News Release

Paghahanda sa lalamanin ng magiging SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nanatiling work in progress ayon sa Malacanang



Tuloy ang paggalaw sa binubuong laman ng magiging pag-uulat sa bayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa darating na Lunes, Hulyo 25.

Pahayag ito ni Executive Secretary Vic Rodriguez sa gitna ng tanong ng marami hinggil sa kung gaano ang posible itagal ng magiging unang SONA ng pangulo.

Ayon kay Rodriguez, premature para takdaan sa kung gaano magiging kahaba ang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos lalo’t work in progress ang magiging content nito na mismong ang pangulo ang naghahanda.

Dagdag ni Rodriguez na asahan na muling mababanggit sa SONA ang ilang mga usapin na nauna na ring nabigyang diin ng Pangulo sa nakaraang tatlong cabinet meeting.

Hindi aniya mawawala dito ang may kinalaman sa ekonomiya, pagbabalik eskuwela ng mga estudyante sa anyong face-to-face at ang tuloy-tuloy na pagtugon ng gobyerno sa COVID-19.

http://radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/paghahanda-sa-lalamanin-ng-magiging-sona-ni-pangulong-ferdinand-marcos-jr-nananatiling-work-in-progress-ayon-sa-malacanang