Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the distribution of rice in Zamboanga City


Event Media Interview
Location NFA Warehouse, Brgy. San Roque, Zamboanga City

Q: Good morning, Mr. President. Yung unang tanong po, kung may plano ba…may pagkakataon ba na bumaba pa ng P20 yung kilo ng bigas? And second, isahin ko nalang po, we already have solutions for rice consumers and retailers. How about our farmers? Medyo nabanggit iyo na po yan kanina. And how are we going to help them and solve our scarcity of rice production in the country? Yun lang.

PRESIDENT MARCOS: May chance lagi yan kung maaayos natin ang production natin at maging maayos, hindi tayo masyadong bagyuhhin at yung mga tulong na ibinibigay natin sa mga farmer ay magamit na nila.

Ang problema kasi at maraming nangyayari sa labas ng Pilipinas na kailangan nating mag-adjust. Kaya’t nagkakaganyan.  Ngunit kapag talaga nagawa natin ang cost of production binaba natin ay bababa rin ang presyo ng bigas. Bababa rin lahat. Basta’t mas mataas ang ani kahit na…pwede nating ipagpantay ang presyo para sa mga magsasaka, mayroong tayong buying price na maganda, kumikita naman sila sa kasalukuyan yan ang aming ginawa. SA NFA council kahapon ay inayos namin at pinalitan namin ang buying price ng palay at ginawa nating 16 pesos to 19 pesos para sa wet a palay at 19 to 23 ang para sa mga dry.

Kaya yan naman para sa mga magsasaka yan. Tinutulungan din natin yung mga retailers dahil dun sa price cap. Nakabili na sila ng mahal at mabebenta nila na mura lang. Hindi sila kikita baka malugi pa sila. Kaya’t yun tinutulugan namin.

So, pagka naging mas normal na ang sitwasyon, malaking pag-asa talaga natin na ibababa natin ang presyo ng bigas.

Q: The coast of Zamboanga Peninsula is rich in marine resources, sir. How will your administration support the agri-fishery industry in the region?

PRESIDENT MARCOS: Well, we have always been… ‘Pag sinasabi nating agriculture, ang ibig sabihin ng agriculture hindi lamang bigas o mais. Kung hindi pati fisheries at saka livestock.

Kaya’t kasama sa ating development plan ang mga fisheries dahil nang bumaba ang ating dalawang bagay: bumababa ang ating nahuhuli ng ating mga mangingisda dahil nasira na yung mga ibang  kung saan pinalalaki ang mga isda. Kaya yung ating binabalikan at aayusin at babantayan. Kasi kung minsan kailangan ‘wag uubusin yung isda para sa next season mayroon pa. Kaya’t yun yung tintingnan natin ngayon. At may mga lugar na hindi dapat gawing palaisdaan dahil ito nga ay para sa breeding. Para dumami ang population ng mga isda. Kaya’t yun ang ating pinaplano.

Bukod pa doon ay yung sa cold storage na ating ginagawa dahil ang spoilage natin ngayon ay hanggang treta porsyento ang nasisira doon sa isdang nahuhuhli natin. Nabubulok. Walang cold storage. Kaya nagtatayo tayo ng cold storage. Doon naman sa mga maliliit a bagsakan ay magbibigay tayo ng gawaan ng yelo para yung yelo na yan, yun yung ilalagay nila sa bangka para pag may nahuli sila, ilalagay lang doon sa yelo at hindi masisira yung isda.

Tapos, ang isusunod natin after that ay yung processing na para doon lang sa isang lugar ang magiging processing. Yun ang ating mga pinaplano para sa fisheries.

Q: Sir, isa rin po ang Zamboanga City sa napipinsala sa mga disaster. ANo po yung tulong na maibibigay po ng national government?

PRESIDENT MARCOS:: Unfortunately, hindi lang Zamboanga kung hindi buong Pilipinas talaga. Dahil nagbago ang weather yun yung laging pinag-uusapan natin na climate change. Ito na yun. Nagbabago yung mga lugar dati na hindi binabagyo o binabaha, ngayon tinatamaan na ng bagyo at saka ng baha. Kaya kailangan lalagyan natin ng mga flood control. Ang flood control ngayon natin, hindi nalang flood control. Yung mga dam at saka yung mga spillway para kunin yung tubig.

Ang bagong gawain natin ngayon ay number 1, gagawa tayo yung kung mayroon tayong ilalagay tayong dam, mayroon din pagkukuhanan ng tubig para sa mga magsasaka at pang irrigation. May ganoon. Yung iba naman para mabawasan ang baha ay maglalagay tayo ng tinatawag na impounding pools. In other words, maghuhukay tayo, doon natin iiipon yung tubig.

Maganda yan dahil unang-una hindi nasasayang yung tubig. May maiiwan doon sa atin. Tapos pagka medyo tuyo, pag hindi na umuulan, gamitin natin yu  gtubig para pang irrigation ulit. Pwede pang lagyan ng isda yun habang hindi pa ginagamit.

Pangalawa, ay yun ang mag-iipon ng tubig para hindi na bababa doon sa mga bayan o sa tabi ng dagat. At hindi natin tinatapon yung tubig. Gagamitin natin at mababawasan natin ang mga baha.

Yun lamang at talagang kailangan nating tingnan ng mabuti kung ano yung magiging weather. Kaya’t kasama di diyan hindi lamang sa flood control . Nagbago na  hindi lang yung paglagay ng dike. Hindi lang yung paglagay ng dam. Kung hindi, pati na ang pagbantay ng mabuti sa panahon. Kaya’t kasama din ng DOST, nandiyan ang PAGASA, lahat lahat sila nagtutulungan para itong mga bagong pag-ulan na ganito ay at least kung alam natin na may parating ay makapaghanda man lang tayo.

Good morning. Maraming salamat.

 

— END —