Doble-kayod ngayon ang House of Representatives Administrative Department upang matiyak na maimprenta ang lahat ng kinakailangang materyal para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang dito ang 18th Congress Legislative Performance Report, kasama na ang mga invitation sa SONA, ID, at car pass na ipapamahagi sa mga miyembro ng Kamara, Senado, at iba pang guest.
Katunayan, ayon kay Printing and Reproduction Service Director Edwin Avenido, nag-outsource na sila ng printing service upang matiyak na hindi made-delay ang printing.
Aminado ang opisyal na mas marami kasi ang bisita na imbitado ngayong taon kumpara sa nakaraang dalawang SONA bunsod ng COVID-19 restrictions kaya’t mas marami ang ID at car pass na kailangan i-imprenta.
Sa ngayon ay hindi pa naipapamahagi ang ID at car pass para sa media.
Ayon naman kay Avenido, sisikapin nilang matapos ang pag-iimprenta ngayong Sabado.
Sa Lunes, July 25, idaraos ang SONA.
###