KARA: Kaugnay ng isyung ‘yan, makakausap natin For The Record si Presidential Spokesman, Secretary Harry Roque. Magandang umaga po sa inyo, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes, magandang umaga po.
KARA: Ano po ang layunin ng pagbuo ng komite ng Pangulo na makikipag-usap po, makikipag-dialogue with…
SEC. ROQUE: Oo, bago pa magsalita si Presidente, mayroon nang ideya [choppy line]… ay iyong, sa una iyong mga pagpatay daw sa mga pari, nais linawin ni Presidente na wala naman talagang [choppy line] napag-usapan din paano itaguyod iyong dignidad ng mga pari. Tapos nandiyan din iyong usapin na usapin sa droga na talagang pinabulaanan na… sa mula’t mula ng simbahan at iyong iba pang usapin ‘no dahil nagkakaisa naman ang Presidente at ang simbahan pagdating sa land reform, pagdating doon sa pagtutol sa diborsiyo at pagtutol sa abortion ‘no. So iyong komite po nabuo na iyan bago pa man pumutok itong issue [choppy line]… inilabas na lang matapos na po itong mga sinasabi ni Presidente tungkol sa kanyang pananampalataya…
KARA: Okay. Secretary pasensiya na po, pero nagkakaroon po ng problema sa linya ng komunikasyon. We’ll call you… mabilis na mabilis lang po, aayusin lang po namin iyong technical problems.
KARA: Good morning po, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes, Kara. Magandang umaga pong muli.
KARA: Yan, better na po. So, you were saying kanina po na ito pong pagbuo ng komite ng Pangulo na makikipag-usap sa iba’t-ibang mga religious groups, kasama na ang Catholic Church ay plano na noon pa man bago pa niya birahin iyong relihiyon at sabihing istupido iyong—that God is stupid, etc. etc.
SEC. ROQUE: Totoo po iyan, unang nabuo iyan, para nga po doon sa isyu ng mga pari na pinapatay at saka iyong mga issue na pupuwedeng magkaroon ng ugnayan ang Presidente. Kasi sa kauna-unahang pagkakataon, wala namang pagkakaiba ang posisyon ng Presidente doon sa posisyon ng simbahan pagdating doon sa diborsiyo, pagdating sa abortion at saka doon sa same sex marriage, nagkakatugma sila ng paninindigan.
Pero marami ring issue na kinakailangan makipagtulungan ang simbahan at ang gobyerno, iyong giyera laban sa droga po, iyong giyera laban sa kriminalidad, iyong isyu ng land reform na talagang tinututukan ng mga naghahari po dito sa Pilipinas na ini-endorso rin ng simbahan. Ito ay isang pamamaraan para makita kung saan pupuwedeng umusad na magkasabay ang gobyerno at iyong simbahan at mayroon ngang pagkakaiba ng paningin, magkaroon ng proseso para magkaroon ng dayalogo.
KARA: Opo, pero may mga nakakapansin po kasi on the one hand, gustong makipag-usap ng Palasyo sa simbahan, pero meron namang mga bagong birada iyong Pangulo against religion. Hindi po ba may disconnect dito somewhere?
SEC. ROQUE: (garbled)kasi iyong sinasabi ng Presidente, sinasabi niya na iyong [choppy signal] paniniwala o iyong foundation natin doon sa simbahan na umusad na tayo at iyon na nga [choppy signal] malinaw iyong isipan ng taumbayan. So iyon yung kanyang ina-underscore doon sa [choppy signal]
KARA: Secretary, sinabi po ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Zamboanga Del Sur kahapon na sinasadya niya raw itong mga pahayag na ito against religion, against Christianity to push the boundaries. Ano po ang ibig sabihin ng Pangulo dito?
SEC. ROQUE: (choppy signal) (communication line cut)
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)