Q: Atty. Roque, good morning po.
SEC. ROQUE: Aljo, magandang umaga
Q: Good morning.
SEC. ROQUE: Aljo at—
Q: Si Weng Dela Peña po
SEC. ROQUE: Oo, magandang umaga po sa inyong dalawa.
ALJO: May naririnig na ba kayong pangalan, sir, kung sino iyong sisipain ng Presidente?
WENG: May info na kayo?
SEC. ROQUE: Well, sa totoo lang po, isa pa lang ang alam ko. Meron po akong press briefing ng 11, baka doon ko po ia-anunsyo. Hindi ko pa alam iyong apat; pero magpupulong po kami before 11 o’clock.
ALJO: Sec, pag sinabing Cabinet member, Secretary ho iyan ‘no, Secretary level?
SEC. ROQUE: Well, not necessarily po, pupuwedeng Assistant Secretary or puwedeng undersecretary ‘no, kasi kino-consider din niya iyon, parang kina-cluster niya as executives. So ang alam ko pong isa na sigurado nang sisibakin eh another Assistant Secretary.
ALJO: Babae o lalaki, Sec?
SEC. ROQUE: Lalaki po.
WENG: Pero, lima ho ito, Sec ha?
SEC. ROQUE: Oo nga po eh, hindi po kasi ako nakasama sa Cebu. So nagulat po ako na sabi ni Presidente, lima ano. Pero apparently, iyong dalawa kasi sumunod sa kanya doon sa Cebu para may lakarin, kaya natorete si Presidente. Pero nag-a-antay po ako ng advise at ang sabi nga sa akin before 11 o’clock eh bibigyan daw ako ng advise kung sino iyong personalidad na sisibakin na naman.
ALJO: Opo. Marami pong lumalapit sa amin, dito, Sec ‘no, na gustong magsumbong. In fact, sinabi ko nga tumawag kayo sa 8888 o lumapit kayo sa Malacañang, bukas naman ang pintuan ng Malacañang, kaya lang iyong mga apprehensions nila, Sec, iyong seguridad. Paano ba natin mabibigyan ng seguridad iyong mga magsusumbong ng katiwalian?
SEC. ROQUE: Well, anyway, ano po ang taong?
ALJO: Sec, marami pong lumalapit sa amin ‘no, sa radyo—
SEC. ROQUE: Opo, puwede po lahat.
ALJO: Ang problema iyong seguridad daw nila, doon sila natatakot.
SEC. ROQUE: Kung ang problema po ay seguridad, eh meron naman tayong witness protection, pupuwede naman silang mag-apply for witness protection lalung-lalo na kung sasampahan naman talaga ng kaso ng anti-graft iyong mga tao na dapat naman masibak.
ALJO: Bakit ang lakas pa rin ng loob ng ilan diyan, Sec, na magnakaw at gumawa ng kalokohan sa gobyerno, ngayong napaka-istrikto po ni Presidente.
SEC. ROQUE: Siguro po akala nila, palamuti lang ang ginagawa ng Presidente, pero nakita n’yo naman, baka mamaya maubos na iyong taong gobyerno sa dami ng sinisisante ni Presidente. Pero sabi ni Presidente, maski maubos na iyan, mas mabuti pa iyan, kaysa magkaroon ng mga gago at mga magnanakaw sa gobyerno. Ubusin na lang niya.
ALJO: So, itong lima po, ano ito mga gago ito, Sec, or gaga, may halo?
SEC. ROQUE: Abangan po natin, kasi I have 30 more minutes for that. Pero mamaya-maya po ay tatawag na ako, makipagpulong na ako.
WENG: Anyway, ila-live din naman dito iyan sa PTV, Secretary, dahil live rin tayo ngayon. Opo, Secretary, ito, itong lima na ito, sila ho ba ay sinabihan na ng Pangulo na mag-resign o sa inyong announcement doon pa lang nila malalaman na sila pala iyon?
SEC. ROQUE: Sa totoo lang po, hindi ko po alam. Gaya ng sinabi ko, iisa lang po pangalan ang nabigay sa akin last week. So nagulat po ako na meron pang apat. So aabangan ko po kung sino pa iyong apat. Pero kapag iyan naman po ay level ng Assistant Secretary at hindi naman po sila CESO, eh they serve at the pleasure of the Presidente, so wala po silang security of tenure.
ALJO: Lumalabas ba sa TV iyan, sir? Maya-maya nagpapa-interview sa radyo?
SEC. ROQUE: Hindi ko lang po alam, kung maya-maya sila nagpapa-interview. Anyway ine-expect ko na po ang tawag anytime now.
ALJO: Sec, lastly, itong sa PACC lahat ho nanggagaling ang recommendation for either they should be fired, they are involved in corruption sa PACC po, iyong Presidential Anti—
SEC. ROQUE: Hindi naman po.
ALJO: Ah hindi, halo-lalo.
SEC. ROQUE: Hindi isa lang sila sa mga ahensiya, pero itong mga sisisantihin ng Presidente, hindi po galing ito sa PACC, meron pang independent investigation conducted. Kasi meron naman po tayong Presidential Management Staff na siyang nag-iimbestiga din.
WENG: It must be hard for the President, Secretary? Hard ito para sa Pangulo, dahil iyong ilan ay ka-close niya.
SEC. ROQUE: Eh sinabi na po niya iyan na masakit sa loob niya na kung sino pa iyong malapit sa kanya dahil tumulong sa kampanya, sila pa iyong mga gumagawa ng mga kabulastugan ngayon sa gobyerno.
Q: Secretary Harry Roque, thank you so much.
SEC. ROQUE: Weng at Aljo, maraming salamat.
###