Sinabi ngayon ni House Ways and Means Chair Joey Salceda na pagkakataon ang unang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. para ihayag ang foreign policy ng administrasyong Marcos.
Ayon kay Salceda, dahil sa nararanasan na external economic threat, mahalaga ang domestic at foreign policy.
Ngayong araw, bisita ni Pangulong Marcos ang diplomatic corp sa kanyang SONA.
Ayon kay Salceda, prayoridad ng administrasyon na maghanap ng murang pagkain, langis, at fertilizer.
Aniya, bagaman may mga traditional ally countries ang bansa, pagkakataon din aniya na maitatag ang matibay na diplomatic ties sa ibang mga bansa gaya ng Russia, India, at Arab nation.