Interview

Interview with Presidential Spokesperson Salvador Panelo by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)


Event Radio Interview

FAILON:  Sec. Sal, good morning, sir.

SEC. PANELO: Good morning. Happy Valentine’s Day!

FAILON: At sa inyo din po sir, mayroon ba kayong date ni ano mamaya, ni misis?

SEC. PANELO: Oo mayroon mamaya sa Sofitel. Sergio Mendes, actually mga cabinet members lang.

FAILON:  Opo, may kantahan ba?

SEC. PANELO:  Sergio Mendes nga.

FAILON:  Ah, Sergio Mendes; nandiyan pa pala si Sergio Mendes?

SEC. PANELO:  Nagulat nga ako, buhay pa pala.

FAILON:  And The Brazil, 77 ha.

So, Sec Sal, reaction po ninyo dito po sa pahayag ng kampo po ni Binibining Maria Ressa at the same time po, ito hong mga grupo din po ng mga journalists na ito po ay klaro ho naman daw na paniniil sa karapatan po ng malayang pamamahayag?

SEC. PANELO:  Unang-una nga hindi dapat kami ang tinatawagan dito eh. You know why?: One, ang nagdedemanda dito private citizen eh. Kumbaga siya ang nagrereklamo na ni-libel siya. Kung si Presidente Duterte naging subject ng maraming pag-aalipusta, paninira sa kanyang katauhan at sa panguluhan eh ni walang idinemanda eh. Iyong si Trillanes, kahit nga si Noli kung makabanat, eh nakatanggap ba sila ng mga demanda; lalo pa ito private citizen ang nagdemanda, ano naman ang kaugnayan ng Palasyo diyan?

Pangalawa, assuming na si Maria ay nag-commit ng krimen. May nagdemanda sa kanya, nagkaroon ng preliminary investigation. Ang tingin ng prosecutor ay may probable cause, sinampahan at dinemanda. Eh iyong judge na humawak ng kaso, under the Constitution will have to look over kung merong probable cause o wala, eh merong probable cause sang-ayon sa kanya – kaya nagkaroon ng pag-aaresto o ng pag-isyu ng warrant of arrest.

Now, they are complaining about the timing daw, kasi hapon na daw. Alam mo, Ted ang regla [reglamento] talaga diyan, unang-una nagkaroon na ng circular diyan, you cannot issue a warrant o ise-serve kahit na meron pa, you cannot serve it pag Sabado o Linggo. So, hindi ka puwedeng mag-isyu ng warrant o mag-serve ng Biyernes ng hapon kasi wala na ngang pagkakataon mag-file ng bail. Eh, pero   kahapon lang iyan, ibig sabihin, eh weekday. So hindi mo masasabi na sinadya, kasi weekday naman eh, meron pang night court.

But they are saying na, sang-ayon doon sa MTC Judge, eh since pinayl iyan sa RTC, wala siyang karapatan – well, that is his call. Alam mo, there are as many opinions as there are lawyers.  Iyong sinasabi naman nilang, ito ay paglabag sa freedom of expression, sinasabi ko na nga kanina, malayung-malayo unrelated, absolutely unrelated iyan. Dahil nga kung si Presidente nga, siya na nga ang binabanatan, hindi siya nakikialam, iyan pang isang private citizen makikialam siya.

Pangalawa Ted, iyon pong batas natin ay hindi naman namimili kung sino ang idedemanda. Kailangan lahat tayo ay accountable sa mga ginagawa natin. But precisely, the Constitution gives you the presumption of innocence para magkaroon ka ng pagkakataon na sirain mo iyong demanda sa iyo. Katunayan, sa mga peryodistang kagaya mo, at ako ay isa rin, ‘di ba sinasabi natin palagi na it’s a badge of honor when you are sued for libel – ibig sabihin eh, matindi kang komentarista o peryodista o kolumnista, pagkakataon mo nga iyon eh.

‘Pag naipanalo mo, eh ‘di lalo nang magaling. Katunayan, sa tingin ko nga kay Maria, mukhang she’s enjoying it, she’s been smiling all the while. Another thing, hindi naman siya nakakulong eh, nasa NBI kuwarto lang. In other words, she’s making a mountain out of a mole cave.

FAILON:  So, Attorney, kaya  po kami tumawag sa inyo, I’m sure ito po din ay inyo pong napagtatanto  ano ho, Attorney, na itong nangyayari sa Rappler, doon sa kanila pong  kaso sa kanilang PDR, hindi ko na babalikan pa, etcetera. Ang damdamin po ng ilan at ito po ay kumbaga pagkakaisa using government para po sila ipitin dahil po sa pagiging kritikal na Rappler mismo against the Duterte administration?

SEC. PANELO:  I will review what I said, wala ngang kaugnayan sa freedom of expression. Dahil kung mismong iyong Presidente, ang subject ng libel eh walang ginagawa, ba’t naman papatulan niya pa iyong isang private citizen. Kung iyong siya mismo ang sinisiraan, hindi siya gumagalaw, because he believes in the freedom of expression being a lawyer. So, walang kinalaman iyon, iyon ang apprehension ng iba, pero more on the critic side iyon.

FAILON:  Iyon nga po, kaya nga po kami tumawag sa inyo Attorney para nga po makuha ang inyo pong panig dito, iyong sa kaisipan na iyon. Attorney, doon sa, alam naman po natin ano ho na hindi ka pupuwedeng, kumbaga hindi mo maaring i-retroactive ang penal  provision ng isang Republic Act, ng isang batas,  in this case daw po, iyon nga ang claim po ng kampo nila Binibining Ressa eh bakit naman  ang batas eh dumating  after the publication. What’s your take on that, sir?

SEC. PANELO:  That’s the legal issue that the Court should properly resolved, eh hindi pupuwedeng pag-usapan sa labas, dahil nai-file na ang kaso. Pangalawa, ang teyorya ng prosecutor from what I gathered from the lawyer, eh continuing yung crime na libel. Oh sa madaling sabi, hindi pupuwedeng sabihin mo eh, may ex post facto law. Kasi kung continuing eh, mula’t sapul eh palagi ka nang may—you have already committed a crime. Kaya, in any case, it’s a legal issue that the court should resolve. So, they should be raising those issues before the court and not outside of the court.

FAILON:  Sige po, sir.  So, sa huli pong punto ngayon, ito na ho na iyong mga text na amin pong tinatanggap.  Iyon pong damdamin ng ilan na maaring hindi nga mismo ang Pangulo daw po ang nagdedemanda, pero maaring gamitin iyong kanyang impluwensiya sa mga taong gobyerno para po ipitin ang sinuman pong indibidwal, mamamahayag o kumpanya na ang tingin po ng pamahalaan ay kaaway?

SEC. PANELO:  Out of character kay si Presidente iyon eh. He is known for someone who is always outrage by any irregularity or any violation of law. Kaya palagi niyang pinapabayaan iyong hukuman, hindi siya nakikialam, iyong departamento niya nga hindi niya pinapakialaman. Iyong sangay ng gobyerno ng iba, ang legislative at saka hukuman, hindi rin siya nakikialam. Siya ay iisa lamang ang kanyang panuntunan sa kanyang panguluhan eh, pagsilbihan at bigyan ng proteksiyon ang taumbayan. Serve and protect the people, iyon lang ang kanyang basis palagi.

FAILON:  Salamat po sa panahon, Sec. Sal, huli pong katanungan. I hope you don’t mind me asking. Ano ho ang kinabukasan ng ratification law sa lamesa po ng ating Presidente – rice tariffication?

SEC. PANELO:  Kahapon, tinext ko si Secretary Medialdea kung ano na ang status.

FAILON:  I’m sorry tariffication, opo.

SEC. PANELO:  Kaya nga, iyong rice tariff, tinext ko siya at ang sagot niya sa akin ay for signing. So, hindi pa napipirmahan, but for signing.

FAILON:  For signing, meaning as in walang ibi-veto na anuman pong linya sa batas?

SEC. PANELO:  It would appear so, kasi nung nagpunta iyong mga farmers sa kanya at nagrereklamo, para ngang sinabi niya eh, hindi for the greater good and for the greater interest tayo. I know where you are coming from sabi ni Presidente, pero iyong kabuuan ang dapat nating bigyan ng attention at tutukan.

FAILON:  For signing   para po klaro, ito hong Republic Act na ito, para po sa rice tariffication. So, Sec. Sal salamat sa panahon, sir. Salamat po.

SEC. PANELO:  Salamat po for having me.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

 

Resource