Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)


TED:  Sec. Harry. Good morning, sir.

SEC. ROQUE:  Ay magandang umaga, Manong Ted. At magandang umaga sa lahat ng nanunuod at nakikinig sa atin ngayon.

TED:  Opo. Sec., akin pong nabasa iyong inyong pahayag noong over the weekend daw ho na meron ng mando ang ating Pangulo para sa mga Regional Wage Boards na mag-convene na daw po?

SEC. ROQUE:   Opo, opo. Nanawagan na po ang Presidente na lahat ng Regional Wage Boards ay kusa na mag-convene at pag-aralan kung ano ang dapat gawin sa mga minimum wage sa buong bayan.

Alam ko po merong mga nananawagan ng national wage increase. Ang problema po, alam n’yo naman ang trabaho ng Ehekutibo, kami po ay nagpapatupad ng batas at meron pong batas na bumuo nitong mga Regional Wage Boards. Sa ngayon po hanggang walang bagong batas, ang ating wage increases po will really have to be implemented in a regional basis.

TED:  Sir, akin pong nakapanayam ang tagapagsalita po ng ALO-TUCP kamakailan po lamang. May binanggit siya na nagkaroon daw ho ng pulong sila, kasama si Presidente at napag-usapan daw po iyong pagkakaroon ng national minimum wage ‘no. Kaya ang tanong ko nga, ano ba ang naging tugon doon ni Presidente sa meeting ninyo. Ang sabi daw niya, medyo nag-isip po si Presidente, pero wala pa ho daw talagang, you know, pormal na usapan na masinsinan tungkol doon.

What do you think po, Sec. Ito po bang bagay na ito, maari n’yo ho bang ma-remind ang ating Presidente tungkol dito?

SEC. ROQUE:  Well, gaya ng sabi ko kanina, meron kasing batas po eh na pinasa ang Kongreso na instead of national, naging regional po. Itong mga wage board pong ito, binuo po ito ng batas. So kinakailangan pong magkaroon ng bagong batas ang Kongreso uli kung gusto nating ibalik iyong national minimum wage. Pero lahat naman po ay ginagawa ng Presidente ‘no. So iyong panawagan niya puwede namang magsabay-sabay mag-convene na iyan at pag-aralan talaga kung itataas talaga ang minimum wage.

At bukod pa po diyan ay meron pa pong ibang mga mandato ang Presidente, iyong pag-aralan nga po ng pagkalap ng diesel man lang galing sa non-OPEC members gaya ng Russia at saka iyong paghabol doon sa mga lumalabag po sa suggested retail price.

Ito po ay panimula pa lamang, dahil pagdating po ng Gabinete, iyong meeting ng Gabinete sa a-onse ay magkakaroon pa po ng call for proposals kung paano lalabanan itong pagtaas ng presyo.

TED:  Opo. Hindi ko po nabanggit iyong pong… doon sa binabanggit pong meeting nila Mr. Tanhunsay, kasama si Presidente raw po diyan sa Malacañang, ay iyon pong posibilidad ng executive order tungkol doon. Kasi nga, we respect and understand nga po, Sec, na ito po ay isang Republic Act tungkol po sa mga Regional Wage Boards na ito and, you know, bilang Chief Executive, tagapatupad lamang kayo ng batas at kinakailangan po ng amyenda.

But sabi po nila, baka daw po pupuwedeng maidaan daw ho sa executive order na mas mabilis na paraan. Ito ho lang naman po ay school of thought po, Secretary Harry. Baka ho, sa isa pong—kapag maganda ang gising ni Presidente, baka puwede ninyong ma-remind. Baka po pupuwede, kasi kanina binanggit ko, Sec., maniniwala ho ba kayo sa ARMM eh kaya ho siguro ang iba doon eh, you know, iba ho ang pananaw, di ba. Kasi sa ARMM, sir, ang minimum wage po, maniniwala po ba kayo, 265 pesos lang a day?

SEC. ROQUE:  Oo nga po. Well, isa po ito sa bagay na papag-uusapan ng Gabinete. Pero mamaya po babanggitin ko rin ang sinabi ninyo kay Presidente.

TED:  Opo. Please lang po, iyon daw pong sinasabi ng labor groups nga na posibilidad po ng pagkakaroon ng executive order.

All right. Sir, dito po sa BBL. Ang sabi po nila House Speaker, kailangan daw ho na magkaroon—para maipasa bago silang mag-adjourn sine die ngayon pong Biyernes, kailangan daw po ng certification as urgent. Ano po ang ating balita tungkol dito?

SEC. ROQUE:  Well, napagkasunduan naman po iyan. Ang problema mukhang magkaiba iyong bersyon ng Kamara at saka ng Senado. So I’m sure itong linggong ito ay—kung magkakaroon ng certification mangyayari itong linggong ito – pag-aaralan kung kaninung bersyon ang aaprubahan. Kasi nga po napapabalita na doon sa Senado, mas marami pang mga amendments ang ilalagay, mahigit 100 amendments ang gusto ng mga senador. Kapag sinertify as urgent ang ninanais natin mapabilis, isahan na lang iyong second and third reading para nga mapabilis iyong pagsasabatas nung panukalang batas. So titingnan po natin kung anong version ngayon ang talagang i-sesertipika ng Presidente at I think iyong desisyon naman will be coming this week.

TED:  I see, oh sige po. So, abangan po natin iyan, ano po. Salamat sa panahon po, Sec. Harry.

SEC. ROQUE:  Salamat po at binabati po tayo ng ating mga kababayan dito sa Quezon City. Nag-flag raising lang po kami dito sa Quezon City Hall.

TED:  Opo. Salamat po, Sec. Thank you. Mabuhay.

SEC. ROQUE:  Salamat po, magandang umaga po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource