Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque on PTV 4


Event Media Interview

Magandang umaga, Pilipinas!

Bilang tugon sa napakadaming reklamo [signal fades] dapat na-monitor po ng Presidente galing po sa mga OFWs na hindi makauwi sa probinsiya dahil naghihintay pa ng PCR-COVID testing result sa mga hotel at sa mga barko na lumulutang sa Manila Bay, inutusan po ngayon ng ating Presidente ang DOLE, OWWA at ang DOH na mayroon lamang silang isang linggo para masiguro na lahat po ng 24,000 OFWs, ang ating mga kapatid na Pilipino na naghihintay ng mga resulta ay mapauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Sinabi po ng ating Presidente ngayong umaga, mga ala-una y medya, na puwede nilang gamitin ang lahat ng resources ng gobyerno at gamitin nila ang lahat ng paraan ng transportasyon – mapa-bus, mapa-eroplano, mapa-barko – para mapauwi ang mga OFWs natin.

Nagsabi rin ang ating Pangulo na kinakailangan palakasin ang PCR testing sa ibang lugar ng Pilipinas hindi lamang dito sa Metro Manila nang sa ganoon ay pupuwedeng umuwi diretso sa kanilang mga probinsiya ang mga OFWs at doon na sila magpakuha ng PCR-COVID-19 test.

[Signal fades] katanggap-tanggap sa ating Presidente na matapos maglingkod para sa bayan bilang mga OFWs na napahiwalay sa kanilang pamilya, nalungkot at nahirapan sa ibang bayan, eh ngayon lalo pang mahihirapan habang naghihintay ng kanilang mga COVID-19 results.

At iyon [signal fades] ang Presidente na kinakailangan lahat ng ating mga manggagawa ay sumailalim sa COVID-19 test pero ang sabi niya, hindi katanggap-tanggap na napakatagal ng proseso bago sila makauwi.

So, inaasahan po natin na magkakaroon naman po ng implementasyon ang ating mga ahensiya ng gobyerno at itong linggong ito ay inaasahan nga ng Presidente na wala na doon sa mga 24,000 na mga OFWS na naghihintay ng COVID-19 results ay mananatili dito sa Maynila.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)