URI: Secretary Panelo, Presidential Spokesperson, good morning.
SEC. PANELO: Good morning, Henry.
URI: Yes, kasama ko si Missy. Mayroong lumabas, biglaan na hindi ko kaagad kayo natawagan dahil nasa kabilang istasyon nga kayo. Ano ba talaga ang isi-certify na urgent ng Pangulo?
SEC. PANELO: Hindi, ang sinasabi ni Presidente iyong isi-certify niya most likely, hindi iyong SOGIE Bill, kung hindi an anti-discrimination bill. Kailangan kasi hindi puwedeng isang class lang ng tao ang gagawan mo ng subject ng isang batas, otherwise magiging class legislation iyon. Pero iyong anti-discrimination bill, pareho ng anti-discrimination law niya sa Davao, iyon ang puwedeng … in other words, lahat ng uri ng discrimination laban sa kanino mang tao, sa class or person, iyon ang ayaw niya.
URI: Okay. Pero very specific kasi iyong tanong ni Joseph Morong kagabi: Will you certify itong SOGIE Bill as urgent. And the President said yes, Secretary.
SEC. PANELO: Yes, pero noong pinapaliwanag niya, sinasabi niya mayroon na ako niyan, iyong anti-discrimination law sa Davao. Ibig sabihin, he was referring sa isang anti-discrimination law na applicable sa lahat.
URI: So as of yet, habang … ito ngayon, kausap ko kayo, ang isi-certify niya ay hindi SOGIE Bill?
SEC. PANELO: He was referring to an anti-discrimination bill – for all. And that includes siyempre iyong LGBT sa grupo sapagkat ayaw ni Presidente nga ng lahat ng uri ng discrimination.
URI: So, kumbaga nakapaloob lang iyong LGBTQ doon sa anti-discrimination bill?
SEC. PANELO: Oo, kasama na rin iyon. Lahat ng mga paglabag sa karapatan ng grupong iyon, mailalagay din iyon sa anti-discrimination bill. Kasi kapag nilabag mo ang karapatan nila, nagdi-discriminate ka, halimbawa, iyong nakalagay doon na—mayroon bang nakalagay doon sa SOGIE Bill na hindi kayo puwedeng mag-discriminate, hindi mo sila puwedeng tanggapin sa trabaho dahil sa kanilang sexual preference – bawal iyon ‘di ba, nagdi-discriminate ka? Eh puwedeng ilagay iyon sa anti-discrimination bill na bawal ang sinumang employer na hindi tumanggap ng nag-aaplay ng trabaho kung siya ay ganito, kung matanda ba, may sakit ka ng cancer o kaya dahil ang sexual preference mo ay ganito eh di kasama na rin iyon.
URI: Sige, iyon lang. Kasi ang nakaumang ngayon sa Senado ay iyong SOGIE Bill, ano ho?
SEC. PANELO: Yes.
URI: So dapat may magpanukala ng anti-discrimination bill?
SEC. PANELO: Yes. At saka isa pa, Henry, gusto kong liwanagin din iyon …kasi may nagki-criticize kay Presidente na bakit daw nag-transfer siya ng mga convicts na walang court order.
URI: Okay.
SEC. PANELO: Hindi kailangan ng court order kasi siguro ang tinutukoy ng mga kumukontra ay iyong nakita nila sa Rules of Court, specifically Rule 114 Section 3, na sinasabi doon, na kapag may trial at iyong mga detainees, dahil na-detain siya during trial, hindi puwedeng i-transfer unless may court order or nag-bail kasi nga they want to secure, the court wants to secure the attendance of that particular convict doon sa trial. Pero kapag na-convict na, tapos na ang jurisdiction ng hukuman doon. Ang importante, from one jail to another, iyon ang mahalaga doon, eh kulungan iyon eh. Lalo na siguro kung military, mas mahirap iyon, mahirap nang makawala doon.
Ang mahalaga, kaya trinansfer ni Presidente iyon dahil nanganganib ang mga buhay nila. Eh kapag nanganganib ang buhay at napatay iyon doon sa loob ng kulungan, eh di wala na iyong kaso.
URI: Mawawala na ng testigo.
SEC. PANELO: Mawawala na ng testigo, eh di wala na rin iyong kaso, eh di nag-aksaya ka lang.
URI: All right. At least malinaw po ito ngayon, ano ho. Kinakailangan doon sa anti-discrimination bill; you’re saying, dapat may magpanukala ng anti-discrimination bill na nakapaloob na roon ang karapatan ng LGBTQ?
SEC. PANELO: I understand si Senator Angara ay mayroon na – anti-discrimination bill expanded version.
URI: So iyon ang isi-certify niyang urgent if ever?
SEC. PANELO: Hindi ko lang alam kasi hindi pa namin nakikita iyong … may nagsabi lang sa amin.
URI: Oho, all right, sige. Pero after ba natin kagabi, nagkausap pa kayo ni Presidente, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi na dahil naghiwalay na kami noon; umuwi na rin ako.
URI: Sige po, Secretary. Maraming salamat sa inyo.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)