News Release

Pagsusulong ng pagkakaisa, Tinupad ni Pres. Marcos Jr. Sa kanyang unang 100 araw bilang pangulo ng bansa.


Naipakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino ang kaniyang istilo ng pamumuno sa loob ng kaniyang unang 100 araw sa pwesto, ayon kay Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Para sa dating chief executive, sa kabila ng hamon na sumalubong sa liderato ng ika-17 pangulo ng bansa, tulad ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic at ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia, napawi ni Pangulong Marcos Jr. ang pangamba ng marami, sa pamamagitan ng pagbuo ng isang ‘impressive’ economic team.

“I think a president’s first 100 days serves 2 purposes: first, to give the nation and the world a message to inspire confidence relative to the area of greatest concern; and second, to give the Filipino people an idea of the leadership style of the president. In President Marcos, Jr.’s case, in the wake of the pandemic and global tensions in Ukraine and Taiwan, the adverse economic impact of these crises is topmost on most minds. President Marcos, Jr. reassured everyone by assembling an impressive economic team that has been universally praised.” ayon sa Senior Deputy Speaker

Naipamalas din aniya ni Pangulong Marcos Jr. ang kanyang sarili bilang kalmado at mapag-alagang pinuno.

Paraan aniya ito ng pagtupad sa kanyang panawagan ng unity o pagkakaisa, at pangako na maging Pangulo para sa lahat ng Pilipino.

“The president has projected himself well as a calm, thoughtful leader who is true to his promise to promote unity and be a President for all.” dagdag ni Rep. Arroyo. | ulat ni Kathleen Forbes