Q: So ano po ba ang masasabi natin sa tirada ni Cardinal Tagle na ‘bully’ ang administrasyon?
SEC. PANELO: Ano ba sa tingin mo?
Q: Siyempre, sir, sa mga anti, ‘di ba, somewhat may bullying, ‘di ba?
SEC. PANELO: Hindi naman kasi sinasabi ni Cardinal Tagle whom he’s referring to – hindi. If he is referring to a particular person, dapat sinabi niya; but ang sabi ko doon, nag-isyu na ako ng statement, if it is said in generic or general sense, I agree with him. You cannot use power to bully people or to coerce. And I said, that principle applies the same doon sa pulpit – when you use the pulpit also to bully people, eh di ganoon din iyon.
Pero sa parte ni Presidente, wala naman siyang binu-bully. Ang sinasabi niya lang na binu-bully niya ay iyong mga kriminal; he’ll kill/threaten—
Q: Attorney Sal, kahapon nga, nakita ko nga ang amu-amo ni President Duterte kaharap si Ms. Universe, parang ano, parang bumait.
SEC. PANELO: Mabait naman siya. ‘Di ba doon sa Balangiga Town, ‘di ba, nilapitan niya lahat ng mga pari doon; kinamayan niya.
Q: May isyu pa rin pagkatapos – pinaalis daw sila.
SEC. PANELO: Hindi, siguro iyong … kung PMS man iyon, siguro ang worry niya lang ay baka mainis si Presidente dahil nga bumabanat siya sa simbahan. Siguro maganda rin naman iyong intensiyon niya pero mali. Hindi naman iyan istilo ni Presidente.
Q: Atty. Sal, ako, mayroon akong …I’m little bit confused. Kasi ‘di ba, si Cardinal Tagle ay hindi naman ito iyong dating palaban – umiiyak lang ito, iyakin ito. ‘Di ba, dati iyong kay Napoles, umiyak-iyak lang naman siya eh; ngayon, bigla siyang tumitira, so ano sir, bakit kaya bigla siyang nag-change of tactics, mayroon bang naapakan na buntot niya or something like that?
SEC. PANELO: Hindi, siguro nagre-react siya doon sa banat ni Presidente. Most likely iyon kasi ‘di ba, binabanatan ni Presidente naman iyong hypocrisy ng simbahan. Actually, not only as an institution but doon sa mga miyembro na hypocritical iyong mga ginagawa.
Pareho nga iyong sinasabi ni Papa, ‘di ba. Sabi niya, kung ikaw ay gay at hindi ka magiging celibate ay umalis ka na lang sa simbahan.
Q: Eh dapat umalis na silang lahat kung ganoon.
SEC. PANELO: ‘Di ba marami ngang ganoon, ang nagsi-celibate.
Q: Iyong mga bakla, sir, nadadamay kami sa negative image nila na molester kapag bakla dahil iyong mga pari, sila iyong nag-a-abuse.
SEC. PANELO: Hindi lang naman sa gay iyon eh. I think the Pope refers to kung hindi ka celibate, kahit na straight ka pagkatapos you’re engaged in sexual practice or conduct, hindi ka dapat nandoon. Iyon ang sinasabi ng Papa – huwag kang hypocritical; iyon ang sinasabi rin ni Presidente.
Q: Mukha lang siyang bully dahil sinasabi niya iyon. Eh, sir, may koneksyon kaya dito iyong kay Caloocan Bishop Pablo David. ‘Di ba, si President, siyempre malakas ang tirada against Caloocan Bishop baka naano ba si Cardinal Tagle na depensahan?
SEC. PANELO: Siguro, baka. Hindi natin alam kung ano talaga ang—
Q: Nasa utak ni President.
SEC. PANELO: Kami naman, ‘di ba, si Presidente, he always reconcile to the right of any person, to express whatever they have in mind.
Q: Sir, Atty. Sal, sa akin naman – last part – of course, alam natin malapit na ang Pasko, so ano pong plano ni President Duterte? Kasi gusto ko iyong mga sinasabi niya dati, gustung-gusto ko iyon, iyong mga Christmas message niya na may halong pananakot. Mayroon pa bang ganoon tayong mai-expect sa kaniya, iyong kaniyang Christmas message?
SEC. PAENELO: Hinihintay natin kung ano iyong Christmas message niya.
Q: Na-excite ako – lalabas ba iyon, sir, within the week?
SEC. PANELO: Palagi namang may message siya every year.
Q: Ah iyong mga kriminal, mag-enjoy na kayo.
SEC. PANELO: Sabi niya, huling Christmas ninyo na ito kapag ituloy ninyo iyong mga criminal—
Q: Oo, pero nakakatawa iyon sa totoo lang.
Sir, of course, what is your Christmas message to every Filipino – is listening right now?
SEC. PANELO: Magmahalan tayo, tayong lahat ay bahagi ng isang kabuuan. We’re all parts of one whole. Every movement ng isang part ng body natin, affects the entire body.
Q: On that note, sir, we also love you, Atty. Sal Panelo.
SEC. PANELO: I love you, too; Merry Christmas.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)