News Release

First 100 days ni Pres. Marcos Jr., “Stabilizing Period” — Salceda


Para kay Albay Representative Joey Salceda, nagsilbing stabilizing period ang unang isang daang araw ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pwesto.

Ayon sa mambabatas, maingat ngunit maagap ang naging pagtugon ng Pangulo sa mga kritikal at mahahalagang isyu ng bansa mula nang siya ay umupo sa pwesto.

Kabilang na dito ang usapin ng agricultural imports, tax policy, at pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Malaking bagay din para sa Ways and Means Committee Chair ang aniya’y pagtatalaga ng Pangulo ng competent appointments o gabinete, drama-free management sa pagtugon sa kalamidad, at ang pagtutok nito sa sektor ng agrikultura.

“President Marcos is treading carefully but decisively on critical areas, including agricultural imports, tax policy, and the management of the COVID-19 pandemic. Overall, the President’s first 100 days have been a stabilizing period, amid global disruption. I look forward to working with our President on all his key legislative priorities,” ani Salceda.

Pinapurihan naman ni San Jose del Monte City Representative Florida Robes ang hakbang ng punong ehekutibo para palakasin ang bilateral relations ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Aniya, sa pamamagitan nito ay nakapagpapasok ng maraming investment ang Presidente sa bansa na inaasahang magbubukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino na patuloy na bumabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“The President has been inducing investments for the country by strengthening our bilateral relations globally. This in turn would create thousands of jobs for Filipinos, which is precisely what need to cope up with this COVID-19 pandemic,” pahayag ni Robes. | ulat ni Kathleen Jean Forbes