Interview

Interview with Presidential Spokesperson Salvador Panelo by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

MERCADO: Hi, Secretary Sal. Good morning.

SEC. PANELO: Good morning, Sen. Orly.

MERCADO: Okay. Tanungin muna kita nauukol sa UN Human Rights Council. Ano po ba ang posisyon po ng Malacañang nauukol po roon sa mga sinasabi na dapat nang putulin ang ating pakikipag-ugnayan sa UNHRC?

SEC. PANELO: Si Presidente kahapon nagkausap kami, sabi niya he’s seriously considering cutting diplomatic relations with Iceland.

MERCADO: Iceland.

SEC. PANELO: Yes.

MERCADO: Pero you’re talking about directly with Iceland, pero iyong ating … are we leaving the UN Human Rights Council?

SEC. PANELO: Wala pa siyang sinasabi, pero pinag-aaralan siguro niya.

MERCADO: Pinag-aaralan, oo. Doon sa Iceland, sila ang nag-sponsor ‘di ba? Sila ang author ng resolusyon.

SEC. PANELO: Yes.

MERCADO: Ano ba ang pakikitungo natin sa Iceland? Mayroon ba tayong embahada doon at mayroon ba silang embahada sa Pilipinas?

SEC. PANELO: Wala tayong embassy doon. Mayroon tayong mga overseas workers doon. Hindi ko alam ang trade relations natin doon, basta ang alam ko may mga dalawa lang—ewan ko, basta marami rin tayong mga kababayan doon.

MERCADO: Ah marami-rami kahit… ‘di ba malamig doon? Kung sabagay, wala na yatang bansang walang Pilipino eh.

SEC. PANELO: Oo nga.

MERCADO: If we are seriously thinking of cutting our relations with Iceland, ano po ba ang mga magiging implikasyon po niyan? Nabanggit ninyo po kanina iyong trade, pero mayroon tayong mga tao roon, mayroon po ba tayong ibang mga kooperasyon with Iceland?

SEC. PANELO: Hindi ako sigurado sa kung ano ang trade relations natin doon, medyo… I’m not very familiar with that.

MERCADO: Okay. Maiba naman ako ng usapan. Ano ba ang reaksiyon ng Pangulo dito sa sinasabi ni Senior Justice of the Supreme Court Antonio Carpio doon sa mga options na puwedeng gawin bukod sa pakikipagsabak sa giyera with China?

SEC. PANELO: Para kay Presidente, lahat iyang mga options na binabanggit ni Justice Carpio, pinag-aralan na lahat iyan eh. Pero sa kaniya, ang kaniyang … sa tingin niya, iyon ang pinakamahusay pa rin, iyong pakikipag-usap sa China kaugnay sa mga hindi natin pinagkakasunduan. Eh talaga naman ang pag-uusap ang the best eh; kahit anong sabihin mo, iyon pa rin.

Kagaya ng sinasabi niyang iyong pag-uusap sa mga claimants, may kaniya-kaniyang posisyon iyon eh. Siyempre hindi iyon aalis sa kanilang mga stand; at saka ‘di ba sinubukan na namin na magkaroon ng multilateral talks, ayaw ng China iyon, gusto nila bilateral.

MERCADO: So sa tingin mo, under present conditions, iyong istratehiya, iyong tinatahak na landas na sinasabi ninyo ay iyon sa tingin ng tao eh mas binibigyan ng importansya iyong isyu ng pakikipagkalakalan at economic relations with China? Is that a fair statement to say?

SEC. PANELO: Oo, sapagkat iyon naman ang makakabuti sa ating bayan eh – magkaroon ng maraming infrastructure projects dito sa ating bansa; magkaroon ng maraming pumasok na investments para iyong mga kababayan natin ay magkaroon ng trabaho, gumanda ang kanilang pamumuhay, gumanda ang ekonomiya. Iyon naman ang mahalaga eh.

MERCADO: Okay. Thank you very much, Secretary Sal Panelo. Maraming salamat sa pagsagot sa aming tawag. Thank you.

SEC. PANELO: Salamat, Sen Orly.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource