ATTY. RIVERA: Sir, of course, ano pong comment ninyo dito sa pagpapalaya kay Calauan Mayor Antonio Sanchez? And of course, the reaction and even the … parang nagkaroon ng outcry doon sa … “bakit nakalaya agad?” What’s your comment on that, sir?
SEC. PANELO: Ang pagkakaalam ko ay mayroong batas na ginawa noong 2013, sa panahon ni dating Presidente PNoy – 2013 pa iyan eh. Parang inamyendahan nila iyong Revised Penal Code. So wala tayong kinalaman sa batas na iyan, number one.
Number two, iyong batas na iyan applies to all; hindi mo kailangan lumapit kahit kanino. Iyong mga inmates, halimbawa, may inmate ka, mayroon kang pamilyang makikiusap na isama, hindi na kailangan kasi automatic kapag ikaw ay nakapasok doon sa kuwalipikasyon na itinatakda ng batas, kahit na hindi mo alam, kasama ka sa listahan; iku-compute nila iyong good behavior allowance na binigay sa’yo.
LOS BAÑOS: Pero, Sec., pero sa tingin ninyo, iyon bang circumstances na nailahad tungkol kay Mayor Sanchesz, you think talaga bang puwede na siyang mag-apply dito sa parole na ito given iyong kanyang naging “performance” sa kulungan for 26 years? Ipasok na natin dito ha iyong 2005 nahulihan siya ng droga, 2015 nahulihan siya ng kontrabando rin. Does he deserve this? Puwede na nga ba talaga siyang mag-apply sa parole?
SEC. PANELO: Unang-una, dapat sumagot doon iyong mga nag compute, iyong sa DOJ. Sila kasi ang nagku-compute ng mga good conduct allowance –time. Kung ano iyong—mayroon kasing mga kondisyon ito – number of years iyong ganito, ito ang allowance mo. Sila ang magdi-decide noon, hindi iyong inmate, hindi kahit na sinong tao, kung hindi kung sino ang assigned ng DOJ.
ATTY. RIVERA: Spox, ako naman ang tanong ko: Ang balita raw is that hindi lang naman daw si former Laguna Mayor Antonio Sanchez ang nabigyan ng parole. Ang dami raw kidnap-for-ransom members na talaga namang kinakatakutan natin noong 90s at saka noong 80s ay ngayon ay nakalaya na ulit. So ano pong—
LOS BAÑOS: Makakalaya pa lang.
ATTY. RIVERA: Oo.
SEC. PANELO: Unang-una, ano pa lang iyan, mga potential beneficiaries. Eleven thousand of them ang nakapasok doon sa kinu-compute. Titingnan nila kung qualified sila. Wala pang nakakalaya kasi inuuna nila iyong mga—
LOS BAÑOS: Sec., nagiging concern ba kapag ganitong nagbibigay ng parole iyong pagiging controversial ng isang isyu? For example iyong Calauan Mayor Sanchez, this is very, very controversial. At alam naman natin na grabe ang ilalabas nitong istorya kapag nangyari na mapakawalan siya. Nagiging concern ho ba iyan sa korte?
SEC. PANELO: Alam mo, iyong batas, ang gumawa niyan ay member ng Congress. So dapat addressed iyan – whether tama iyong batas na iyan – should be addressed to them. They may have reasons bago sila gumawa ng batas na ganiyan. Ang narinig kong isa sa mga dahilan ‘no, noong dini-discuss iyang batas na iyan para raw ma-decongest. Pangalawa, puwedeng ang matatanda, maraming matatanda na rin diyan, 70 years old and above na siguro kailangan na ring makalaya – iyon ang rationale ng batas eh kaya gumawa ng batas.
ATTY. RIVERA: Sir, but of course, totoo ba na iyong batas na ito ay puwedeng the President can overrule this and not allow the release?
SEC. PANELO: Hindi, iyong batas ay klaro. Kung ikaw ay nakapasok doon sa terms and conditions na ini-impose, ang magdi-determine doon ay iyong sa DOJ, sila ang magku-compute niyan eh. Kaya sabi ng Korte ng Suprema, iyong mga entitled diyan i-release na.
ATTY. RIVERA: Okay.
LOS BAÑOS: Para maliwanag, Sec. Panelo, puwede pa pong mag-apila iyong pamilya nina Aileen at ni Gomez, at puwede pa hong hindi aprubahan ng Pangulo, ganoon po ba iyon?
SEC. PANELO: Unang-una, hindi kailangan ng approval ng Pangulo diyan, gaya ng sinabi ko, iyan ang batas. Kung pumasok ka sa batas na ikaw ay qualified, iri-release ka.
LOS BAÑOS: So mali pala itong sinasabi ng ilang mga senador na dapat daw hintayin kung aaprubahan ni Pangulo. Apparently pala Secretary, hindi kailangan aprubahan ng Pangulo itong parole na ito?
SEC. PANELO: As far as I know hindi na kailangan, kasi ang batas nakalagay doon kung sino iyong qualified. Kumbaga, wala siyang discretion, otherwise, magiging discriminatory ka, mamimili ka kung sino ang iri-release mo o hindi.
ATTY. RIVERA: At saka kapag hindi mo sila i-release ngayon, tapos later on kasi binago na ang batas kasi maraming outcry dahil diyan ay magiging ipso facto na rin o kaya maging violation na rin ng rights ng dapat ma-release. Okay, we get the picture. Ang sakit sa ulo. Anyway sir, salamat po, salamat po sa inyong honest opinion dito sa kasong ito. Alam ko bilang abogado, we will never… itong mga isyu na ito na naging kliyente mo ito will never stop to haunt us. But that’s part of the job and thank you po for being a good sport on this matter.
SEC. PANELO: Salamat.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)