Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

Event Radio Interview

 

MERCADO: Secretary Harry, good morning.

SEC. ROQUE: Ka Orly, magandang umaga po. At magandang umaga sa nanunood at nakikinig sa atin.

MERCADO: Okay. Ano ba ang reaksiyon ng Malacañang dito sa posisyon nitong lawyer groups na sinasabi na delikado daw ang sitwasyon ng independence ng hudikatura natin?

SEC. ROQUE: Alam mo, natatawa lang po ako diyan. Unang-una, parang wala ata silang kapit sa riyalidad.

MERCADO: Bakit ninyo nasabi iyon?

SEC. ROQUE: Unang-una po, ang mga kasama mismo ni Chief Justice ang sapilitan na sinabi, kinakailangan kang mag-force leave indefinitely, matapos lumabas na talagang hindi siya nagsumite ng lahat ng kaniyang mga Statements of Assets, Liabilities and Net Worth. Iyan po ay isang order ng hukuman. Pinalabas na una ni Chief Justice na wellness leave daw ito. Hindi pumayag ang lahat ng kaniyang kasama sa hukuman, except iyong isang naka-leave ‘no, na palampasin iyon, ‘Hindi totoo iyan na ikaw ay nagwe-wellness leave; pina-indefinite leave ka namin, para hindi naman maapektuhan iyong integridad ng hukuman,’ doon sa riyalidad nga na hindi siya sumunod doon sa batas.

So paano mo sasabihin ang Ehekutibo ang siyang nag-a-undermine ng independensya ng ating Hudikatura – hindi po. Mayroon talagang depekto itong si Chief Justice. Ang unang-una niyang mga makakalaban ay iyong sarili niyang mga kasama sa Korte Suprema, bukod pa doon sa halos lahat ng kaniyang kasama except iyong isang naka-leave na pina-force leave siya. Eh hindi ba lima sa kaniyang mga kasama ang tumestigo laban sa kaniya doon sa impeachment proceedings sa Kamara? Unprecedented ito sa kahit saang bansa sa planetang ito na limang kasama niya sa Kataas-taasang Hukuman ang tumayo at nagbigay ng ebidensya para matanggal siya sa kaniyang katungkulan.

So nasasaan po ang paggigiit o paghihimasok ng Ehekutibo rito? Totoo nagalit si Presidente eh kasi paulit-ulit niyang pinagbibintangan si Presidente na si Presidente ang nasa likod ng kaniyang impeachment. Bakit ba ayaw niyang tanggapin na ang problema niya, walang may gusto sa kaniya? Ayaw siya ng sarili niyang kasama; ayaw siya sa Kongreso; at ngayon, ayaw rin siya ng Presidente.

Madam, naku naman, itong grupo ni Tony La Viña, puwede ba, huwag na nating haluan iyan ng mga kung anu-ano pang independence of the judiciary – hindi po. Mayroon po talagang personality issues si Chief Justice. Wala pong sumusuporta sa kaniya kahit sino; sila lang, iyong grupo lang nila. Pupunta pa sila doon sa Special Rapparteur, eh wala namang magagawa iyong Special Rapparteur na iyan. Puwede lang iyang mag-ingay, eh wala naman iyang kapangyarihan. Ganyan talaga ang sistema ng UN Special Rapparteur system ‘no, hanggang ingay lamang. Pero kinakailangang malaman din ng Special Rapparteur, naku po, ang sariling kasama mismo ni Chief Justice ang nag-order sa kaniya na mag-indefinite leave siya; hindi po ang Presidente.

MERCADO: Eh ano ang reaksiyon po ninyo doon sa sinasabing iyon dahil iyong mga sinasabi ng Presidente, the words, to quote their complaint, “manifest hostilities shown by the State against prominent lawyers.”

SEC. ROQUE: Siguro po ay incomplete ang kanilang sinabi. Kasi kung mayroon mang manifest hostilities, hindi lang po nanggagaling iyon sa Presidente; nanggaling din po doon sa mga kasama niya mismo sa Hudikatura. Narinig mo na ba ang mga sinasabi ng mga kasama niya laban sa kaniya? Oh eh bakit nila sini-single out si Presidente? Kinakailangan sabihin nila sa Special Rapparteur iyong totoong katotohanan lamang na kung mayroong hostilities, hindi lang galing kay Presidente, galing din sa sarili niyang mga kasama, galing din sa Lehislatura.

