Hindi nagustuhan ng mga militanteng grupo ang pagdedeklara ng Philippine National Police (PNP) na “No rally zone” ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.
Sinabi ni Renato Reyes ng grupong BAYAN, hindi dapat ang PNP ang nagdedeklara kung anong lugar ang bawal at hindi bawal na pagdausan ng kanilang kilos protesta.
Ayon kay Reyes, tanging ang City government lamang ang mayroong mandato o kapangyarihan na magdekalara kung saan dapat isagawa ang mga pagkilos.
Pero hanggat wala daw idineklarang rally zone ang QC LGU ay itutuloy nila ang pagmartsa sa Commonwealth Avenue sa Lunes, araw ng State of the Nation Address (SONA) ni PBBM.
Una nang sinabi ng PNP na ang University of the Philippines-Diliman at Quezon City Circle lamang ang ibinigay na lugar bilang pagdadausan ng protesta ng mga militanteng grupo.