BIGORNIA: Kumusta naman po si Sanchez?
CAYABYAB: Secretary, meron daw kayong mahalagang anunsyo sa ating mga kapamilya ngayong gabi?
SEC. PANELO: Iko-confirm ko lang na iyong suspension sa STL operation will be lifted by the President immediately after the publication on the Implementing Rules and Regulations. There are certain conditions that iyong mga compliant franchise holders will have to fulfill at iyong mga non-compliant din kailangan meron din silang gagawin; may mga kondisyon.
CAYABYAB: So kelan po ili-lift iyong ban sa STL?
SEC. PANELO: Well, after the publications.
CAYABYAB: Iyong publication po ba ay bukas na?
SEC. PANELO: Eh siguro Monday pa. But meanwhile, puwede ko na siguro sabihin iyong ibang mga kondisyones.
BIGORNIA: Gaya po ng ano, sir?
SEC. PANELO: Like iyong compliant, iyong mga walang problema sa pagbayad sa kanilang mga franchise, sa kani-kanilang remittances, they will have to deposit three months; and then iyong mga non-compliant, kailangan magbayad muna sila ng kanilang mga utang at pag nakabayad na sila ng buo, di mag-deposit ng three months para maka-operate. And then they will have to agree that they cannot sue, hindi sila magdedemanda. Kasi ang ginagawa ng mga iba, iyong pitong nagdemanda, hindi na nga nakakabayad, nagdemanda pa, nakakuha ng TRO. Oh di ba, tapos nag-o-operate, hindi sila nagbabayad, ayaw ni Presidente iyon. Kumbaga pangugulang ang ginagawa nila.
And then kung meron silang violation, will mean automatic cessation ng kanilang franchise, hindi na sila makaka-operate.
BIGORNIA: So pag may malinaw na violation, hindi talaga makaka-operate.
SEC. PANELO: Hindi na, hindi sila puwedeng magdemanda, kasi they will have to agree on a waiver.
BIGORNIA: Sir, sa pagli-lift po ng suspension dito sa mga operator ng STL, mga ilang porsiyento po iyan, Sec, iyong talagang sasabihin ng tao, puwede na tayo ulit tumaya sa ganyan. Ilang porsiyento po iyan, Sec, sa pagkakalam ninyo?
SEC. PANELO: I’m not sure kung ilan iyong compliant, parang alam ko 9 ba o 12, hindi ko na matandaan kung ilang numbers iyong compliant. Basta may mga compliant STL operators. Mas marami ang hindi nagko-comply.
BIGORNIA: So, talagang sasalain na ngayon Sec.
SEC. PANELO: Yes, definitely.
BIGORNIA: At ito po ay ginagawa, dahil ano po Sec? Kasi siyempre marami na namang magkokomento, magrereklamo, teka-teka, bakit sila puwede, bakit ako hindi.
SEC. PANELO: Ah, hindi. Kapag hindi sila nag-comply wala na, tapos na ang maliligayang araw nila.
BIGORNIA: So, doon sa mga compliant, sir, balik ang ligaya starting tomorrow?
SEC. PANELO: That is if they have to deposit three months.
BIGORNIA: Ayon, pag may pang-deposito… sundin lang lahat ang mga rekisito na ito ng Malacañang, puwede na ulit.
SEC. PANELO: And then they have to sign waiver not to sue.
BIGORNIA: So, importante iyon.
SEC. PANELO: Iyon ang pinakaimportante, there are other to deal, but pagdating na lang implementing rules, pagna-publish na.
BIGORNIA: Okay. Maraming-maraming salamat po, Sec Panelo.
SEC. PANELO: You’re welcome.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)