Interview

Presidential Spokesman Secretary Harry Roque Speech at the Vaccination Launch in Davao City

SEC. ROQUE: Maayong buntag sa inyong tanan!

Maikli lang po ang aking sasabihin. Unang-una, patuloy po akong nagpapasalamat dahil ipinahiram ninyo sa amin ang Presidente Rodrigo Roa Duterte. Kung hindi po ngayon ipinahiram sa bansang Pilipinas ng Davao ang ating Presidente siguro po ngayon wala pa ring bakuna.

Nagpapasalamat din kami sa iba’t-ibang mga bansa na tumulong para makarating ang bakuna sa Pilipinas. Unahin po siyempre natin ang unang dumating, ang bansang Tsina. Kung hindi po tayo nagkaroon ng polisiya made in Davao na tinatawag na independent foreign policy – kaibigan ng lahat at kaaway ng walang kahit sino – hindi po tayo makakatanggap hindi lamang ng 600,000 doses ng Sinovac, kung hindi one million doses.

At kung hindi nga po tayo nakipagkaibigan sa mga bansa bukod pa sa Estados Unidos, mga bansa ngayon ng European Union kagaya po ng UK, ng Germany, ng France, ng Italy, ng Norway, at iba-iba pang countries, hindi po tayo makakatanggap ng bakuna galing din po sa COVAX facility.

Iyong bagong pagkakaibigan po natin – sa Tsina at sa European Union at sa bansang Canada, dahil kasama din po ang Canada sa COVAX – ang ating independent foreign policy, iyan po ang dahilan ngayon kung bakit isa na po tayo sa mga bansang nagbabakuna.

Kung tayo po ay nag-rely lamang po doon sa dati nating sinasandalan na bansa, hanggang ngayon po wala sana tayong natanggap dahil ngayon po ang mga bakuna natin galing China at galing po ng Europa. Sana po wala ng magdududa na tama po ang ginawang polisiya ng ating Presidente dahil kung wala po itong polisiyang ito, wala nga pong bakuna ngayon.

At bago po ako magtapos, congratulations po dito sa SPMC! Eh, ang SPMC po siguro hindi lang isang pinakamalaking hospital sa buong Pilipinas, ito rin po ang isa sa pinakamagaling na hospital hindi lang po sa buong Pilipinas kung hindi sa buong Asya.

At makasaysayan po ngayon dahil dito po magsisimula ang bakuna sa buong Mindanao. Bagong pag-asa sa Mindanao, bagong pag-asa sa buong bansang Pilipinas.

Magandang umaga po sa inyong lahat.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center