Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Howie Severino & Kara David (News To Go-GMA News TV)


 

HOWIE: Kaugnay ng iba’t ibang isyu makakausap natin ‘For The Record’, si Presidential Spokesman Harry Roque.

KARA: Magandang umaga po sa inyo, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: …Howie at Kara, at sa lahat ng nanonood sa atin at nakikinig ngayon, magandang umaga po.

KARA: Sir, unahin po natin itong issue ng pagpapasara sa Boracay, hinihintay raw ng ilang ahensiya iyong pagdedeklara ng state of calamity para ma-access nila iyong calamity fund. Pero bakit ngayon hindi pa po nakakapagdeklara pa ng state of calamity?

SEC. ROQUE: Eh alam naman po nilang lalabas na iyan, so it’s a matter of issuing the document. So wala pong problema iyan, bago naman po mapatupad talaga iyong closure, lalabas at lalabas iyan. At maski naman maisara na puwede pa ring ma-issue iyan, dahil itong closure naman ang magiging legal na basehan para nga ma-fast track lahat iyong mga proyekto na dapat gawin diyan sa Boracay. Dahil kung hindi po, dadaan iyan sa regular na proseso ng government procurement.

KARA: So kahit po walang pirmadong document ay makakakuha pa rin sila ng pondo?

SEC. ROQUE: Opo, kasi hindi naman kaagad-agad lahat iyan masisimulan. Pero ang punto ko lang po, eh alam na po nila ang mangyayari at anytime naman po puwede rin iyan i-issue na ni Presidente. Ang Presidente po ngayon ay nasa Davao, so pupuwede pong at this week pa nga na-issue na iyan. So, I will find out po kung na-issue na nga.

KARA: Magkano po ba iyong pondong itatalaga, sir?

SEC. ROQUE: Alam ninyo ang sinabi kasi ni Presidente, doon pa lamang na iyong tulong na ibibigay sa mga mawawalan ng trabaho panandalian, eh hindi na bababa iyan sa 2 billion. Pero ang pakiusap lang ni Presidente, kinakailangan iyan ay mabigay doon talaga sa mga ordinaryong mga manggagawa at hindi doon sa mga mayayaman na. Iyan iyong importansiya ng vetting na tinatawag.

Pero actually iyong mga proyekto, siyempre mas malaki pa iyan sa 2 billion. Alam ko iyong proyekto ng TIEZA para diyan sa drainage system, minimum, 1 billion na iyan. Tapos iyong sewage—iyong repair ng sewage line na nagtutulungan na nga iyong dalawang water concessionaires at ang lokal na pamahalaan, at pat iyong nasyonal na pamahalaan, bilyones din po ang gagastusin diyan. At mayroon pa po siyempre iyong central treatment na water treatment, dahil ngayon po pinag-uusapan po eh zero discharge, wala na talagang dapat lumalabas na tubig sa dagat; eh ire-recycle na lang ang tubig, eh malaki ding halaga iyan.

So hindi ko lang po alam talaga kung anong minimum price tag ng rehabilitation ng Boracay, pero sulit naman po iyan dahil kumita rin naman ang bayan sa Boracay at responsibilidad natin na pangalagaan itong tanging yaman natin para sa susunod na henerasyon.

KARA: At may matitira pa naman po sa pondo, just in case may ilang mga probinsiya—ibang mga probinsiya na magkaroon, let’s say, ng kalamidad at mangangailangan ng calamity fund.

SEC. ROQUE: Oo. Alam ninyo iyong proclamation kasi may separate budgetary entry tayo sa calamity. Hindi ba! So para iyan ay magamit natin at bukod pa iyan sa mga calamity fund ng mga lokal na mga pamahalaan.

KARA: Okay. May mga nagtatanong po sir, kung mayroon na po ba talagang masterplan. Ano po iyong mga uunahin na target sa loob ng anim na buwan?

SEC. ROQUE: Ay, mayroon po talagang masterplan, hindi naman isasara ng gobyernong ito na hindi alam ang gagawin. So ang prayoridad po talaga diyan iyong drainage, iyong sewage lines, iyong water treatment system, iyong kalsada, iyong pagpapaalis noong nagba-violate ng easement sa white beach, at iyong mga pagpapaalis ng istraktura sa mga wetlands at saka sa mga forestlands.

