Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Susan Enriquez (GMA 7 – Unang Hirit / Unang Balita)

SEC. ROQUE:  …bagama’t ito’y doon din po sa Aguinaldo State Dining Room. Pero marami po sanang nag-aantay para makausap si Presidente at isa na po ako, dahil may lilinawin lang ako para sa deklarasyon ko mamaya sa press briefing natin. Pero medyo matagal po iyong kanilang usapan at ako po ay umuwi na, dahil medyo late na rin natapos ang Cabinet meeting, mga 10 o’clock na po kami natapos ‘no. So, umalis ako ng Malacañang mga 15 minutes later, nag-uusap pa po sila.

Pero Susan, ang nangyari po, 15 minutes matapos na ako makaalis na, pinababalik po ako ni Presidente ng Palasyo at sinubukan ko pong bumalik, pero ang sabi po sa akin ay hindi na rin po naantay ni Presidente ‘no. So mamaya ko pa po uli makikita si Presidente, mamayang hapon.

SUSAN:  Pero kumusta po ba iyong naging pag-uusap nila kagabi. Meron ba kayong balita kung ano iyong mga napag-usapan, dahil nga po sa gitna ho nitong kontrobersiya ay mga panawagan na magbitiw na sa puwesto iyong si Secretary Teo. Ano ho ang balita ninyo doon sa pag-uusap ng Pangulo at ni Secretary Teo kagabi?

SEC. ROQUE: Susan, dalawa lang talaga silang nag-uusap. Kaya nga kahapon, noong pinababalik ako sa Malacañang, gusto ko sanang lumipad ‘no para malaman kung ano iyong gustong sabihin ni Presidente. Pero—pasado alas-diyes na, medyo matrapik pa rin kagabi ‘no. So, wala po talaga akong basehan para sabihin kung ano ang napag-usapan nila. Ang makukumpirma ko lang is nagkaroon sila ng one-on-one at seryoso po, mukhang seryoso iyong pinag-uusapan nila, pero hindi ko na po naabutan ang Presidente bagama’t pinabalik po ako sa Palasyo at hindi na nga po nakapag-antay sa akin si Presidente.

SUSAN:  Secretary, may iba po bang opisyal na sisibakin ang Pangulo?

SEC. ROQUE:  Wala pa po akong alam. Sa pagkaka—sa ngayon po ano. Pero iyon lang po ang aking nakita kahapon. Pero iyong ibang mga nababalita, wala pa po, as far as Cabinet members are concerned.

SUSAN:  Okay. Maraming salamat, Presidential Spokesman Secretary Harry Roque. Sir, magandang umaga po.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource