DAZA: Good evening and magandang gabi sa ating mga nakikinig, mga nanonood, ang aking partner missing in action pero pinalitan siya ngayong gabi ng isang napakakontrobersiyal at marami tayong mahahagilap na kuwento sa Malacañang. [laughs]. Ang aking matalik na kaibigan at ang aking source of—hindi naman tsismis eh, source of information, inspiration. Walang iba kung hindi si Chief Legal Presidential Counsel, Mr. Salvador—Attorney Salvador ‘Sal’ Panelo. Good evening po, Attorney.
SEC. PANELO: Gorgeous.
DAZA: Naks. Thank you for coming tonight kasi sabi ko maraming—
SEC. PANELO: Kasi nag-come na ako dito. Dumating na ako dito.
DAZA: Oo marami kana. [laughs]. Mamaya ma-off the air ako! Anyway, kasi Attorney maraming mga nangyayari during the holy—before Holy Week, Holy Week hanggang ngayon maraming nangyayari sa Malacañang. Isa-isahin natin ang mga pangyayari, ang pinaka-latest ang pagbibitiw ni Secretary Aguirre. Did you see it coming? Kasi maraming bagong—
SEC. PANELO: Mahilig ka talaga sa coming.
DAZA: [laughs]. O sige, nakita ninyo bang padating na?
SEC. PANELO: I think everybody expected that, dahil hindi ba iyon ang usap-usapan ng lahat.
DAZA: Oo.
SEC. PANELO: And ang hinintay lang siguro iyong resignation. I heard the interview of Sec. Vit. Sabi niya noon, ‘If I see any movement sa kaniyang body language na wala ng trust and confidence, magre-resign ako! Magre-resign na ako noon.
DAZA: So anong meeting kaya ho iyon na nakita niya iyong body language ni President Duterte na mukhang nawalan na ng kumpiyansa sa kaniya? Kumbaga what was the straw that broke the camel’s back?
SEC. PANELO: Iyon ang hindi ko alam kasi hindi ko naman siya—hindi naman kami nagkikita except sa Cabinet meeting.
DAZA: Oo-oo.
SEC. PANELO: During sa Cabinet meeting wala namang—there is no sign.
DAZA: Kasi hindi ba—that started, that rumor started noong biglang naabsuwelto si Kerwin Espinosa at saka si Peter Lim at nagbitaw rin ng salita ang Presidente na sabi niya, ‘Bakit nagkaganoon? Ikaw ang ipapalit ko sa kulungan!’ Hindi ba? Right there and then shouldn’t have Secretary Vit Aguirre already taken the clue and he should have tendered his resignation? Why did he have to wait for more than amount? Kasi pumutok iyong balitang iyan, if I’m not mistaken February pa eh. In fact the papers were signed December, hindi ba? So take us through the timeline.
SEC. PANELO: Eh siguro he felt na the President was only joking. Secondly, hindi pa rin naman kasi final iyong resolution na iyon eh. It will have pass through his office, hindi ba? Mayroon pang MR, mayroon pang review. So puwede pang gawaan ng paraan.
DAZA: So Attorney being a lawyer yourself where is—where are the papers now? Pero kasalukuyan, si Kerwin at saka si Peter nakalaya! Are they out on bail? Mayroon bang hold order departure sa kanila? Kasi sabi ni Presidente gusto niya mismo siya ang magre-review rin ng kaso noong dalawa?
SEC. PANELO: Hindi, alam ko, hindi ba PI pa lang naman iyon?
DAZA: What is PI?
SEC. PANELO: Preliminary investigation.
DAZA: Okay.
SEC. PANELO: Eh di wala pang kaso.
DAZA: Oo.
SEC. PANELO: Inaalam pa lang kung may probable cause.
DAZA: Oo.
SEC. PANELO: Sa ngayon parang binuksan ulit eh. So PI pa iyon.
DAZA: So kaya nga, so nakalaya?
SEC. PANELO: Oo eh dati namang nakakalaya eh.
DAZA: Ahh! Hindi ba nakakasa sa kulungan si Kerwin dati?
SEC. PANELO: Siguro sa ibang kaso.
DAZA: Oo pero ngayon talagang malayang-malaya?
SEC. PANELO: Hindi naman kung nakakulong siya on a different case, eh hindi pa rin siya makakalabas. Actually hindi ko alam kung nasaan siya.
DAZA: How about si Peter? Would you know where he is? Kung naka—
SEC. PANELO: Hindi, hindi ko rin alam.
DAZA: Naku. [laughs].
SEC. PANELO: Hindi ko alam eh, hindi ko naman kilala iyon.
DAZA: Hindi mo kilala? O sige, pero iyong pumalit po kay Secretary Aguirre, si Secretary Guerrero ngayon—
SEC. PANELO: Guevarra.
DAZA: Guevarra, sorry. Secretary Guevarra.
SEC. PANELO: Menardo, Menard, Secretary Menard.
DAZA: He wasn’t in the—kumbaga people didn’t expect it to come. Was he ever considered talaga, was in the shortlist or was everybody like you—like were you surprised?
SEC. PANELO: Actually, alam mo kasi si Presidente eh palaging nasa dibdib niya lang iyong kaniyang mga desisyon eh, nobody knows, just comes out. And siguro noon pa nag-aano na siya, he was—according to—hindi ba sabi niya, I was in the hasty. Siguro baka naghahanap na siya, mayroon na siyang mga listahan.
DAZA: Were you not considered? Were you—did you—kasi everybody was hoping na ikaw ang magiging next ano—classmate ka rin. [laughs].
SEC. PANELO: Nino?
DAZA: Ni Duterte. Hindi ba kayo magkaklase or iyong—
SEC. PANELO: Hindi, si Presidente sa San Beda, UP ako eh.
DAZA: Ah okay.
SEC. PANELO: Magkaibigan kami, matagal na.
DAZA: Okay. But you don’t belong to—
SEC. PANELO: Noong lawyer pa ako at saka prosecutor siya—
DAZA: Oo, but you don’t belong to the same fraternity?
SEC. PANELO: No. Nasabi nga ng isang kabigan ko ngayon, 8 years kaming magkaibigan, kasi doon lang naman ako nagpupunta sa Davao.
DAZA: So pero Attorney Sal si Secretary Guerrero—Guevarra. Bakit ba ako Guerrero nang Guerrero? Si Secretary Guevarra, ang posisyon niya ngayon sabi niya—
SEC. PANELO: Deputy Secretary—
DAZA: Oo Deputy—
SEC. PANELO: Executive Secretary, dati.
DAZA: Oo so dati. Pero sabi niya hindi siya immediately lilipat sa DOJ dahil magtu-turnover pa muna siya sa Malacañang. In the meantime what happens doon sa mga—how soon do you think will the transition be?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung iyong resignation niya effective immediately. Depende kasi sa letter of resignation na iyon at depende rin sa sinabi ni Presidente, kung effective immediately or until mag-turnover.
DAZA: But—
SEC. PANELO: But I don’t think may problema doon? Mayroon namang mga OIC doon eh.
DAZA: Okay. But do you expect there will be another revamp? Kasi iyong last na Cabinet meeting, we were expecting na doon na i-a-announce na magre-resign na si Secretary Aguirre. But he made the announcement the day after. And in that announcement he also announce na si Chief PNP—the new PNP Chief will be Albayalde—
SEC. PANELO: Albayalde.
DAZA: And then the new Chief of Staff is going to be Galvez. So, tatlong announcement ang ginawa niya, sunod-sunod! Pero marami ang nagsasabi na mayroon pa, may parating pa at baka mas marami. Do you know kung kailan ulit iyon at kung sino ang mga—without giving the names, but can you give us a clue?
SEC. PANELO: But you know, knowing the President he doesn’t tell anybody about his choices eh. Bigla na lang dumarating eh.
DAZA: You mean to say, talagang unilateral lang iyong decision. He doesn’t consult like you or—
SEC. PANELO: Kung may kinukunsulta man siya, iyong kinukunsulta niya hindi nagsasalita.
DAZA: Oo. Oo.
SEC. PANELO: At hindi rin siya nagkukuwento kung may kinukunsulta siya.
DAZA: But iyon ang sabi ninyo rin. Kaibigan ninyo na si Presidente ng 30 years.
SEC. PANELO: And I know him na ganoon ang style niya.
DAZA: Oo sa body language niya, sa tingin mo ba may mga parating pa?
SEC. PANELO: Ah, wala kapag iyong body language iyong titingnan mo sa kaniya talagang hindi mo mababasa si Presidente.
DAZA: Oo-oo.
SEC. PANELO: Iyon ang kaniyang magandang quality, hindi mo alam.
DAZA: But do you think that he should fire or he shouldn’t—
SEC. PANELO: Well according to—‘di ba according to him, he was not satisfied with the performance of some members of the Cabinet, parang binanggit niya iyan eh. So—
DAZA: Sinong binanggit niya?
SEC. PANELO: Wala naman siyang binanggit, hindi ba? Dahil parating generality naman iyong sinasabi niya! So basing on that and siguro you can expect some changes or—
DAZA: But Attorney sabi rin ni Secretary Aguirre na he said, he can say with the clean conscience that he left or he is leaving the DOJ in a better position. But at the same time the President also said to Secretary Guevarra na parang I want you to restore—
SEC. PANELO: Restore—
DAZA: Restore the—
SEC. PANELO: Dignity—
DAZA: Dignity and the confidence, hindi ba of the Department.
SEC. PANELO: Parang sinabi niya na walang—
DAZA: ‘Di ba na parang nawalan ng kumpiyansa.
SEC. PANELO: Baka naman ibig niyang sabihin—kasi naging ano eh, ang perception ay hindi gumanda doon sa several—what you may call lapses on judgment. Kaya medyo na ano iyong tao. Kumbaga na-disappoint. Eh ayaw ni Presidente iyong ganoon eh, gusto niya iyong tao hahanga, nagtitiwala sa iyo.
DAZA: Oo. Pero Attorney Panelo iyong DOJ kasi maraming mga opisina ang nasa ilalim, hindi ba?
SEC. PANELO: Immigration.
DAZA: Immigration. Anong mangyayari ngayon sa kaso ni Commissioner Mike—anong pangalan noon? Iyong nakasuhan for the 50 million, iyong plunder?
SEC. PANELO: Iyong dalawang immigration?
DAZA: Oo.
SEC. PANELO: Eh ganoon pa rin, hindi naman mababago iyon eh. Ang pagkakaalam ko doon nakademanda iyon sa Ombudsman. So ganoon, wala namang—
DAZA: Nakakulong ba sila?
SEC. PANELO: Hindi kasi PI pa lang naman eh, preliminary investigation.
DAZA: Pag ganoon bang PI talagang wala?
SEC. PANELO: Because in the PI, precisely, there’s a process to determine whether there is probable cause. Meaning to say kung puwede mo ng kasuhang pormal sa hukuman.
DAZA: Pero mag-iisang taon na ho iyon?
SEC. PANELO: Eh hindi lang naman siya ang may kaso. Pat, there are thousands of cases that the prosecutors will have to determine the existence of the probable cause.
DAZA: Oo-oo. But do you think with the new Secretary of Justice, we will be able to fast-track all the backlogs of the DOJ? Kasi parang isa sa mga reklamo doon is talagang the shortage of manpower and equipment kasi parang medyo not—it’s not fully computerized pa tapos talagang some prosecutors may handle more than 500 cases. So parang physically impossible talaga!
SEC. PANELO: And we should address that issue kung ganoon. Dahil kahit sino ipalit mo eh di iyon ang palaging nagiging problema!
DAZA: Oo, but you, would you know kung talagang kailangan na talaga ng complete reform/revamp na kailangan talagang—kasi may nabasa ako kanina na sabi ni Senator Ralph Recto, ang laki ng binigay na budget sa DOJ for hiring of new personnel. And yet iyon na nga, we have to do something because there’s really a backlog and there’s a shortage of personnel and we have to computerized, we have to say…
SEC. PANELO: Dapat talagang ma-computerize kasi malaking bagay iyang computerization, para isang pindot mo lang lalabas na kaagad. At saka baka kulang ng mga prosecutors to handle preliminary investigations!
DAZA: Okay sige, pag-usapan naman natin nga iyong mga ibang kaso. Iwanan na natin si Secretary Aguirre. So—is it true before I forget that he will be moved to SSS? He will be the next President replacing Dean Amado?
SEC. PANELO: I have no personal knowledge on that.
DAZA: But do you think the President is going to reassign him to another post? Do you think it’s—the style also of the President, after he accepted resignation of Secretary Aguirre’s DOJ Secretary. Do you think he will move?
SEC. PANELO: Parang wala akong—iyong mga na-appoint niya parang wala pa akong na—iyong natanggal, either na-reject ng CA o ano. Parang wala pa siyang tina-transfer eh! But anything is possible and probable.
DAZA: Do you know of any—if he is considering anybody for the SSS post?
SEC. PANELO: Actually hindi ko alam.
DAZA: Ang dami po. [laughs].
SEC. PANELO: Kasi kapag mga ganoon hindi mo talaga mababago si Presidente eh.
DAZA: Kasi ang daming mga posisyon pa na top positions na hindi pa napi-fill up, like the SSS eh. Tapos iyong sa Philhealth wala pa talaga, parang OIC pa lang yata. Tapos sino pa bang mga—anong puwedeng mangyari ho doon? You don’t have any idea?
SEC. PANELO: Eh kasi si Presidente kasi ang hinahanap niya iyong talagang men and women of integrity. Medyo mahirap mahanap, kasi—
DAZA: Biruin mo 100 million Filipino, mahirap maghanap. [laughs].
SEC. PANELO: Eh mahirap in the sense na hindi mo alam kung sino, hindi ba?
DAZA: Okay, oo.
SEC. PANELO: Somebody has to tell you about this particular person, may credentials. Eh marami rin kasi ayaw pumasok sa gobyerno, hindi ba?
DAZA: Natatakot na sa Presidente?
SEC. PANELO: Hindi maliit ang kita. Parang thank list job tapos kakasuhan ka pa, hindi ba?
DAZA: Are you happy where you are, Secretary Panelo?
SEC. PANELO: I’m always happy. I’m a happy person.
DAZA: [laughs]. No regret that you accepted the position as Chief Presidential Legal Counsel.
SEC. PANELO: Oh no, definitely not! Whenever President wants me to stay, I’ll be there. Because remember that I was one of those who created the situation for him to run. It took me 10 years to convince this fellow to run. Galit na galit na nga sa akin iyon, hindi ba, kinukuwento ko sa inyo? Pero kumbaga pagkatapos mong iano—
DAZA: Ipain—
SEC. PANELO: Oo ipain tapos iiwanan mo. Kung saan siya ano, doon ako.