KARA: Kailan po natin ma-e-expect na maisa-publiko po itong masterplan? Kasi marami pong nagtatanong—oo…

SEC. ROQUE: Naku naisa-publiko na po iyan. Noong minsan ako po ay nag-press briefing na doon sa Boracay, isinapubliko ko naman po iyan; tapos nagkaroon po kami ng consultation with the stakeholders, isinapubliko rin po iyan. So iyon naman po ay public document na po sa ngayon.

KARA: Opo. Sir, sa issue pa rin po ng Boracay, kasi sinabi po ng Pangulo na hindi na po matutuloy itong pagtatayo ng resort-casino sa Boracay. Pero naglalabasan po doon sa mga pahayagan na patuloy po iyong pagbili ng property nitong Galaxy Entertainment sa Boracay, at may provisional license pa sila from PAGCOR! Ano po ba sir ang totoo?

SEC. ROQUE: Well, dati na po kasi iyang provisional license na iyan. Pero nagsalita na nga po ang Presidente at iyan naman po ay masusunod: Wala pong magiging casino sa Boracay.

KARA: So ito pong mga binibili nilang mga properties daw doon sa Boracay, paano po ito?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaalam ko Kara ay dati na nilang binili iyan. Pero sa ngayon po ay siyempre, ay kasalanan na nila iyan kung bibili pa sila ng bago.

KARA: Opo. So whatever plans na mayroon itong Galaxy Entertainment ay hindi na matutuloy sa Boracay?

SEC. ROQUE: Well bahala po sila, kasi nagsalita na po ang Presidente.

KARA: Okay.

HOWIE: Okay. Si Howie po ito, Secretary Roque ano, tungkol naman po sa drug war. Pinasusumite kasi ng Korte Suprema ang lahat ng dokumento kaugnay ng war on drugs, pero sabi po ng Philippine National Police, bagaman at handa silang gawin ito, hindi nila ito ibibigay kung walang pahintulot ni Pangulong Duterte. Will the President withhold these documents? Ano bang magiging utos ni Pangulo tungkol dito?

SEC. ROQUE: Well ang abogado po ng gobyerno sa kasong iyan ay ang Office of the Solicitor General. So paumanhin po, but I would rather na tanungin ninyo po ang Office of the Solicitor General. Kasi this is a live case, at it is beyond my authority to speak for the OSG on a pending and live case.

HOWIE: Okay. But the Supreme Court kasi issued this order or made the announcement on April 3 and gave the PNP only 15 days. Lumipas na po iyong 15 days, so ano po iyong official status nito?

SEC. ROQUE: Again po, hindi po kasi ako partido at hindi po ako abogado sa kasong iyan. Pero sa akin po ang posisyon naman ng Presidente: palagi niyang sinasabi nirerespeto po niya ang Saligang Batas; nirerespeto niya ang ating Hukuman; kung kinakailangan sigurong humingi ng extension, hihingi po ang ating Office of the Solicitor General. Ang aking sinasabi lang po ngayon is, pagdating po sa mga live cases na hinahawakan ng OSG, eh wala po akong otoridad na magsalita dahil ang abogado po talaga diyan ay Office of the Solicitor General.

HOWIE: Okay, understood, Mr. Secretary. Usaping Tsina naman: May nakita raw na Chinese aircraft sa mischief o Panganiban Reef; May nakita namang monument sa Fiery Cross o Kagitingan Reef. Ano po ang magiging aksyon ng gobyerno natin tungkol dito?

SEC. ROQUE: Nagsalita po si Secretary of Foreign Affairs, eh pinag-aaralan po ng Department of Foreign Affairs ang lahat ng diplomatic option na magiging katugunan natin dito sa dalawang developments na ito. So, alam ninyo naman kasi, in the field of diplomacy, hindi naman pupuwede lahat ng ating aksyon, ina-anunsiyo. You know, I’d like to assure the public that the President is being apprised of step being taken by the Department of Foreign Affairs. Pero, kaya po importante minsan ay maging matahimik sa pagdating sa larangan ng diplomasya, ay dahil may dahilan naman po kung bakit minsan dapat hindi pinag-uusapan ang mga ginagawa ng gobyerno at isa po ito sa mga bagay na iyan.

HOWIE: Okay, speaking of foreign affairs, nag-apologize na po si DFA Secretary Alan Peter Cayetano kaugnay ng pagsagip ng ating Philippine Embassy officials sa Kuwait sa mga kababayan natin doon. Naapektuhan ba nito ang memorandum of understanding sa Kuwait? I know, we have been involved in some sensitive negotiations tungkol diyan; matutuloy ba iyong pirmahan nito at kailan po?

SEC. ROQUE: Tuloy po ang pirmahan, kaya lang po ay magkakaroon ng Ramadan, so out of deference to Ramadan, mukhang after Ramadan po iyan. Pero gaya ng aking sinabi po kahapon, ang tawag ko po DDS – Duterte Diplomatic Style – naayos po ni Presidente lahat ng gusot, dahil po diyan sa kontrobersiya ng video na mukhang nakarating sa publiko at both parties, both state have agreed to move forward within bilateral relation at talagang they reaffirmed their mutual support with each other at ang patunay nga po niyo ay tuloy po ang lagdaan ng MOA matapos po ang Ramadan.

HOWIE: Okay, pero nagkaroon ba ng reaksiyon na galing sa Kuwait, doon sa apology ni Secretary Cayetano, because alam natin na medyo may outrage po doon sa Kuwait, on the part of their diplomats, iyong parliament nila, pati iyong may mga protesters pa sa harap ng embassy natin sa Kuwait. So, lubos ba nilang tinanggap itong apology ni Secretary Cayetano o wala pang reaksiyon?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaalam ko case closed na po itong bagay na ito at moved on na ang parehong bansang Kuwait at Pilipinas.

KARA: Okay, Secretary katatanggap lang po namin nitong report na ito na iniutos na daw po na, iniutos po ng Bureau of Immigration ang pag-alis sa bansa nitong Australian missionary na si Sister Patricia Fox. Ito po ba ay resulta ng mga pahayag ng Pangulo laban sa madreng ito? Ano po ang basehan ng pagpapaalis sa kaniya, Secretary?

SEC. ROQUE: Dumaan naman po ito sa proseso, nagkaroon po ng preliminary investigation kung dapat nga ba siyang i-subject to deportation proceedings, nagkaroon ng ebidensiya na talagang sumapi sa mga political activities. Ako po mismo, sabi ng CBCP, never siyang nagsalita sa mga public rallies, nag-release po ako ng isang larawan na nagsasalita siya sa isang rally sa Davao noong April 9 kung hindi ako nagkakamali, pruweba po na talagang siya ay naghihimasok at nakikialam at namumulitika dito sa ating bayan.

So, iyon naman po talaga ang consequence kapag ikaw ay lumabag doon sa terms and conditions ng kanyang visa. Ang visa niya po ay bilang isang missionary, ang missionary work po ay defined na ipakilala kung ano iyong relihiyon mo, kumuha ng mga mas marami pang mananampalataya, hindi po dapat namumulitika at dahil nag-violate po siya ng terms and conditions niya, dapat siyang umalis ng Pilipinas.

Pero gaya nga ng sinabi ng BI ay hindi naman po ibig sabihin na hindi na siya makakabalik, puwede pa rin po siyang bumalik as tourist. Ang na-revoke lang sa kaniya ay iyong sa ngayon po ay iyong kanyang missionary visa.

KARA: Ano po ba ang pinagbabasehan natin na policy or batas na nagbabawal sa mga dayuhan na nandito sa Pilipinas na bawal po silang sumali sa maski anong klaseng rally po?

SEC. ROQUE: Meron pong commonwealth act. Ito po iyong batas na nagsasabi na pinagbabawal ang mga dayuhan na sumapi sa kahit anong political na activity sa ating bayan at ito po ay nai-reiterate sa isang directive ni dating Secretary of Justice Leila De Lima, noong pina-deport po ng BID noong panahon ni Secretary De Lima ang tatlong dayuhan. Kasama na po diyan actually, nahuli na nung una is Sister Fox, dahil nagra-rally. Kasa-kasama noong magsasaka doon sa Hacienda Luisita.

So, ito po iyong pangalawang pagkakataon na siya ay nahuli dahil sa kanyang pamumulitika, pero ngayon po ay na-revoke na iyong kanyang missionary visa.

KARA: So, any kind of political rally, whether or against the government?

SEC. ROQUE: Yes, ipinagbabawal po iyan. Kasi kung ikaw ay missionary, dapat ikaw ay mag-missionary work; kung ikaw turista, ikaw ay magbisita lamang.

KARA: All right maraming salamat po sa inyo, Presidential Spokesperson, Harry Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po, magandang umaga po.

###


Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource