Interview

Interview with Presidential Spokesperson Salvador Panelo by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)


Event Radio Interview

FAILON: Well, ito hong pagsalang ng Secretary Ben [Diokno] sa Question Hour, mayroon na ho bang pahayag ang Pangulo?

SEC. PANELO: Well… me, hindi ko pa narinig iyong mga sinabi ni Secretary Diokno. But ang posisyon namin diyan ganito, Ted: We will never allow any violation sa budget. Ang posisyon ng Palasyo diyan, lahat ng mga distrito ay dapat bigyan ng pantay-pantay na oportunidad para sa kanilang paglago, at mabigyan ng serbisyo ang taumbayan. Hindi kami papayag na lalabagin ang  batas tungkol sa paggawa ng budget.

Pangalawa, ang Kongreso ang may tungkulin na repasuhin iyan, tingnan niya, pag-aralan nila kung ano ang mali at ituwid nila ang pagkakamali kahit na kanino pa nanggaling. Iyan ang posisyon namin diyan.

FAILON: Opo, opo. And that’s really loud and clear ano po, Secretary. Doon po sa re-enacted budget, mayroon na ho bang reaksiyon dito ho ang Palasyo kung ano ho ang balak gawin ng inyong economic managers, ng ating economic managers po, Secretary?

SEC. PANELO: Hindi pa naglalabas ang economic managers ng kanilang posisyon. We will await of their recommendation kung ano ang kanilang posisyon diyan.

FAILON: Opo. But meantime po, sir, may debate po ngayon dito sa budget natin at ito hong pinag-uusapan na re-enacted budget. Mayroon na ho bang pulong na ini-schedule ang ating Presidente kay Sec. Ben para ho magkausap po tungkol dito sa mga bagay na ito? Wala pa po?

SEC. PANELO: Wala pa akong alam. Hindi ko alam kung mayroon na, hindi pa nakakarating sa akin.

But alam mo, Ted, itong gulo sa budget na ito, kailangan matigil na ito eh. Ang hindi ko maintindihan, bakit nagkakaroon ng ganiyan. The only… sa akin ha, the only mechanism that I have thought about is siguro mayroon isang departamento, siguro lumikha tayo ng bagong departamento para ang trabaho lang sa buong Pilipinas ay titingnan kung ano ang pangangailangan ng bawat distrito. Sila ang magsasabi, ‘ito ang kailangan dito, ito ang kailangan lagyan ng budget.’

Kasi sa ngayon, ang nangyayari iba-iba ang nagrerekumenda – parang ang dami. So the opportunity for graft and corruption ay marami din; maraming nagde-decide eh.

FAILON: Pero maganda rin po iyong binabanggit ni Senator Ping kanina, Sec. Iyong sabi niya kung paiiralin lang iyong talagang totoong dapat na budget process – iyong Barangay Development Council, hanggang municipal, city, regional. Tapos kaya nga mayroon tayong representante, iyong kongresista, dapat dadaan sa kaniya para lahat talaga ng pangangailangan, grassroots level, nakukuha po natin, Sec.

SEC. PANELO: Maganda rin iyon, except that mahaba ring proseso iyon. Samantalang kung mayroon ka lang isang departamento na iyon lang ang trabaho, iyon lang ang tungkulin na baybayin ang buong Pilipinas at tingnan ang bawat pangangailangan ng distrito, mas madali; the accountability [ay] isa lang. Nakuha mo?

FAILON: Opo, opo. Sige po. Sec. Sal, ngayon po ang joint session ng Kongreso. Manunood ba ang ating Pangulo po kasi ito po ay live definitely ho? I think, sa ANC baka ho mag-cover tayo ho dito. Manunood ba ang ating Pangulo?

SEC. PANELO: Most likely. Unless na napuyat siya kagabi, at kailangan niya ng pahinga.

FAILON: Opo, opo. Sige po, Sec. Sal, salamat sa panahon, sir. And again, thank you for sharing your wisdom with us this morning.

SEC. PANELO: Maraming salamat, Ted. Thank you.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau0

Resource