URI: Para lang malaman ng mga kababayan at maintindihan din nila ang inyong kaugnayan at posisyon at ano ba ang sagot ninyo doon sa baka raw kayo ay may kinalaman dito sa posibleng paglaya ni Mayor Sanchez. Kayo ay naging abogado – that was when?
SEC. PANELO: 27 years ago.
URI: Okay, kinuha kayong abogado ng kanyang kampo?
SEC. PANELO: Actually pito kaming abogado noon, noong matapos na iyong kaso, ako’y nag-withdraw na kasi papunta ako ng Amerika noon at hindi na ako puwedeng humawak ng appeal, kasi mayroong number of days ka lang puwedeng mag-appeal, kaya ibang abogado na ang nag-take over.
URI: Ah noong matalo, binitiwan n’yo nang kusa.
SEC. PANELO: Nag-withdraw na ko, kasi paalis na akong America noon, naka-schedule na akong magbakasyon.
URI: Simula ho ba noon ay kayo ay nagkausap pa ni Mayor Sanchez?
SEC. PANELO: Binisita ko siya, kasi mayroon akong pino-prosecute doon sa Muntinlupa iyong Espinosa murder case, 11 years kong hinawakan na na-convict ko iyong mga dinemanda ng murder doon. Since, nandoon ako binisita ko siya once or twice yata.
URI: Noong pagbisita ninyong iyon, kung mamarapatin ninyo, ano ang inyong napag-usapan?
SEC. PANELO: Wala naman. Kinumusta ko lang, kumusta ka rito, kumusta ka diyan, okay naman daw siya. Sandali lang dahil palagi akong nagmamadali, ang dami kong kaso noon. Dumaan lang ako kasi dati na akong nandoon.
HISTA: Secretary Panelo, I would like to ask, mayroon po siyang even na hininging favor sa inyo o nagtanong po ba sa inyo kung, is there anyway, for me, for example, I’m Antonio Sanchez. Was there any time na tinanong niya kayo na, is there a way for me na makalabas ako agad dito at makalaya?
SEC. PANELO: Wala kaming napag-usapan nang binisita ko siya. Kumustahan lang eh, nakiki-kamusta ako sa kanya, okay naman daw siya.
URI: Since then, hindi na nag-reach out iyong kampo niya sa inyo?
SEC. PANELO: Hindi kami nagkausap matagal na, 27 years ago pa eh. I’ve been very busy with all my cases. Saka alam mo ang gaya ng sinabi ni Secretary Guevarra, mayroon tayong batas, kung hindi nagkamali, Republic Act 10592, kung saan inamyendahan iyong isang article sa Revised Penal Code, pagbibigay ng mga good allowance at lahat ng mga qualified doon, whether we like it or not, whether we agree or not eh iyon ang sinabi ng batas eh, magiging eligible sila for release at iyon din ang sinabi ng Korte Suprema.
So, sa record lumalabas na 11,000 ang magiging potential beneficiaries, pati nga daw iyong na-convict yata doon sa Ninoy murder case, eh kasama rin doon. Sa madali’t sabi iyong batas eh applicable sa lahat.
URI: I think doon sa provision ng batas at doon sa affirmation ng Supreme Court na hindi dapat na maging prospective kung hindi dapat retroactive iyong aplikasyon ng 10592. Ang kinukuwestiyon ho ngayon, iyong nabalita na naging involved si Mayor Sanchez doon sa illegal drug trading sa New Bilibid Prison at kanina ho Nakausap din namin si Senator Frank Drilon. Sabi niya magsasagawa sila ng investigation para makita kung pasado ba doon sa tinatawag na good conduct, kasi nga may balita na nagte-trade ng shabu si Mayor Sanchez sa loob. Ito ba, Secretary Sal ay once and for all nakaabot ba sa inyo itong mga ganitong kaso ni Mayor Sanchez?
SEC. PANELO: Hindi, pero alam mo iyong sinasabi ni Senator Drilon, na iimbestigahan, dapat talaga imbestigahan kung you are qualified. Kasi iyong batas merong mga conditions iyon eh, you have to comply with the terms, kung hindi ka qualified doon, dapat hindi ka isama.
HISTA: I noticed Sec. Sal, you mentioned about beneficiary, ano po ang ibig sabihin nung benepisyaryo ng batas, hindi po sila ina-apply or for example, ito’y—benepisyaryo ka, ibig sabihin, kami na nasa New Bilibid Prison or BuCor ang magtse-check kung sino ba ang qualified na maka-graduate na sa kanilang conviction, ganoon po ba?
SEC. PANELO: Ang batas kasi nagsasabi na itong mga inmates na ganito, ganitong kondisyon kung nagkaroon sila ng good behavior, bibigyan sila ng number of days allowance for every month, ang magko-compute noon iyong mga nandiyan sa DOJ at saka doon sa BuCor.
HISTA: So, hindi po nila ia-apply iyong sarili nila? Halimbawa po ako po iyong convict, hindi po ako iyong maga-apply for me na ma-qualify, tama po ba?
SEC. PANELO: Automatic iyon, titingnan nila iyong record book, titingnan nila iyong record kung sino ang pupuwedeng eligible na.
HISTA: So titingnan iyong eligibility.
URI: Pero Halimbawa ho, for the sake of argument, Secretary Sal. Kung talagang makita ng senate investigations na sabit nga sa illegal drug trading si Mayor Sanchez, mauudlot iyong kanyang paglaya?
SEC. PANELO: Kung hindi siya qualified, hindi siya pupuwedeng bigyan ng credit.
URI: Sige po. Ngayon po ay ang talagang pakay namin ay para linawin at kausapin ninyo ang bayan at siguro pamilya Sarmenta na rin if you may, sapagkat iniisip nila malakas kayo ngayon sa gobyerno dahil kayo ay tagapagsalita at Chief Legal Counsel. Baka mayroon po kayong kinalaman dito, kayo ang choreograph ng lahat ng ito ng paglaya ni Mayor Sanchez. Go ahead with your answer, with that questions Secretary Sal?
SEC. PANELO: I’d like to assure the Sarmenta na ako, ang administrasyon, ang Pangulo ay walang kinalaman dito sa batas na ito. Unang-una iyong batas na iyan ay 2013, noong iyan ay ipinasa, ang Speaker of the House noon ay si Speaker Belmonte, ang Presidente ng Senate ay si Johnny Ponce Enrile at ang presidenteng pumirma ng batas ay si dating Presidente PNoy Aquino, 2013 hindi pa Presidente si Presidente Duterte diyan.
Pangalawa, iyong batas na iyan, sabi nga ni Secretary Guevarra, hindi na kailangang may lumapit na isang kamag-anak ng inmate or iyong inmate mismo, kasi automatic kung pumasok ka sa requirements at sa term at qualified ka, kahit na hindi mo alam eh isasama ka doon sa iko-compute nila kung ikaw ay kasama doon sa pupuwedeng potential na beneficiary, iyon ang batas.
URI: Your conscience is clear.
SEC. PANELO: Definitely.
HISTA: You have nothing to do with this case of Antonio Sanchez right now?
SEC. PANELO: Unang-una, how can we even be having anything to do with it, the law was based prior to our state of the government, second there is no need for anyone to intervene in any case, because they automatically qualified if the terms, conditions imposed by that law make one a qualified beneficiary.
URI: All right, Secretary Sal. Maraming salamat po sa inyo. Thank you so much.
SEC. PANELO: Maraming salamat sa pagkakataon, Henry at Missy.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)