DAZA: Doon ka?
SEC. PANELO: Basta tutulungan natin.
DAZA: O sige, okay. Let’s move to another subject matter naman. Iyong—pag-usapan natin iyong peace talks kasi iyan, eh siguro mayroon kang kinalaman doon, Secretary kasi he has been flip-flopping, the President. He wanted to pursue then he cancelled it, pursue, cancel. Now we’re back again, supposedly in the negotiating table but with a lot of conditions. I think, there were three conditions, hindi ba na talagang ceasefire and then want him to come here, dito pag-uusapan pero sa motel lang naman niya ibi-billet, at tapos to stop hindi ba, iyong mga revolutionary tax oo. So do you think this is, hopefully do you think this is for good or there still a chance na—where is the ball now?
SEC. PANELO: I think the ball is on the side of them, dahil binigay na ni Presidente iyong mga conditions niya. And I think it’s about time na they should comply.
DAZA: But do you think they will come here? Kasi he already invited Joma, hindi ba to come to Manila. He promised na he is not going to be incarcerated na basta dito ang peace talks.
SEC. PANELO: Well if they are sincere of the peace talks, they should.
DAZA: Oo but do you think Joma will come home?
SEC. PANELO: I haven’t heard him say anything against the condition, mayroon ba? Parang wala pa siyang sinasabi. And I’m waiting for his response.
DAZA: But do you really believe that Joma is still has clout na mayroon pa talagang say? I mean he’s been away for more than 20 years. Are his hands really that long na he can—it extend all the way to the hills, to the mountains of NPA?
SEC. PANELO: There are talks na wala na siyang clout. But mayroon namang nagsasabi na mayroon pa. But regardless of whether may clout siya or not, the fact is, he is the face of the left. So we have no choice but to talk to him. At saka mukhang pinapakinggan din naman siya sa baba.
DAZA: Pero kayo Secretary, sa tingin ninyo ba gaano—I mean gaano kaimportante na magkasundo na iyong NPA at saka ang gobyerno? Kasi pinasa na rin ni President Duterte na sabi niya, gusto niya i-prioritize iyong passage of the BBL. So that one is more for our Muslim brothers, hindi ba? Itong NPA they are not Muslim. Kumbaga they will not really benefit dito sa BBL. Ano iyong difference kasi pareho silang parang rebel eh ‘no? Isa iyon sa mga kondisyon rin na sinabi ni Joma na dapat tigilan na natin iyong pagtawag sa kanila na sila ay—
SEC. PANELO: Terorista.
DAZA: Mga terorista. Anong diperensiya between—sabihin natin iyong mga naging Maute laban dito sa mga NPA?
SEC. PANELO: For one, iyong mga rebelde ng MNLF at saka MILF, hindi kumukuha, nag-extort ng ng revolutionary tax, hindi ba? Wala pa tayong naririnig noon! Pero sa NPA naririnig natin sinusunod, hindi ba? Ina-ambush nila!
DAZA: Pero iyong Abu Sayyaf where does that fall? Is that with the—
SEC. PANELO: Hindi mga terorista naman iyon eh.
DAZA: Mga terorista rin. Pero are they more with the NPA? Are they—
SEC. PANELO: No. Abu Sayyaf mga terrorist group ng Mindanao.
DAZA: Okay, oo. So gaano ka-importante?
SEC. PANELO: Importante, kasi unang una 50 years na sila nagre-rebel tapos marami nang napatay from both sides. Parang bakit tayo nagpapatayan kapwa Pilipino. Pero kung titingnan mo naman ang pinaglalaban nila gusto nilang i-uplift ang masa. So bakit hindi tayo magkakasundo doon?
DAZA: Why can’t we treat them—Bakit hindi sila parang i-treat na parang criminal? Kasi extortion, revolutionary tax, ‘di ba? Eh iyong kanilang ideology parang marami silang naloloko… napapapunta dahil sa kahirapan eh ‘di ba?
SEC. PANELO: Kaya nga ‘di ba pinapa-classify silang terrorist because of that. Pending sa Court ngayon iyon.
DAZA: What do you think, are they supposed to be labeled ‘terrorist?’ Should we continue calling them terrorist, revolutionary?
SEC. PANELO: Well for as long as the Court has not yet declare them were such, we cannot.
DAZA: Were you the one who also proposed that may be call ‘terrorist?’
SEC. PANELO: No, no. That’s not my turf.
DAZA: Sino?
SEC. PANELO: That’s the turf of Secretary Bebot, Secretary Dureza. Wala ako doon.
DAZA: Eh kasi ikaw ang Chief Legal Counsel eh, iyong mga terminology eh. So you mean to say iyong pagla-label sa kanila as terrorist, galing iyon sa peace panel?
SEC. PANELO: Hindi. What’s I’m saying is, hindi ako kasama doon. Ang alam ko ang nag-file noon—sino ba nag-file noon? Ang DOJ yata ang nag-file noon. So nasa Department of Justice iyon, sila nag-file noon.
DAZA: Okay. So may time table ba na binigay ang Presidente kung kailan niya gustong matapos ang peace talks na talagang parang ma—kasi iyong BBL pinapa-certify niya as urgent eh. How about this one, the peace talks?
SEC. PANELO: Sa tingin ko what is important is—sinabihan niya ako, ito ako ang willing, o nasa sa inyo ang bola, ‘di ba?
DAZA: Pero mayroon rin siyang ‘pero’ may ganoon siya? May tatlong kayong kondisyon?
SEC. PANELO: Exactly.
DAZA: So sa tingin mo ba kakagatin iyon? Pero bago mo sagutin iyan, tayo po ay magbe-break muna sa kaunting mga commercial. Huwag po kayong aalis, babalik po ang ‘Teka Muna.’
(COMMERCIAL BREAK)
DAZA: Okay and we’re back, kasama pa rin natin po si Chief Legal Presidential Counsel Attorney Sal Panelo.
So Attorney Sal pinag-uusapan natin iyong NPA. Sa tingin ninyo, ano po iyong binigay na time table po ng Presidente? Kung cinertify niyang urgent iyong sa BBL at mukhang ipapasa na nila yata bago sila mag recess yata eh, iyong BBL. Iyong sa NPA po? Iyong peace talks sa NPA. Ano sa tingin ninyo ang—
SEC. PANELO: Eh sa tingin ko nasa NPA iyon, kasi kung hindi sila kumagat doon, eh ‘di tuloy ang labanan ‘di ba? Alam mo ang tingin ko kakagat sila kasi ang dami ngang nagsu-surrender, ang daming sumu-surrender.
DAZA: Gaano na karami?
SEC. PANELO: Marami, according to the AFP hundreds eh. So baka maubos na sila, oo.
DAZA: Maubos na sila, oo. But do you think that—
SEC. PANELO: Sabagay, maganda naman iyon matatapos na nila—
DAZA: Pero kasi sila rin mismo ‘di ba noong sinabi ni Presidente noong una na hinto na ayaw na niya. ‘Di ba sila Joma Sison mismo nagsabi na, ‘Hindi dapat i-continue natin ang pag-uusap. So ngayon—
SEC. PANELO: Eh ang problema niyan, continue ang pag-uusap eh ina-ambush nila iyong—
DAZA: Ina-ambush, o kaya nga eh. So pero ngayon nga na again the President already has said na, ‘Okay, i-ano natin.’ Sa tingin mo before the year ends, matatapos na kaya iyon?
SEC. PANELO: Eh kasi if I were the Left, I would have advised the leadership na sige kagatin na natin iyan, pagkakataon na. At saka iisa lang naman ang pinupuntirya ni Presidente at saka sila eh ‘di ba ang i-uplift ang masang Pilipino. Eh same eh.
DAZA: In connection with the BBL and with the NPA… CPP-NPA, iyong ICC dahil diyan—
SEC. PANELO: ICC, International Criminal Court. Hindi International Convention Center—
DAZA: Hindi PICC. [laughs]
SEC. PANELO: So kung mayroong ICC – International Criminal Court.
DAZA: Okay. Hindi itong ICC – iyong International Criminal Court. Kasi few months ago nagsabi rin ang Presidente na magwi-withdraw na tayo. In fact pinadala na ni Secretary Alan Peter Cayetano iyong note verbale that we are withdrawing. But it is only pala effective one year after.
SEC. PANELO: Iyon ang sabi—
DAZA: Iyon ang sabi. Okay. As Chief Legal Counsel, kayo ba—honestly, ikaw ba ang nagsulsul sa Presidente na mag-withdraw na tayo sa Rome Statute na iyan?
SEC. PANELO: Hindi alam mo iyan ever since sinasabi na ni Presidente noong nag-meeting kami, sabi niya, ‘walang jurisdiction sa akin iyang mga iyan kasi walang publication.’ Ganito kasi iyan, Pat ‘no. Under the Constitution, sinasabi doon na you cannot deprive a person of life, liberty or property without due process of law. Due process means it hears before it condemns. And within that concept, kinakailangan mayroong batas na nagsasabi na—kasi iyong deprivation of liberty iyong ano iyan, iyong pagdemanda sa iyo at ikukulong ka—
DAZA: Oo-oo.
SEC. PANELO: Kailangan may batas muna na nagsasabing, ‘Huwag mong gawin iyan kung hindi may penalty ka diyan. Kumbaga it’s a penal statute. Iyong nakataya doon iyong liberty mo. So sinasabi under the New Civil Code, kailangan lahat ng batas eh bago maging effective i-publish mo sa either Official Gazette or newspaper a general circulation. The purpose is of course para malaman mo—
DAZA: Ng tao?
SEC. PANELO: Kung ano iyong—
DAZA: Mga ilalabag mo if ever?
SEC. PANELO: Correct and not only that, under the Constitution it says, any accused charged with a case must be informed of the nature of the offense against him. Eh paano mo malalaman iyon kung walang nagsabi. So sa pananaw ni Presidente since it was never published, wala kayong jurisdiction sa akin.
DAZA: Iyon ang sa tingin niya?
SEC. PANELO: Iyon ang pulso ni Presidente ever since. Now, ako naman ang teyorya ko, since walang jurisdiction bakit ka—bakit magiging miyembro pa tayo diyan wala namang jurisdiction from the very start, ‘di ba? So in fact sa aking pananaw bilang abogado iyong sinasabing 30 days hindi effective iyon. You know why?
DAZA: 30 days or 1 year?
SEC. PANELO: Oo 1 year rather. Eh kasi—eh hindi nga enforceable eh. We are not even a member.
DAZA: But you were saying Attorney parang it is just a technicality because it was not published in the Gazette.
SEC. PANELO: Aba ay importante iyon.
DAZA: Yeah, but if I’m not mistaken. ‘Di ba si Secretary Roque pa nga nag-push tapos pinasa pa iyan sa Senado ‘di ba? Para talagang mapasali tayo diyan sa ICC na iyan.
SEC. PANELO: Even then but the treaty as explained by the President is in the nature of the penal statute. Pinag-uusapan doon creation ng Court, creation ng special prosecutor, anong definition ng mga crimes doon kung genocide or iyong crimes against humanity. Sa madali’t sabi talagang it’s a criminal law, it’s a penal statute kaya importante iyong publication para malaman mo exactly kung ano ang kasalanan mo.
DAZA: So you mean to say all this time that we thought we were part of the ICC, technically hindi pala? Only because it was not published in the Gazette.
SEC. PANELO: And even—
DAZA: And that the ICC recognize that, that because we did not—it was not published with our Gazette it makes it null and void, our inclusion in the ICC?
SEC. PANELO: Sa aking pananaw, yes. Unang-una, tingnan mo ha, di hindi nga enforceable. And even assuming na na-publish, my theory is that hindi pa rin pupuwede tayo doon. You know why? I went over the Rome Statute, alam mo natuklasan ko doon, one, it does not recognize the immunity provision of the Constitution. Meron tayong immunity eh, iyong Presidente you cannot sue during his tenure, eh nasa tenure siya ngayon.
The Statute of Rome does not recognize that. That’s a violation already of the Constitution—
DAZA: You mean to say, regardless sa kanila—
SEC. PANELO: Oo nakalagay, specific provision ang nakalagay doon, wala silang pakialam sa immunity provision. Number two, pag iyong isang akusado ay na-absuwelto, puwedeng mag-appeal iyong special prosecutor, that’s against the double jeopardy clause of the Constitution. You cannot be sued twice over. Oh di talagang labag sa batas iyong Rome Statute.
So even assuming na pumirma tayo doon at na-publish, hindi pa rin ito puwede uubra.
DAZA: Eh so bakit tayo sumali in the first place. I mean, what is more of the prestige of joining at that time, hindsight is always 20/20. Human rights lawyer si Atty. Roque, he pushed for our… for the inclusion of the Philippines in the ICC.
SEC. PANELO: Sa panahon yata ni Presidente Aquino iyon, di ba.
DAZA: Oo. Are you saying nga, that is was more prestigious, it’s not really, because I’m sure lawyers were the one to ask you that.
SEC. PANELO: We have to ask Secretary Harry Roque.
DAZA: Pag Cabinet meeting, hindi ba kayo nagtatabi at hindi ba niya sinasabi, “Atty. Sal naman, bakit naman tayo magwi-withdraw eh ilang taon kong pinush iyan.”
SEC. PANELO: Wala siyang sinabing ganoon. Saka isa pa, alam mo, alam mo ang reason kung bakit crineate iyang International Court. During the World War II, di ba iyong mga genocide, war against humanity.
DAZA: Hitler, oo iyon ang mga genocide.
SEC. PANELO: Gusto nilang magkaroon ng entity to prosecute abusive leaders. Eh, hindi natin kailangan iyan. Why? Ano ba ang kasaysayan ng ating bansa? Our history shows that—no, people in this country rise in revolt against any perceived abusive leader. We ousted one. We jailed 2 in fact. Kasi iyan ang perception, iyon bang kumbaga, iyong isa kahit na hindi ginamit iyong mga judicial processes natin, nagsalita ang taumbayan, eh iyon ang boses eh.
Iyon namang dalawa, umandar iyong ating constitutional processes. Oh, bakit kailangan natin ng ICC? Sinasabi nila ‘naku delikado iyan, magwi-withdraw, masamang consequence iyan.’ Eh tinatanong ko sila, anong masamang konsikwensiya? Sabi niya mawawalan na tayo ng instrument dito sa mga abusive leaders. Iyon ang linya ni Vice Presidente eh. Ang sabi ko eh, nakalimutan mo na iyong history natin, hindi natin kailangang iyan.
Pangalawa, will withdrawal from the ICC results in the abolition of trade investments? No. Will it impede the influx of tourism? No, wala eh. Saka alam mo ba na 28 point something percent ng fund ng ICC galing sa atin?
DAZA: I’m going to ask that nga eh. Magkano ang binabayad natin? I’m sure my monthly membership fee. Magkano, would you know how much?
SEC. PANELO: Basta ang alam ko, 28 point something percent ng total nila galing sa atin.
DAZA: Ang laki.
SEC. PANELO: Exactly.
DAZA: Ba’t ang laki, bakit galing sa Philippines.
SEC. PANELO: Ewan ko, basta ang alam ko, iyon ang sinabi sa research ng ano—So ibig sabihin, kaya pala kako, ayaw tayong—
DAZA: Ayaw tayong patanggal.
SEC. PANELO: Matatanggalan sila ng 28 percent.
DAZA: But has the ICC already—have they verbalized, have they received our note verbale and no choice na iyon, kumbaga, the wheels of justice is already moving so effective one year from the date of the receipt we’re automatically out?
SEC. PANELO: Eh iyong sa akin effective immediately iyon eh. Kasi unang-una hindi nga enforceable sa atin iyon eh, bakit tayo magiging bound by the provisions. Pangalawa, they even violating their own provision, you know why? Sinasabi nila “ah it will not affect the proceedings against the President, because we started it.” Excuse me, look at your provisions. Ang sabi doon, pag nag-start na iyong preliminary investigation or proceedings, in reference doon sa PI ha eh hindi maapektuhan ang pag file prior to the withdrawal, eh wala namang PI eh, meron lang preliminary examination.
DAZA: Not investigation.
SEC. PANELO: Not investigation, kasi the preliminary, the PE – preliminary examination is a process to determine whether papasok ba sila sa PI o hindi. So ano ang sinasabi nila na hindi maapektuhan.
DAZA: So what was their preliminary examination… what did they find?
SEC. PANELO: Hindi ganito iyon eh. Kasi—
DAZA: Baka iyong sinasabi nila, iyan iyong mga na-tokhang, hindi ba iyong mga naging biktima, thousands, supposedly 6,000.
SEC. PANELO: Di ganito kasi ang process niyan. They don’t even call a complaint. You write them a letter and inform them of ganito ang nangyari sa aming bansa, di ba. Tapos on the basis of that, either outright nilang hindi papansinin iyon or they will conduct a preliminary examinations based on the documents you presented kung puwede silang pumasok. But you know what they did? Aba eh ina-announce na nila na may preliminary examination, as if ito na si Presidente Duterte sigurado nang papasok. Iyon na nga ang nire-react ko from the very start. Sabi ko why are you publishing that publicly.
DAZA: Iyon ba iyong isinumbong ni Senator Trillanes, when he went there to the ICC to file a complaint?
SEC. PANELO: Pangalawa, nagdagdag siya, parang supplemental iyong kaniya, merong nauna sa kanya.
DAZA: Iyong kay Gabaldon?
SEC. PANELO: Whoever, kung sino man iyong nag-file doon. So, iyon ang naging problema, parang trial by publicity ka na kaagad. Parang pinamukha mo sa buong daigdig na itong presidenteng ito is a reckless, violent violator of human rights, killer pa. Kasi iyon ang sabi niya na—
DAZA: At saka genocide.
SEC. PANELO: Iyon na nga, alam mo, isa pa iyon. Iyong mga grounds hindi papasok, bakit kamo, hindi naman genocide, hindi naman sabihin mo, crime against humanity, sabihin mo murder. Paanong magiging murder eh, in the process police arrest, so legitimate eh. Self-defense eh.
DAZA: So what happen po sa UN?. Kasi rin, iyong mga UN Rapporteurs, galit na galit din di Presidente sa kanila. And he has also threatened to withdraw our membership from the UN. Do you think he will do that?
SEC. PANELO: Eh kasi nga hindi ba, parang there appears to be a conspiracy of sorts among UN officials, iyong kung sinu-sino diyan, parang nagkakaisa sila eh.
DAZA: He feels that they are ganging up on him.
SEC. PANELO: Hindi lang iyon, obviously, they have prejudged him. Unang-una wala nga kayong jurisdiction sa akin pine-prejudged n’yo pa ako, hindi ba.
DAZA: Oo. Why do you think that is the case? Why do you think the perception is parang, he is being ganged up on at saka sobrang ang laki ng atraso niya against humanity na ang ICC at saka ang UN, talagang breathing down his neck?
SEC. PANELO: Eh kasi—ito naman kasing mga nandiyan, naniniwala kung ano ang pine-feed sa kanila ng opposition, nababasa nila sa diyaryo, hindi naman sila nagi-imbestiga, iyon na nga ang problema palagi.
DAZA: No, because they also want to come here, but the President—
SEC. PANELO: No.
DAZA: Di ba the UN said, but they don’t—
SEC. PANELO: Hindi ba pumayag naman si Presidente.
DAZA: Pero may mga kondisyon.
SEC. PANELO: Hindi, isa lang ang kondisyon niya. Ang kondisyon ko lang, tatanungin ko kayo, how did you come out with that finding. I’m entitled also. So di ba, ano bang masama doon.
DAZA: Sabagay, so hindi na, hindi na pupunta dito ang UN.
SEC. PANELO: Ewan ko sa kanila.
DAZA: But do you think, Atty, that we are going to withdraw also from the UN? Do you think that’s a wise move or it’s just like you said, the President just fond of hyperbole, this is just hyperbole?
SEC. PANELO: Actually, I don’t know, meron na bang nagawa iyong UN sa mga problema ng daigdig?
DAZA: At saka one of the founders di ba ay isang Pilipino, si Carlos P. Romulo.
SEC. PANELO: Eh, parang kung titingnan mo rin kasi, parang walang nagagawa rin ang UN. Kasi hindi ba sa UN may veto power iyong mga world powers, kapag kinontra wala na silang magawa, hindi ba, parang nagiging useless din.
DAZA: So, as Legal Counsel, do you also suggest that we withdraw from UN?
SEC. PANELO: Hindi naman UN yata ang may atraso, kung hindi iyong mga Rapporteurs. Hindi naman as the body, kung hindi iyong mga tao mismo.
DAZA: Ang Rapporteur ba, ano ba ang kanyang job description? Sila ba ay mga imbestigador, iyan ba ang kanilang trabaho sa UN. But I also read that the Rapporteurs, they are not even… kumbaga consultants lang sila. They are not even full time employees of the United Nations.
SEC. PANELO: Kaya nga.
DAZA: So what is their task?
SEC. PANELO: Mga tsismoso nga eh. Naninira lang.
DAZA: Hindi. Pero ano talaga ang gawain ng Rapporteur?
SEC. PANELO: Rapporteurs, di ibig sabihin nagre-report kung ano ang kondisyon sa bansa. Pero bago ka naman magbigay ng mga pahayag, kailangan alam mo kung totoo iyong sinasabi mo o hindi. Kung papakinggan mo lang iyong kalaban ng administrasyon—
DAZA: Pero hindi ba dapat na both sides.
SEC. PANELO: Exactly, eh hindi naman nila tinatanong ang gobyerno eh. Like iyong tingnan mo iyong sa sinasabi nilang extrajudicial killings. Biro mo naniwala silang 14,000. Naumpisahan lang iyan noong ano eh—ng Rappler iyong 10,000. Pero sabi naman ng Rappler, hindi nakuha lang namin sa iba, eh iyan ang problema din sa inyo eh. Hanggang lumaki nang lumaki so everybody thinks na totoo from the outside world’s perception.
DAZA: So what is the truth? Is it 6,000? 7,000?
SEC. PANELO: Well according to the police 4,000 lang iyong ano related.
DAZA: Ang namatay sa drugs.
SEC. PANELO: Related doon sa police operation na naglaban.
DAZA: So ano, so ano ito—ah may report, okay. So teka magpapa-report muna kami kay Trisha Mostoles ng ABS-CBN Bataan tungkol sa freedom run sa Bataan na dinagsa. Okay come in Trisha.
(REPORTING)
DAZA: Okay, kasama pa rin natin si Attorney Sal Panelo, pinag-uusapan natin ICC at United Nations. Puwede na natin sigurong i-park iyong ICC at UN. So ang ICC, the official stand is we have withdrawn so to you technically we’re out. Sa UN we are still part of the United Nation. [laughs]
SEC. PANELO: Of ICC…bibitawan—
DAZA: One year oo. Pero sa UN kasama pa rin tayo. Wala pa tayong sina-submit na withdrawal? Okay. Sana hindi [laughs]. ‘Di ba mahirap naman yata iyan. Okay, my next question, Secretary Attorney Sal Panelo, iyong Boracay po, officially na they have already said that beginning starting April 26, 6 months ang closure ng Boracay.
SEC. PANELO: Aba’y dapat lang.
DAZA: Aba’y dapat lang. Ano ang mga preparation? Sa tingin ninyo ba iyong mga establishments na maapektuhan, maraming maaapektuhan, hindi ba sila magpa-file ng motion for reconsideration—ay motion for MR. ‘Di ba MR ba ang tawag doon? What are you doing—
SEC. PANELO: Mahihirapan sila noon. Kasi unang una iyong lugar na iyon, it’s a forest land hindi alienable iyon, hindi mo puwedeng ibenta. So lahat ng mga titulo doon puro null and void iyon. Walang magmamay-ari noon eh.
DAZA: ‘Di ba iyong mga Tirol, at dalawang pamilya lang naman daw talaga ang mga may ari noon eh. All the others mga certificate lang yata eh.
SEC. PANELO: Depende kung iyong pag-aari nila pumasok doon sa agricultural land. Eh paano kung kasama doon sa forest land eh ‘di wala rin iyon. Kasi mayroong desisyon ang Korte Suprema doon eh na parang lahat eh—
DAZA: Forest land, forest or wet land.
SEC. PANELO: Kasi wala pang proclamation na agricultural land itong specific location ito ganiyan. Kaya talagang may problema.
DAZA: But ano, Secretary, what will you do about that casino? Because iyon na nga, the President met with the supposedly—‘di ba he welcome din a few months ago sa Malacañang. Dinala yata ni Andrea Domingo and ngayon wala pa iyong threat noon eh na isasara. But now with the order already to close… to shutdown Boracay 6 months, even Secretary Cimatu said that he is against building a casino there. What are your thoughts?
SEC. PANELO: Hindi pa naman naumpisahan iyan.
DAZA: Pero may permit na yata because may—
SEC. PANELO: Eh kahit pang may permit eh kung hindi pa naman naumpisahan so anong damage, wala?
DAZA: So walang damage, so okay lang ba iyon magre-rely tayo sa posisyon natin?
SEC. PANELO: Hindi naman, ano pa lang naman iyan eh, memorandum of agreement na mag tatayo. I think wala pang kontrata.
DAZA: Hindi pero mayroon ng na-identify na location eh na kung saan itatayo supposedly. Kaya di ba sabi ni Secretary Cimatu or was it the Undersecretary of the DILG na he would recommend na hindi doon, sa ibang lugar. Kasi parang mayroon na yatang mga papeles na naaprubahan na.
SEC. PANELO: Eh iyan ngayon may the assumption na agricultural land iyong lugar na iyon. Kasi as far as I know talagang forest land iyon.
DAZA: Oo.
SEC. PANELO: Kaya may problema sila, kung pumasok ka doon na hindi mo alam iyon, sorry ka na lang.
DAZA: Oo pero bakit in-accept ng PAGCOR?
SEC. PANELO: Eh ang problema nga hindi ba parang only a few knew about na iyong lahat ng mga titulo doon null and void. Although matagal na—ako matagal ko nang alam iyan kasi nagbabasa kami ng mga kaso. So marami doon ang kumukuha, bumibili na hindi nila alam na hindi naman pala totoo iyong mga titulo nila.
DAZA: So paano aayusin ang Boracay, Secretary? Do you know anong—like anong mangyayari doon sa mga manggagawa na madi-displace about 30,000 of them. What kind of jobs are you going to give them? What will happen to those establishments that have been compliant since day 1? What is the urban planning for Boracay? What is the future of Boracay?
SEC. PANELO: First, alam mo iyong mga trabahador na sinasabi. Hindi naman—siguro 80 percent o 90 percent hindi naman taga roon, puro dayo iyon eh.
DAZA: Yes, oo.
SEC. PANELO: Nang malaman nilang maganda ang lokasyon para sa trabaho, nagpunta sila roon. So I suppose sa dami ng mga ibang lugar natin, puwede silang lumipat.
DAZA: Lumipat, okay.
SEC. PANELO: Pangalawa, iyon namang talagang madi-dislocate na taga roon, the President said during the Cabinet meeting that he will declare a state of calamity. So mayroong nakalaang pondo sa kanila para hindi magutom. Iyon namang mga according to DILG at saka sino pa ba? Iyong DENR. Idi-dismantle nila in fact nag-umpisa na silang mag-dismantle.
DAZA: So talagang magtitibag talaga sila?
SEC. PANELO: Ah, oo.
DAZA: Magde-demolish?
SEC. PANELO: Eh kasi otherwise walang mangyayari sa iyo. You have to show political will. Suwerte tayo na mayroon tayong Presidenteng ganoon. And itong ilang taon na, alam mo Pat, excuse me, kumita na po kayo 30 years na kayong mahigit. Siguro pagbigyan ninyo na, anyway kapag natapos iyan, babalik naman lahat iyan eh, lalo pa kapag nalaman mong okay-okay na pala ang Boracay. ‘Di ba?
DAZA: Kasi maraming nagsasabi na wala talaga sila pang nakikita na concrete plan kung paano gagawin ng gobyerno.
SEC. PANELO: Pinakita sa amin eh.
DAZA: O sige ikuwento ninyo, paano?
SEC. PANELO: Mayroon na silang mga ano eh, mayroon na sila kung saan sila mag-uumpisa, paano nila aayusin iyong drainage system. Halos lahat pinakita sa akin.
DAZA: Are you saying Secretary na for 6 months, Boracay will be like a ghost town? Like all those restaurants will not be open for customers? Talagang closed ang sign iyong mga fast-food… kasi may KFC doon, may Jollibee, McDonald, lahat iyon sarado? Ganoon ba iyong mangyayari?
SEC. PANELO: Ganoon talaga mangyayari doon, otherwise kung hindi mo sasaraduhan iyon, paano ka mag-uumpisa ng mga trabaho mo doon ‘di ba? Magugulo iyong… it’s really a mess—
DAZA: Paano iyong mga nakatira talaga doon? Kumbaga iyong indigenous doon sa island?
SEC. PANELO: Ah bibigyan sila ng mga ID, sila lang ang puwedeng pumasok doon. Iyong mga talagang nakatira doon.
DAZA: And then paano sila kukuha ng pagkain? Mayroon pa—iyong palengke, is it going to be operating, eh kasi even the mall iyon pala is on wet land.
SEC. PANELO: Wet land.
DAZA: Oo so paano iyon iyong palengke saan sila kukuha ng suplay kung wala ng—
SEC. PANELO: Eh dati namang wala—eh unang una, dati namang wala iyon ‘di ba?
DAZA: Pero sabi mo Secretary nga 30 years na so siyempre nasanay na iyong mga taga doon ng magandang buhay—
SEC. PANELO: No, what I’m saying is kahit noong wala pa iyon mayroon na silang market doon na talagang puwedeng—hindi naman mawawala iyong palengkeng iyon eh. So—at kung mawala man, napakagaling ng Pilipino, sigurado may palengke kaagad doon.
DAZA: Paano iyong kuryente? Ang tubig? Iyong mga ganoon,
SEC. PANELO: Alam mo ba ganito ang tingin ko doon, iyong mga reklamo nila, ‘Naku, papaano na iyan?’ Baka nakakalimutan natin, we have been through tragedies – Ondoy, Marawi, typhoons, lahat iyan eh. ‘Di ba? Tacloban, buong Tacloban nasira. Pero where are we now? ‘Di ba nakakaraos naman tayo eh. Kaya kaunting tiis lang, kailangan eh. It has—the island has to heal itself, kailangan natin.
DAZA: Okay. So Boracay now—kumbaga na-sample-an ang Boracay. Ngayon maraming nagrereklamo about the other—
SEC. PANELO: Eh ‘di mabuti para habang hindi pa lumalala.
DAZA: So do you think after Boracay, mayroon pang ibang titingnan na mga isla na isha-shutdown rin para maayos lahat ng mga abuses na ginawa doon sa isla?
SEC. PANELO: I’m sure, definitely.
DAZA: Wala ka pang alam kung sino ang next?
SEC. PANELO: Hindi, inaayos nila—sinasabi nila during the Cabinet meeting na iyong iba pupuntahan na rin nila and may mga nagrereklamo na rin.
DAZA: Yes, marami ng nagrereklamo.
SEC. PANELO: Habang hindi pa malala kasi ang Boracay talagang kumbaga 90 percent na… almost 100 percent na kailangan talagang palitan lahat.
DAZA: So, aside from Boracay, okay – sige park na natin, we have at last 20 minutes. Ang mga hot issues, iyong dengvaxia vaccine. Iyan na, nagsampa na ng kaso, nagdemanda.
SEC. PANELO: Nagsampa na, di hayaan na natin ang hukuman.
DAZA: Oo, oo. Sa tingin mo ba may mananagot doon, Secretary?
SEC. PANELO: Ang sabi nila, diumano. Ako kasi, pag abogado ka hindi ka naman makapagsabi ng ano eh, you have to look at the evidence. Well, I do not know.
DAZA: But what do you think about PAO? How they – iyong kay Atty. Acosta – where that correct in a—kasi parang naging masyadong ano eh, hyper iyong…
SEC. PANELO: Alin? Yung boses o iyong—
DAZA: Hindi. Iyong everything, do you think it was tama lang and then do you think—I mean, parang ang gulo eh. With Sanofi Pasteur, do you think we get anywhere with that demanda?
SEC. PANELO: Well, as you said, kung mayroon nang demanda, di depende na sa ebidensiya kung totoo o hindi. Kailangan prubahan mo iyon, kung iyon ang mga resulta ng mga death.
DAZA: What did the President say? Do you know what his thoughts are about that Dengvaxia?
SEC. PANELO: Hindi, we didn’t discuss it in the Cabinet. Si Presidente kasi, ang style niya hindi siya nakikialam talaga sa mga department. Sige lang kayo diyan, basta mananagot kayo sa akin kapag bulilyaso iyan, iyon ang style.
DAZA: Eh, iyong recount ni Bongbong at saka ni Leni Robredo?
SEC. PANELO: Pati ako naguguluhan doon, dahil nag-uumpisa pa lang parang nagrereklamo na iyong kabila.
DAZA: Sinong kabila?
SEC. PANELO: Hindi ba si Bongbong, nagrereklamo siya na bakit daw mga basa. Sabi naman ng isa, eh natural lang na basa. Tapos may nag-resign.
DAZA: Pero bakit nga ba basa? Tatlo, talo yata ang nag-resign.
SEC. PANELO: Hindi, apat. Hindi naman sinasabi kung bakit sila nag-resign. Pero wala pa yatang protest na natapos.
DAZA: How long do you think that’s going to take?
SEC. PANELO: Well, hindi ba iyong kay—lahat ng mga protesta inaabot ng anim na taon o lampas pa, walang namang nangyari, kaya naging moot and academic.
DAZA: Bit this is the first time yata na nagkaroon ng bilangan.
SEC. PANELO: Nagbilangan na ba?
DAZA: Oo, hindi ba, nagbibilangan na. Kaya nga ang nagbubukas ng ballot, kaya nga nakikita na may mga iba nga na basa daw, at saka iyong iba na pre-shade.
SEC. PANELO: Eh ano naman kung nabasa? Parang hindi ko rin iyon makita. Eh ano kung basa?
DAZA: Hindi, pero pag…
SEC. PANELO: Kapag natuyo, di iyon pa rin—
DAZA: Hindi, pag nabasa di mawawala, magpi-fade.
SEC. PANELO: Hindi lang naman iyon ang pinagbabasehan ko ng batas, ang dami eh. At saka mayroon mga—
DAZA: So, you’re not optimistic na magkaroon ng mga pagbabago sa Vice President?
SEC. PANELO: Hindi ko alam, matagal kasi ang process ng electoral protest.
DAZA: But we are only on the second year.
SEC. PANELO: Que sera, sera.
DAZA: Que sera, sera
SEC. PANELO: What will be, will be.
DAZA: So, you are not optimistic. Eh, pag-usapan natin iyong ano, ano pa ba? Iyong NFA at saka NFA Council. Kasi the President also threatened na i-abolish na iyong Council at tapos iyong NFA, ibabalik na sa DA, which was really from the beginning quite weird. NFA by virtue of its name alone, National Food Authority, and yet nobody from the DA is not even part of it. What was the wisdom in doing that? And who did that? In who’s time?
SEC. PANELO: Hindi ko alam iyong history ng ganyan, kung bakit nagkakaganoon. But anyway, since na dumating na iyong problema binibigyan ng solusyon. So hopefully, it takes—
DAZA: So do you think the President is going to allow na—kasi I know he signed supposedly the importation of 200,ooo plus metric tons of rice, di ba. But yet Aquino NFA… the Administrator is saying that Secretary Evasco is not releasing, is not signing that paper to import the rice. So where are we now, are we really lacking, talagang depleted na iyong iyong ating buffer stock?
SEC. PANELO: I think, I will refer you to Secretary Piñol.
DAZA: Pero when you were in Cabinet meeting—
SEC. PANELO: Hindi masyadong anu iyan eh.
DAZA: Hindi masyadong na-tackle?
SEC. PANELO: Parang in passing lang.
DAZA: Talaga kasi isa iyon sa… di ba nagalit ang Presidente doon, kasi nga maraming mahihirap ang hindi nakakabili ng bigas na NFA, kasi 27, ngayon ang pinakamurang bigas is 37. Sabagay mukhang hindi ka kumakain ng kanin.
