FAILON: Sec., good morning.
SEC. PANELO: Good morning din.
FAILON: Gusto ko lang po—kukuha po ako ng hugot dito po sa sagot ni Catriona Gray kahapon sa Miss Universe pageant nga doon sa medical marijuana. Ano ho ba talaga po ang stand dito po ng ating Pangulo, sir? Go ahead.
SEC. PANELO: Eh sa palagay ko naririnig ni Catriona ang stand ni Pangulong Duterte, sapagkat ang sabi niya for medical purposes puwede. Iyon din naman ang stand ni Presidente eh.
FAILON: So meaning, kung saka-sakali pong ito ay umusad nga ano ho, sa Kamara at sa Senado at maging ganap na batas, we will see this being approved by the President… signing eventually po.
SEC. PANELO: Definitely, kasi nga ang mga stand niya basta for healing purposes.
FAILON: Opo. Alright, sir ano ho talaga ang status po ba ng Road Board as far as the Palace is concerned. Well, as a backgrounder nga po, ‘di ba ito ho ay ipinasa po ng Kamara noong una, ina-adapt po ng Senate po iyong kanilang version kaya wala na hong bicam dito at ito ho ay itrinansmit na po bilang enrolled bill but eventually po sumulat po ng Kamara sa Senado na wini-withdraw iyong batas. So far ho ano kaya ang kaniya pong estado ngayon as far as the Palace is concerned?
SEC. PANELO: Well, ang Palasyo ganoon pa rin. Hindi na mabago na ayaw niyang i-release ang Road User’s Tax. Kasi ‘di ba sabi ni Secretary Diokno, iyon ang [cash cow] ng mga congressman. Gusto ni Secretary Diokno ngayon ibalik sa Treasury, eh ‘di mag-appropriate sila.
FAILON: As part of the powers of Congress ano po?
SEC. PANELO: Yes, of course.
FAILON: Pero doon po sa ano… Sec. Sal, doon po sa pagiging batas, iyong abolition po nito?
SEC. PANELO: Eh supposed to be… hindi nga maintindihan namin kung paano… supposed to be na-abolish na iyon, bakit bumalik. Hindi nga namin alam kung paano nangyari iyon.
FAILON: Siguro po, Sec., I hope you don’t mind, baka puwede lang ho—kasi kung ito po ay enrolled bill na ito. ‘Di ba legally kung enrolled bill na iyan kapag hindi pinirmahan ng Presidente, it will lapse into law, right?
SEC. PANELO: Eh buti kung binigay sa Presidente, parang hindi yata nakarating kay Presidente iyon eh.
FAILON: We really have to find out, asahan na po ang dokumentong ito kung enrolled bill na po ito.
SEC. PANELO: Baka naman hindi na-enroll, baka balita lang na-enroll. O iyon ang intensiyon pero hindi natuloy.
FAILON: I see. So we have to ask siguro sa Senado. Because ngayon po sa kasalukuyan as far as the House is concerned, sila po daw—binawi na ho nila iyong kanilang approval. But legally sir, is that—papaano ho iyon? Is that doable?
SEC. PANELO: Hindi… ang problema nga hindi natin alam exactly kung na-enroll niya o hindi. Baka naman iyong huling step hindi nila ginawa. Kasi natandaan mo nagkaroon ng change of leadership sila eh.
FAILON: Opo.
SEC. PANELO: Kaya nga nabago eh.
FAILON: But ang sabi na kasi ng Senado na hindi nga kami nag-bicam diyan, we adapted the entire version of the House abolishing the Road Board and then ito nga daw po ang na-enroll; but anyway iyon po siguro ang pinakamagandang malaman ho dito para po kumbaga maliwanagan po ang lahat sa debate ninyo, kung talaga bang ang Road Board ay na-abolish na o hindi pa.
SEC. PANELO: The President will know about it.
FAILON: Sige po, baka mamaya po sa inyong press con diyan matanong po ito, itong isyu na ito kasi nga po lalo hong—habang tumatagal nga po lalong umiinit po, Secretary.
SEC. PANELO: Oo nga eh. Eleksyon na kasi, malapit na eleksiyon eh.
FAILON: Opo, sige po, Sec. Sal, salamat po sa panahon at maligayang bati po sa ating lahat, Sec. Sal, opo.
SEC. PANELO: Thank you Ted. Thank you.
FAILON: Thank you.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)