Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon (Failon Ngayon-DZMM)


TED:  Unahin ko lang po ito. Meron pong inanunsyo ang ating Pangulo na mga pangalan na sinasabi niyang ang iba raw ho sinuspinde, ang iba under suspension. Can you give us details po dito sa binabanggit niyang ilan pong mga opisyal particularly the DOJ personnel na under investigation?

SEC. ROQUE:  Well ito pong mga tao po, ito ay dawit doon sa pagkakasibak nga dito kay Moslemen Marambon Sr. Ito po iyong smuggling ng mga alahas na nangyayari po diyan sa NAIA. So iyong mga pangalan na binasa po ni Presidente ay iyong mga iba pang mga taong gobyerno, ilang mga taga-Custom sa NAIA, mga taga-airport na kasabwat po ni Moslemen Macarambon Sr. So iyon po iyong mga pangalang binasa kahapon ni Pangulo at iyong mga mga pangalan naman po sa DPWH ay iyon naman po iyong ibang nadawit din doon kay Asec.Umpa na nasibak din ng ating Pangulo.

TED:  Opo. Pero sabi n’yo raw po, mas ang kanya pong preference, ang Ombudsman ang mag-imbestiga, Secretary?

SEC. ROQUE:  Tama po. Pero po meron ding ginawang imbestigasyon iyong Presidential Anti-Corruption Commission at lahat po noong ebidensiya na nakalap ng PACC iyan po ang gagamitin para isumite sa Ombudsman. So, ipo-forward po ng Office of the President sa Ombudsman itong mga kasong ito, dahil sa level po ng Ehekutibo, hanggang pagsisisante lang po ang pupuwedeng maibigay na parusa. Siyempre po iyong pananagutang kriminal, iyan po ay dapat nasa Ombudsman.

TED:  All right, sige po. So aabangan po natin po kung papano po ang magiging sistema dito. Kapag po ha ganyan, automatic silang suspended. Ano po ba ang panuntunan po ng batas, Attorney?

SEC. ROQUE:  Well, dahil po meron ng desisyon naman ang Ehekutibo, nagkaroon na nga ng desisyon pagdating doon sa Moslemen. Iyong iba naman po, iyong iba may preventive po habang ongoing pa iyong investigation. Pero ang importante po ngayon eh ang bago doon sa sinabi ni Presidente ‘no, iyong kasagutan sa tanong ng marami, hanggang tanggalan lang ba ‘no? Hindi po. Binigyan po iyan ng kasagutan kahapon ni Presidente, lahat nung mga resulta ng imbestigasyon na Ehekutibo na nagresulta doon sa pagtatanggal ng mga appointees ni Presidente, eh lahat po iyan gagamitin sa demanda doon sa Ombudsman. At hindi na nga raw po aantayin ang Ombudsman na gumalaw, dahil ang deklarasyon kahapon ni Presidente, ipo-forward daw niya at isasampa niya lahat iyang mga ebidensiya na iyan sa Ombudsman.

TED:  Okay, sige po. So amin pong aabangang. Sec, I hope you don’t mind ha, kumbaga sa amin po sa mga waray (dialect) dahil kayo po ay nandiyan na po sa ating linya. Meron na ho bang reaksyon po ang a Palasyo dito po sa resolusyon ng mga senador, naka-13 daw ho silang pirma para ho kumabaga ang kanila pong panawagan sa Supreme Court na kung maari ay i-revisit iyon kanila pong desisyon dito po sa kaso ni CJ?

SEC. ROQUE:  Eh, hinahayaan po iyan ng Presidente sa Korte Suprema. Dahil iyan naman po ay isang kaso at nakabinbin sa Korte Suprema. Alam po ng Palasyo na meron pang motion for reconsideration itong kay Chief Justice; pero nirerespeto po talaga ng ating Presidente, iyong nakasaad sa ating Saligang Batas na talagang katungkulan naman ng korte na magresolba ng mga petition, kagaya ng petition ng quo warranto.

TED:  Opo, so kumbaga po—well standard ano ho, ginagalang po ng Ehekutibo iyong galaw po ng Lehislatura.

SEC. ROQUE:  Ang galaw ng Lehislatura at ang galaw din po ng ating mga hukuman.

TED:  Well, sige po. Sec, noong isang araw po, kami po ay nagpadala po sa inyo ng isang link sa isang news item na lumabas po sa Business Mirror. Ito po ay tungkol daw ho doon sa isang umano ay liham na nanggagaling po kay Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, Atty. Ryan Alvin Acosta, na sinasabi raw po na ito raw ho ngayon ay pinagbabasehan na may-ari ng West Cove Resort sa Boracay, para mapahinto iyong demolisyon. Kasi lumalabas po dito, technically, na hindi pa inaaktuhan ng Tanggapan ng Pangulo iyon pong apila nila Crisostomo ng West Cove, kaya po it follows na dapat mahinto iyong demolisyon. Ito ho ba ay totoo hong may sulat itong si Atty. Ryan Alvin Acosta?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam kung totoong may sulat. Pero ang na-verify ko po kahapon kay Secretary Año mismo at doon sa inter-agency committee ng Boracay at meron po akong written confirmation, tuluy-tuloy po ang demolition ng West Cove. So, wala pong pagpigil sa demolition at prayoridad po iyan, dahil alam naman natin itong West Cove parang simbolo ng pagbalewala sa lahat ng ating batas at ordinansiya na nagbibigay-proteksyon sa ating Saligang Batas.

So gaya mo Manong Ted, importante na tuluyang mawala sa isla iyang West Cove, dahil kung hindi po, iyan po ay talagang paalala na minsan ay merong sumuway sa lahat ng ating mga batas, sumuway sa lahat ng mga proseso, sa lahat ng otoridad sa ating Republika at nagkaroon  po ng ganyang abomination diyan sa  isla ng Boracay.

TED:  Sige po, so we will standby, by your statement Attorney, na walang ano… technically po, walang order to stop.

SEC. ROQUE:  Well, ang sabi po ni General Año and I will quote him “fake news po iyan.” Fake news iyong pagtigil ng demolition ng West Cove, tuluy-tuloy po iyan at hindi po papayag ang gobyerno na matigil ang demolisyon ng West Cove.

TED:  Okay, sige po. So, Attorney, Secretary Harry Roque. Salamat sa panahon, have a good day, sir. Thank you.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po. Salamat po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource