News Release

Mas maraming trabaho para sa OFWs, Mabilis na pagtugon sa mga repatriation request, ilan sa mga nagawa ng DMW sa unang 100 araw ng Marcos administration



Ilan sa mga nagawa ng Department of Migrant Workers (DMW) sa loob ng 100 araw ng Marcos administration iniulat ni Migrant Workers Secretarty Susan Ople.

Kabilang na rito ang mga oportunidad para sa mga overseas Filipino workers (OFWs), paglulunsad ng mga programa para sa mga OFW children, at mas mabilis na pagtugon sa mga repatriation request.

Batay sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), mahigit 250,000 na OFWs ang nagkaroon ng trabaho sa unang 100 araw ng administrasyon.

Ani Ople, ito ay 45 porsyento na mas mataas kumpara sa deployment ng mga OFW noong Hulyo hanggang Oktubre noong nakaraang taon.

Sinabi ni Ople na mahigit 5,000 requests ang natanggap ng One Repatriation Command Center ng DMW at mahigit 1,000 kaso rito ang naresolba at natulungan na makauwi ang mga OFW.

Umaasa naman ang DMW na makakamit nito ang iba pang target ngayong taon gaya ng paglulunsad ng digital version ng Overseas Employment Certificate. | ulat ni Diane Angela Lear