SEC. PANELO: Hindi, mabilis lang metabolism ko and I do a workout.
DAZA: Secretary, pag-usapan natin iyong mga fake news.
SEC. PANELO: Si Sereno.
DAZA: Puwede rin si Sereno. Sige ano na ang nagyayari na doon?
SEC. PANELO: Oh, di ba may quo warranto.
DAZA: Do you agree with SocGen Calida when he filed for that quo warranto?
SEC. PANELO: It is not a question of whether I agree or not. You have to ask me as lawyer, ano ang tingin ko.
DAZA: Yes, oo.
SEC. PANELO: Sa tingin ko—kasi sinasabi ng kabila na the only way to remove a member of Supreme Court is through impeachment. I agree kung qualified. Pero kung hindi qualified from the very start, then quo warranto will have to apply.
DAZA: But she’s been the CJ for the past five years already?
SEC. PANELO: Pero nga ang point nga, hindi ba kinukuwestyon nila na hindi ka pala qualified, pinilit kang i-qualify. Iyon ang question doon eh. So, the Supreme Court will have to determine whether she was really qualified or not, like iyong hindi ka pala nag-submit ng SALN, eh iyon pala requirement iyon. Tapos—ako nga ang teorya ko pa iyong flunking in the psychological test, alam mo that will even fall within the domain of competence. So iyong competence is not only an academic requirement.
DAZA: Meron ba talagang nagpe-fail sa psychological test?
SEC. PANELO: Eh hindi ba iyon ang sabi, nag-flunk siya almost 4 eh kasi 5 ang highest. Baka puwede ring pumasok iyon. Sa madaling sabi ang quo warranto will apply doon sa mga hindi qualified from the very start, pero doon sa impeachment naman, iyong qualified ka na, pero may ginawa ka na pumapasok sa grounds for your impeachment.
DAZA: So, you personally as a lawyer, where do you think the case of CJ Sereno falls. Was she qualified from the very beginning or do you think she was not qualified.
SEC. PANELO: Hindi, depende kasi iyon dahil iyong ano na ang magde-determine noon. Kasi, you know there are as many opinions as there are lawyers. So nasa justices ng court iyon, kung ano ang tingin nila. Kasi ang sinasabi ng Sereno camp, hindi naman requirements iyon sa Konstitusyon eh. Iyong SALN na para mag-qualify. Eh iyong sinasabi naman ng kabila, excuse me, eh kailangan lahat ng public official nagsa-submit noon.
DAZA: Oo, nag-a-argue na.
SEC. PANELO: Kaya depende na sa—
DAZA: What do you have to say about her request to have the 4 justices abstain, kasi di ba—
SEC. PANELO: Inhibit themselves.
DAZA: Do you think, that’s right?
SEC. PANELO: Under the rules kasi, nasa judge kung ang tingin niya sa sarili niya magiging biased siya mag-recuse siya; pero kung ang feeling niya hindi, hindi siya magre-recuse.
DAZA: Do you think tama nga iyong kanyang request?
SEC. PANELO: Hindi, I can understand, I can understand her fears. Whether tama o hindi, hindi ko na alam iyan, kasi depende na sa justice iyon. Kasi ang feeling niya, dahil nag-testify kayo sa akin, ayaw n’yo na sa akin. Eh puwede namang ayaw ka namin diyan sa ugali, pero iba naman itong legal requirements na pinag-uusapan dito, wala naman kinalaman diyan. Kasi lawyers can also go beyond their biases eh. Kasi ang training namin kasi ebidensiya eh.
DAZA: Talaga, but that’s human nature does you have biases?
SEC. PANELO: Kaya nga tine-train ka, demolish that bias.
DAZA: Really, how do you train?
SEC. PANELO: Like me, I’m trained to very judicious. Kaya whether kamag-anak o hindi, pag mali, mali sa akin iyan, wala ka nang magagawa, Iyon ang training ko eh.
DAZA: Pero, it’s no secret rin that the President does not like CJ Sereno right?
SEC. PANELO: Hindi naman, ang reaksiyon lang, kasi hindi ba, let’s trace the history. Nag-react lang siya noong… di ba, nagdeklara siya, ito iyong mga listahan. Tapos si Sereno naman, uy bakit ka nagga-ganyan, eh pabayaan mo kaming magdispilina.
DAZA: Ah iyong sa judges.
SEC. PANELO: Nag-react si Presidente roon, kasi excuse me, Sabi ni Presidente. trabaho ko ito. Kasama ito sa—bilang Presidente na sabihin ko sa taumbayan their right to be informed. Kaya sinasabi ko, ito iyan. Oh bahala na kayo, eh sinabi ko na, di kayo ang mag-disiplina kung gusto ninyo, Dapat nga magpasalamat ka at sinabihan ko kayo, oh hindi ba.
DAZA: But, hindi ba ano na ayaw niya kay CJ Sereno?
SEC. PANELO: No, hindi. Kasi alam mo si Presidente, hindi namemersonal. Sa 30 years kong pagkakilala sa kanya, ano siya eh, malambot ang puso, napakalambot ng puso noon eh.
DAZA: Talaga, speaking of malambot na puso. Naku ito na, as my last question. What do you have to say about ano, when he patched things up between Mayor Sara and—ikuwento mo nga sige, parang on a nice note?
SEC. PANELO: Kasi nandoon kami sa presidential table eh, nung tinawag siyang magsalita—
DAZA: Si Presidente.
SEC. PANELO: Di tumayo siya, naglakad siya, siguro mga after four seats ng stage, biglang dumating si Mayor Sara—
DAZA: She’s wasn’t there pa, kadadating lang niya.
SEC. PANELO: Wala siya doon. Oh, di nagbatian silang mag-ama. Tapos hinawakan niya, hinila niya dinala niya kay Speaker, tapos sabi niya, “Speaker, my daughter, Mayor Sara.” Oh iyon lang tapos nagkamayan, tapos umalis na uli, bumalik na sa upuan.
Ibig sabihin, di ba, sabi ni Presidente, petty ang away ninyo.
DAZA: Pero he also reassured Speaker Alvarez na hindi tatakbo si Presidente GMA. Totoo ba iyon?
SEC. PANELO: Siguro, sinabi niya eh. Baka binulong ni Presidente Arroyo, hindi ko alam iyong parting iyon, hindi ko narinig eh, dahil kung narinig ko, di oo kaagad ako.
DAZA: Okay. With that we would like to thank you, Atty. Sal Panelo. Marami kaming nakuhang impormasyon. So hihintayin namin, to recap hihintayin namin na meron pa atang Cabinet revamp, hihintayin na lang natin kung kelan iyon—
SEC. PANELO: Teka muna, alam mo iyong Cabinet revamp hindi naman kailangang i-announce or what. Eh kung palaging at the pleasure of the president, dapat ang Presidente, kung makakita siya ng medyo hindi ka dapat na ipagpatuloy ay palitan ka kaagad. Iyon ang trabaho niya, hindi ba.
DAZA: If you were a Cabinet secretary or a government official, huwag mo nang hintayin na lang, if you know already deep inside that you are not performing, mag-submit ka ng letter of resignation.
SEC. PANELO: Oo, malalaman mo naman iyon eh.
DAZA: Oo, tapos ang Boracay for sure, isasara na talaga.
SEC. PANELO: Definitely, saka magpasalamat sila kasi lalong gaganda ang Boracay after.
###