Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Ted Failon – Failon Ngayon/DZMM


FAILON: Sec. Sal, una po, reaksiyon po ng ating Pangulo sa mga ating napapanood ho ngayon sa mga rebelasyon na nangyayari po sa loob ng New Bilibid Prison, sir?

SEC. PANELO: Well, kagaya nga ng sinabi ni Presidente, tuloy iyong ating imbestigasyon para malaman na natin ang lahat ng uri ng korapsyon doon upang heads will be rolling other than the suspension made by the Ombudsman.

FAILON: Mayroon ho ba ngayong specific instruction sa DOJ concerning po sa appointment ng posibleng mag-take over po sa BuCor kung kinakailangan kasi in the light po of the suspension na nangyayari ngayon – tatlumpu ho ito, and then iyong eventually nga po ay cleansing of the ranks, sir?

SEC. PANELO: Ang instruction ni Presidente ay iyong mga next in rank ang magti-take over doon sa mga suspended; sila ang papalit.

FAILON: Mayroon na ho ba, sir, pinatawag na hong pulong si Pangulong Digong kay Sec. Guevarra on this particular issue, kumbaga, special meeting, if I may say so?

SEC. PANELO: Wala akong alam.

FAILON: Okay. Sir, dito po sa West Philippine Sea possible joint exploration with China, gusto ko lang klaruhin po, Sec., ang sabi po sa balita noong isang araw ay may kondisyon na hinihingi ang China dito po sa kung magkakaroon ng joint exploration. Tama ho ba ang aking pagkakaintindi: Kung magkakaroon, hindi pa po ito kumpirmado, tama po?

SEC. PANELO: Hindi pa. Kasi magmi-meet pa iyong mga technical team ng dalawang bansa upang pag-usapan ang mga terms of reference, mga kondisyones, kung ano pa ang mga masasakop ng joint exploration. Marami pang pag-uusapan.

FAILON: Opo. Pero iyon pong binabanggit na posible itong joint exploration kung isasantabi ng Pilipinas iyong arbitral ruling. Tama ho ba ang pagkakaintindi ko doon?

SEC. PANELO: Hindi, dahil sinabi—hindi ba nag-usap na iyong dalawa. Iyong tungkol sa problema sa West Philippine Sea, iyon ay itutuloy pa rin ang pag-uusap diplomatically, peacefully; nag-uusap pa rin. Kaya lang, kagaya ng napagkasunduan ng dalawa, habang tayo ay nag-uusap diyan kung papaano natin iri-resolve iyan, dito muna tayo mag-concentrate sa mga areas of concern na maaaring magbenepisyo ang ating dalawang bansa – kasama na nga iyong joint exploration.

FAILON: Iyon pong issue, sir, regardless kung ano po ang share ‘no, 60-40 man iyan o anuman po, pero po iyon pong pag-acknowledge if China really have the legal right to have even a share sa West Philippine Sea?

SEC. PANELO: Kagaya nga ng sinabi ko na, pag-uusapan nila iyon. Iyong sa West Philippine Sea, hiwalay na problema iyon. Iyon namang mga iba pang puwedeng pag-usapan na maaari tayong magkasundo, iba pa rin iyon.

Now, kung iyong doon sa joint exploration, mag-uusap iyong dalawa na kung pupuwede silang mag-combine upang mapakinabangan natin iyong puwedeng makuha sa ilalim ng dagat.

FAILON: So ang lahat ng ito ay under … ano pong right term ang dapat gamitin dito?

SEC. PANELO: Under study lahat iyan.

FAILON:  All right, under study. Okay, well-said, sir. Understudy, sir. Kung saka-sakali po ba, theoretically po, Atty. Sal, na magkaroon ng understanding na, ito ho ba ay executive prerogative lamang o kinakailangan pa ng pahintulot po mula sa lehislatura?

SEC. PANELO: Depende, kasi sa ngayon hindi pa nga tayo nagkakasundo exactly anong areas ang puwede nating pasukin.

FAILON: Okay, everything is under study. Sino po sir, ang point man dito po ng ating Pangulo, dito po sa usapin po ng joint exploration?

SEC. PANELO: Secretary of Foreign Affairs ang namamahala ngayon diyan. In fact, ‘di ba, lumikha na sila ng mga technical committees on both sides para mag-usap. My understanding is, naka-create na tayo ng ating komite, naka-create na rin ng komite sa Tsina, at maaaring mag-uusap na sila; hindi ko lang alam kung kailan.

FAILON:  Pero ho kayo sir, bilang Chief Legal Counsel sir, what do you think, hindi ho dapat i-set aside iyon pong desisyon po ng arbitral tribunal dito or that can be set aside?

SEC. PANELO: Alam mo, from the very beginning, sinasabi na nga ni Presidente, iyong arbitral ruling is final, binding and appealable, as in, it’s forever. So meaning, it cannot be set aside; it’s always be there. Actually ang problema lang naman doon is how to enforce it. Iyan naman ang problema … sa lahat ng problema ng mga bansa, kung mayroong sigalot o hindi pagkakaunawaan iyong ibang bansa, iyong enforcement ng whatever ruling ng isang kinikilala. Eh ang problema nga, hindi rin kinikilala ng Tsina iyong arbitral ruling.

FAILON: Iyon nga rin po ang sabi ho ng Pangulo, napakinggan ko ‘no. Kung gusto mo talagang ipatupad iyon, gigiyerahin …

SEC. PANELO: Gigiyerahin ka.

FAILON:  Iyon na nga, Sec., iyong warships diyan. Anyway, sige po Attorney Sal, salamat po sa paliwanag at inyo pong panahon na ibinigay sa amin. Panoorin ko na lang po kung anong kulay ng kurbata ninyo mamaya. Mabuhay po. Thank you Attorney, Salamat nang marami.

SEC. PANELO: Thank you.

 

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource