayaran na ng PhilHealth; ang severe po ay P400,000 at ang critical ay P750,000. Lahat po iyan ay dahil nga po doon sa batas na nagsasabi na sagot ng gobyerno iyong medikal na pangangailangan ng mga taumbayan. At bukod  pa po diyan, nalilibre na rin po ang PCR test doon sa mga front-liners, doon sa mayroong sintomas at doon sa mga nagkaroon ng close contact at kaya nga po bilyun-bilyon ang binabayad natin, hindi lang sa PRC kung hindi sa iba’t iba pang mga laboratoryo.

Huwag po tayong maniniwala na lahat ay pinagbabayaran ang PCR Test. Ang criteria po natin, kung mayroong sintomas, kung mayroong close contact at kung ikaw ay economic and medical front-liners ay libre po iyan at iyan ay babayaran ng PhilHealth.

HISTA:  Yes. Secretary, Ka Henry matanong ko na rin lamang po kayo, kasi nabanggit na rin po ninyo lamang po. While we appreciate your care towards people who has been infected with COVID-19, paano naman daw po iyong may mga dati ng mayroong pangangailangang-pangkalusugan, katulad noong mga nagda-dialysis na nabalam po ang kanilang pagpapagamot dahil nga po sa pandemyang ito?

SEC. ROQUE:  Well, dahil nga rin sa ating batas na isinulong, ang lahat po ng dialysis ngayon na three times a week, para sa isang taon libre na po. Iyan po ay sagot na ng gobyerno, kasi alam mo, Missy, ang nanay ko nag-dialysis din. Ang maximum naman ng dialysis talaga three times a week. So kung iko-compute mo iyan three times a week, times 12 eh lahat po iyon ay sagot na ngayon ng PhilHealth ‘no. Now, nagbibigay na rin po tayo ng mga libreng maintenance medicine doon sa mga may high blood pressure at saka may diabetes, dahil kung hindi po baka nga magdahilan para magkaroon ng kidney failure at saka stroke na mas mahal ang gagastusin po ng PhilHealth. Pero siyempre po, bagama’t kumbaga na-fast forward  iyong implementasyon ng ating Universal Health Care, nandiyan pa rin iyong ating basic na ginagawa na pino-promote po natin ang basic health-care, lalung-lalo na sa mga malalayong lugar ng Pilipinas at pinaalalahanan ko nga po ang lahat na kinakailangan mag-register po tayo sa ating family physician dahil habang pinapatupad po natin ang Universal Health Care, ang mga family physicians, sila po ang  magrerekomenda para pumunta tayo sa ospital para magkaroon po ng karagdagan pang mga atensiyon.

URI:  Okay, go ahead, Missy.

HISTA:  Secretary Harry, nakansela na po ang pagpasok ng mga galing India papunta dito sa Pilipinas. While people here in the Philippines appreciate that, may mga Pilipino naman po na nasa India na gusto nang makauwi ang nangangamba rin naman para sa kanilang kalusugan. Paano naman natin sila matutulungan?

SEC. ROQUE:  Well, depende nga po, kasi lahat naman po iyan mayroong exception. Pero kung mayroon po talaga, kung tingin ninyo na kayo ay dapat ma-exempt doon sa ban ay sumulat lang po kayo dito sa ating National Task Force na pinamumunuan po ni Secretary Lorenzana,  puwede po iyan by email, puwede iyan by fax, puwede iyan by snail mail at ii-evaluate naman po iyong kaso ninyo. Pero naiintindihan naman po sana natin, mga kababayan, lalo na sa mga nasa India ngayon kung bakit natin ginawa ito, dahil talagang napakanakakahawa at nakakamatay iyong double mutant na laganap ngayon sa India.

Pero, Missy ha, kasi wala nga tayong direct flight, ang katotohanan, lahat noong mga bansa na mayroong connecting flights to Manila kagaya ng Singapore, kagaya ng Thailand, eh lahat din po sila ay ipinagbawal na rin ang pagpasok ng kahit anong flight na galing sa India. So maski gustuhin man natin na i-lift natin ang ban dito sa ating bayan, hindi rin sila makakarating eh, kasi iyong mga stop-over nila…

HISTA:  Wala po silang dadaanan.

SEC. ROQUE:  Oo, para po umuwi dito sa Pilipinas ay hindi rin sila ia-allow na bumaba doon by way of transit.

URI: Okay, last two points. Una iyon hong binanggit ng Pangulo kagabi doon sa mga community pantry na may binanggit daw po siya eh walang isip iyong mga  ‘G-A-G-O’ na iyan eh, what they just do, is just to show to the people that they care, but they do not really care because of their ignorance. Ngayon ang lumalabas na reaksiyon, parang sinisisi pa ng Pangulo iyong mga community pantry organizers at iyong mga nagsasagawa nito dito sa kaniyang statement na ito. Ano po ba raw ang kaniyang talagang gustong sabihin dito?

SEC. ROQUE:  Well, ang sinasabi niya na bagama’t bayanihan talaga iyang mga community  pantry na nagpapakita ng the best of the Filipino in the worst of time, hindi naman dapat maging dahilan para  maging super spreader event iyang mga community pantries na iyan.  Kaya nga po ang panawagan ng DILG ay makipag-ugnayan sa LGU, sa barangay at sa siyudad at munisipyo para magkaroon po ng mga pamamaraan na masunod naman po iyong minimum health standard kagaya po ng social distancing.

URI:  Another one, ano daw po ang mga negosyo namang puwede ng magbukas ngayon sa extension ng MECQ, kasi binabanggit kagabi sa IATF meeting ninyo with the President na may mga bubuksan din sabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos?

SEC. ROQUE:  Magmi-meeting po kami ngayong hapon para isapinal po kung iyong listahan ng mga karagdagang mga negosyo at establisyimento na pupuwedeng buksan po sa MECQ dito po sa Metro Manila Plus.

URI:  Okay, magbubukas na daw ba kaya iyong dine-in maski 30% at iyong mga barber shop diyan at kung anu- anong mga spa pa diyan – may mga nagtatanong?

SEC. ROQUE:  Ang tingin ko po mukhang hindi siya mabubuksan iyong dine-in ng 30%, pero baka pupuwedeng mas maliit pa. Pero hintayin po natin ang desisyon ng IATF, dahil iyan po ay nasa agenda today.    

URI:  All right. Once again, Secretary Roque, ano ang inyong mensahe ulit doon sa mga nagagalit sa comparison ninyo sa ating bansa at sa ibang bansa tungkol sa sitwasyon ng COVID-19?

SEC. ROQUE:  Ang COVID po ay pinutakte ang buong mundo at nakikita naman po natin na importante ang comparison para makita natin ang management ng sarili nating gobyerno lalung-lalo na kung ikukumpara sa mga mas mayaman at may mas maraming mga hospital kaysa sa atin. At makikita po natin na bagama’t dumadami ang kaso natin, iyong mas mayaman at mas maraming mga hospital ay mas matindi po ang kanilang problema.  Patunay na tama po ang ginagawa ng ating Presidente at ng ating IATF dito sa ating bayan.

Maraming salamat po.

URI:  Secretary Harry, salamat ng marami po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Salamat po.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)