So nagkakaiba iyong buong bayan. Oh tingnan ninyo ang popularity, ang approval rating ni Chief Justice, negative. Dapat sabihin na rin nila na negative din ang approval rating at satisfaction rating sa publiko ng Chief Justice. So hindi lang po ang Presidente ang mayroong manifest hostilities sa kaniya, mukhang lahat na except iyang grupo ni Tony La Viña.

MERCADO: Okay. Mapunta naman ako doon sa madre, si Sister Patricia Fox, na hinuli ng BI. Nabanggit ninyo na dapat ay, you know—sinabi naman ng Pangulo ‘no, inako niya iyong kaniyang … sabi niya responsibilidad

SEC. ROQUE: Inako niya kasi talagang napakagaling na boss itong si Presidente. Nilinaw niya na ang order niya ay para imbestigahan, hindi para outright deportation, hindi para arestuhin. Kaya naman ang CID to its credit, inorder naman nai-release siya ‘no, kasi hindi nga siya dapat subject to summary deportation kasi hindi naman siya nahuli na in the act na nagra-rally laban sa gobyerno. So dapat iyan preliminary investigation at kung mayroong basehan, magkakaroon ng deportation proceedings. Kasi kahit bali-baliktarin mo, Ka Orly, bawal talaga ang mga dayuhan na makisali sa mga pulitika dito sa bayan natin.

Pero alam mo, ang mabuti kay Presidente, ke tama, ke mali, aakuin ko ang pananagutan. Iyan ang talagang isang lider. Walang sisihan. The buck stops with me; I ordered the investigation. Anyway, iyong pagtawag sa kaniya, part of the investigation, so be it. Kung may pananagutan, sagot ko silang lahat. Iyan ang aking boss.

MERCADO: Kasi minsan kapag ikaw ay nasa taas, nag-uutos ka, mayroon naman talagang over eager na they second guess, “Baka gusto ni boss ito, hulihin na natin. Sige, sige, posasan mo na, etc.” You know, these things can be … you know, there could be an overreaction. You know, I’m not saying that’s exactly what happened but—

SEC. ROQUE: Pero, iyon nga po, ganyan ang klaseng lider ang Presidente.  Wala ng isyu iyan. I take full responsibility. Kung nagkamali, so be it. Ako ang mananagot.

Pero mali pa rin na ang isang dayuhan ay namumulitika dito sa ating bayan.

MERCADO: Oo, lalo na sa ating mga ambassadors at mga pinadadala sa ibang bansa, maliwanag na maliwanag iyan na hindi ka dapat nakikialam na pulitika ng bansang iyong pinupuntahan.

SEC. ROQUE: Tama po iyan. Tama po iyan.

MERCADO: Okay. So dito sa sitwasyon na ito, what will happen to Sister Patricia Fox?

SEC. ROQUE: Well, she is being subject to preliminary investigation. Titingnan po kung talagang siya ay nagkaroon ng political activities sa Pilipinas. Kung mayroon nga, sasampahan siya ng deportation proceedings.

Pero alam mo, ang deportation proceedings, kung hindi ka papayag ng deportation na madalian, ikaw ay magiging in custody habang dinidinig iyong kaso mo kung dapat ka ngang i-deport o hindi.

So mas mabuti pa siguro ay iyon na nga ‘no, pack up and go ‘no kasi parang … malinaw naman na talagang sinasabi naman niya, kasama niya iyan sa kaniyang trabaho, adbokasiya. Iyan ang kaniyang persepsyon. Pero ang batas po ay malinaw: Sumama ka sa rally, sumama ka sa mga political group, pinagbabawal po iyan.

MERCADO: Mayroon na tayong diniport noon eh.

SEC. ROQUE: Mayroon na po. Noong panahon ni Presidente Aquino, isang dayuhan ang nakisali rin sa rally, kasama rin ng mga grupo, same group ata na kinabibilangan nitong si Sister Fox. At na-deport naman po iyon, walang kaisyu-isyu.

MERCADO: Nakipagsigawan iyon, nakipagmurahan doon sa pulis. Naalala ko iyon, lumabas po sa TV iyan.

Anyway, thank you very much, Secretary Harry Roque. Maraming salamat.

SEC. ROQUE: Salamat po. Magandang umaga po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource