RICKY: Secretary, magandang umaga po sa inyo sa program ni Kabayan, thank you and good morning po.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Ricky.
RICKY: Kumusta na, Sec?
SEC. ROQUE: Mabuti, hindi ko pupuwedeng sabihin kung mas guwapo o hindi, kasi baka mamaya bumalik si Kabayan eh.
RICKY: Oo at naka-monitor iyon. Secretary, ano ang reaksyon ninyo dito sa inilabas pong research ng Ateneo and Dela Salle, kahapon ipinirisent na—well, karamihan daw po sa mga victims ng war on drugs ay poor and unemployed na kanila pong binanggit pong isa-isa. Do you have a reaction on this?
SEC. ROQUE: Well unang-una po ‘no, wala naman pong pagkakaiba doon sa substantive recommendation ng Ateneo doon sa ginagawa ng gobyerno ngayon. Ang sabi ng Ateneo kinakailangan gawing public health issue ang war on drugs. Pero kung mapapansin mo, iyong ating Mega Rehab Facility sa Nueva Ecija – na kung maalala mo nung minsan may nagsabing hindi daw epektibo iyon – eh ngayon ay punung-puno ‘no. At hiningan ng ilang mga huwes ng tulong para nga mabigyan ng karagdagang funding pa iyong Mega Rehab Facility, kasi karamihan ngayon ng mga judges ay pumapayag na sa plea bargaining at napakadami ngang nag-a-avail ngayon ng rehabilitation diyan sa Nueva Ecija. So patunay po iyan na hindi nagkakaiba iyong rekomendasyon ng study doon sa ginagawa ng gobyerno at tinitignan naman talaga natin na ang drug addiction ay isang health issue lalung lalo na ngayon na naisabatas na rin iyong Mental Health Act of 2018.
Pagdating naman doon sa nagiging biktima, ang problema ho dito sa study na ito, siguro hindi ko po talaga ikukuwestyun na talagang mahihirap ang mga napapatay ‘no. Pero ang kuwestyun dito is: talaga ba silang napatay dahil sa war on drugs. So, iyon po ang hindi naman tiningnan ng study na ito, tinanggap lang nila na ito diumano iyong mga napatay, pero ang mas maganda sanang ginawa ng mga dalubhasa ay iniisa-isa; dahil iyan ang ginagawa ngayon na hindi matapos-tapos ang proseso ‘no kung lahat iyong mga pinapatay, napatay nga ba dahil sa war on drugs or dahil sa ibang mga dahilan.
RICKY: Dahil ito nga raw ay kinull (culled) from media reports.
SEC. ROQUE: Iyon nga po eh. So sa akin po, walang value added pagdating doon sa secondary materials. Eh ang inaasahan ko sa mga dalubhasa ay gagamit sila ng mga primary figures na verified ng sa ganoon ay maasahan natin iyang conclusion. Pero kung ganitong pagka kinuha nila sa media at alam naman natin na ang media minsan eh kukunin din sa another source at hindi doon sa primary source talaga, eh up to question iyong numero mismo. Pero siguro kung doon sa mahirap ba sila o hindi, willing naman siguro na tanggapin iyong ganoong conclusion, pero sa akin po limitado iyong halaga kung hindi natin na verify talaga iyong numero at iyong kadahilanan ng pagpatay doon sa mga numero na sinasabi nilang napatay.
RICKY: Kasi para din sa akin kung titingnan ko ito, tama po iyong binabanggit ninyo. Well, ang punto naman nga ay para palutangin iyong facts dito, iyong nagdudumilat na katotohan that iyon nga, poor, unemployed.
And what you are saying on the side of the government iyong binanggit ninyong mga facility ay may holistic approach naman ho kayo rito na ginagawa. Pero just the same, halimbawa kung binigay sa inyo iyong resulta ng pag-aaral at may recommendation, how will the government treat this, iyong poor and unemployed, Attorney?
SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung anong dapat na reaksyon diyan kasi ang unang-una iyong war on drugs eh laban nga doon sa shabu. Kasi alam talaga natin, paulit-ulit sinasabi ni Presidente, ang gumagamit ng shabu ay iyong mga mahihirap. It’s a poor man’s drug.
So, iyon lang po na ang reyalidad talaga ‘no, itong war on drugs, lalo na iyong mga patayan na nangyayari, nangyayari po iyan doon sa lugar na hindi mga mayaman.
RICKY: All right. Ibang isyu po tayo, Secretary—pero I think, it was Riza Hontiveros. Parang I heard her saying na dito ho halimbawa sa isyu po ngayon ng Pangulo, saying iyong kanyang mga kritisismo sa… well, God. Ito daw po ay parang sa pakiramdam niya ay parang paggawa ng isyu para po mapagtakpan iyong mga iba pang mga problemang, pressing issues, mga problema po ng bansa. Na-monitor n’yo ho ito?
SEC. ROQUE: Well, Ricky, ang Pilipinas po merong pina—iyong second fastest growing economy in the world; bumaba po Iyong perception ng hunger ayon sa SWS; napakataas po ng optimism at iyong manufacturing po natin, tayo po ay nangunguna sa rehiyon. Hindi ko maintidihan anong isyu ang sinasabi ni Senadora.
Siyempre po ang pinakaimportanteng isyu, usaping pangkabuhayan; ang pangako ng Presidente, mas komportableng buhay para sa lahat, nangyayari po iyan. Ang pangako ni Presidente, krusada sa korapsyon, krusada laban sa ipinagbabawal na gamot at nagwawagi naman po diyan sa dalawang krusadang iyan.
Wala pong pinagtatakpan, ang sinasabi ko nga po, personal na opinyon iyan ng Presidente. Ang pananampalatayang personal, hindi natin dapat kuwestyunin iyan. Puwede namang maniwala ang karamihan sa gusto nila, wala pong pumipigil. Kaya nga po meron ganiyang karapatan na malayang pananampalataya. Well, iwan po natin iyan bilang isang personal na bagay.
RICKY: Parang kaliwa at kanan ho ngayon ang kritisismo at parang basically all religious organizations are criticizing the President. Well, we heard you naman na binabanggit ho ninyo iyan na personal na pananaw, pati si Atty. Sal Panelo. Pero ang Malacañang ho ba rito ay may posisyon bilang institusyon, Sec?
SEC. ROQUE: Well, hayaan po natin na magdiskurso ang taumbayan, ganyan talaga ang halaga ng malayang pananalita. Pero iyon na nga po, walang puwedeng magreklamo na merong panunupil sa kalayaan ng pananalita at iyon nga lang po, talagang kinakailangan maging bukas ang mga isipan ng taumbayan, dahil ang Presidente naman ay—iyong mga pananaw niya ano, kung talagang titingnan mo from a purely theological points of view, ito talaga iyong mga isyu na talagang pinagdedebatehan sa loob mismo ng Simbahan: Ano ba iyang Garden of Eden na kuwento, talaga bang literal iyan o hindi; ano ba talaga iyong konsepto ng original sin, meron ba talagang ganyan at iyong sinasabing priest ni Presidente naging dahilan kung bakit napakadaming mga pananampalataya ang nasimulan.
Iyong Reformist Movement na tinatawag, iyong prodigal Church, merong mga aspeto na kinukuwestyun nga iyong ilang mga doctrine ng Catholic Church. So ganyan po natin dapat tingnan iyong mga pananalita ni Presidente. Iyan po ay isang malusog, healthy discourse pagdating po sa pang araw-araw na paniniwala ng taumbayan.
RICKY: Okay. Sec, maraming salamat po sa inyo at magandang umaga po.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po.
###
SOURCE: PCOO – (News and Information Bureau)