Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Willie Delgado and Jorge Bandola (DZXL – Straight to the Point)

Q:  Congratulations pala Secretary, nagbunga ang iyong text message at ang utos ng Pangulo—

SEC. PANELO:  Masyado yatang maganda iyong aking statement ah.

Q:  Pero di ba, ikaw mismo ang nagsabi, kung hindi dahil sa text—pero dahil sa kaibigan mo, eh talaga—siguro iyon ang naghimok ano para tanggapin ni VP Leni ano.

SEC. PANELO:  Alam mo si—ako I believe na sincere naman si VP Leni. As I said in my text, this is her moment, [garbled audio] opportunity. You know, of course mahirap magtrabaho. She will be just like walking in a high wire, she either makes it or breaks it. But we wish her well; we will give her all the support that she need.

Q:  Iyon pong kakulangan daw sa knowledge on law enforcement, hindi ba ito magiging hadlang at okay lang ba ito sa Pangulo?

SEC. PANELO:  Bright naman iyan si VP Leni, kaya niya iyan.

Q:  Iyong binanggit kahapon ni VP Leni na ‘ako handa na, kayo ba handa na?’

SEC. PANELO:  Matagal nang handa, kaya nga binigyan siya ng appointment eh.

Q:  Pahabol ko lang ha, iyong binanggit din kahapon ni VP Leni na dalawang taon at kalahati na lamang ang Duterte administration, pupuwede pa nating ayusin, pupuwede nating pagtulungan. Anong basa n’yo roon, Attorney?

SEC. PANELO:  Unang-una, hindi tama iyong dalawang taon na lang, two years and nine months, sa June pa, eh November lang ngayon. Pangalawa, ano nga iyong sinasabi niya na she is ano…

Q:  Pupuwede pa nating mapagtulungan.

SEC. PANELO:  Kaya nga siya binigyan ng appointment, para she will be given the opportunity to help, hindi lang iyong mag-criticize. Alam mo when she criticize kasi, meron siyang sinabi na, una, sabi niya failure, ineffective. Sabi niya let’s try other tacks. So, alam mo, pag sinabi mong let’s try other tacks, maybe you have a lot of other tacks in mind, kaya siya binigyan ng pagkakataon ni Presidente.

Q:  Dito sa appointment ni VP Leni, Secretary Panelo, wala namang specific task and responsibilities and inaatang pa sa kanya. Kasi it goes with my question na saang aspeto nang kampanya laban sa illegal na droga ang gusto niyang makita ang presensiya niya.

SEC. PANELO:  Ah, hindi siya ang magpapakita sa atin, hindi tayo. Kasi siya ang nag-criticize di ba. Ibig sabihin meron siyang mga nakikita sa kanyang pananaw na mali na iko-correct niya, oh eh di pagbigyan natin.

Q:  Ano po ito, as in literal na hindi kukumpas dito ang Pangulong Duterte when it comes to war on drugs?

SEC. PANELO:  Alam mo si Presidente, ever since hindi nakikialam iyan sa kanyang mga departamento, pilaging bahala kayong dumiskarte, but you are accountable to me – iyan ang ever since ganyan ang policy.

Q:  Eh, di parang ano, Secretary, parang hindi kaya tama iyong mga kritiko na ipinasa lang ng Pangulo ang baton?

SEC. PANELO:  Hindi, alam mo iyong mga kritiko, ayaw siyang maging matagumpay. Kaya nga sabi ko sa kanya, she’s better off, now when she accepted, she becomes her own person. She cannot be relying on these colleagues of hers. She’s much smarter than them by accepting that position.

Q:  Iyong binabanggit kahapon ni VP Leni na parang tantamount to saying na mareresolba natin ang problema sa drugs ng walang patayan, papano kaya iyon, possible kaya iyon?

SEC. PANELO:  Eh, nasa sa kanya iyon, siya ang magiging drug czar, so diskarte niya iyon.

Q:  Tingnan muna natin ang kanyang formal assumption nung mga responsibilidad—

SEC. PANELO:  Let’s not be judging her. Ang sinasabi ko wag muna tayong tumalon, hayaan mo siyang dumiskarte.

Q:  Kabilang ba diyan sa iniisip na magiging—kasi dina-draft pa raw iyong mga magiging specific na responsibilities niya, tama ba, Sec?

SEC. PANELO:  Hindi, ang sabi ko, kung ako si VP Leni, siyempre if you want to occupy a position you have to know the scope [garbled audio]. Kaya dapat makipag-meeting siya sa Presidente.

Q:  May mga listahan na yata ng rekomendasyon na… hindi ko lang alam kung nai-forward na sa inyo o napag-aralan.

SEC. PANELO:  Wala pa.

Q:  Papano po ang magiging kapalaran nitong mga rekomendasyon na ito. As in parang good as approved agad sa Pangulong Duterte since ipapaubaya niya—

SEC. PANELO:  That’s why there is a need for them to meet. Siyempre kung ako si VP Leni siyempre tatanungin ko si Presidente, oh ano ba ang aking scope diyan, ito ba puwede kung gawin, ito kailangan ko ito – siyempre ganoon pa lang iyan.

Q:  Allowed ba siyang mag-hire ng mga panibagong tao?

SEC. PANELO:  That is one of the reasons why they have to meet. Kailangan silang mag-meet para malaman niya ang scope ng authority niya.

Q:  May isa pang tanong, Sec. May dagdag suweldo ba siya dito bilang Cabinet rank?

SEC. PANELO:  What do you mean by dagdag suweldo? Kung ano iyong suweldo niya, iyon na yun. Ako iisa ang suweldo ko.

Q: Nagbabakasakali lang.

SEC. PANELO:  Hindi naman ako si Karen Davila.

Q:  Easy, Sec ha.

Q:  Wag n’yo pag-initin ang ulo ni Secretary, maigi at maganda ang gising eh.

Q:  Papano iyong iba pang mga function under the Office of the Vice President, Sec. Panelo? Definitely hindi niya pupuwedeng pabayaan iyon. Inaasahan n’yo ba na magiging madalas ang kanyang presensiya diyan sa ICAD?

SEC. PANELO:  Diskarte na niya iyon, diskarte niya. She is occupying dual positions like me, then dumiskarte siya ng magandang diskarte.

Q:  Nag-Cabinet meeting ho ba kahapon, Secretary?

SEC. PANELO:  Meron kaming Cabinet meeting, pero masyadong tight schedule, siguro I don’t think she had a time to attend, but she was welcome.

Q:  Pero inaantay daw niya imbitasyon ah. Kailangan ba iyon?

SEC. PANELO:  Most likely, papadalhan siya ng letter ni Executive Secretary para makapag-meet sila ni President.

Q:  Sec, maraming-maraming salamat ha.

SEC. PANELO:  Salamat din. Kumusta daw kayo sabi ni Karen Davila, nakikinig daw sila sa inyo, pero hindi niya raw maintindihan kung ano ang sinasabi ninyo. [laughs]

##

 Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource