Other Government Release

DAR helps Sultan Kudarat farmers add value to their crops



Bagumbayan, Sultan Kudarat — The Department of Agrarian Reform (DAR) in Sultan Kudarat has provided training to agrarian reform beneficiary (ARB) members of the Masiag Coffee Growers Agrarian Reform Cooperative (MACGARCO) to develop and add value to their squash products.

Chief Agrarian Reform Program Officer Rhea Marie Betque divulged that the training aims to help the ARBs engage, add value to their crops, and become successful farmer entrepreneurs to increase their profits and income.

“For instance, selling fresh squash products only amounts to Php5.00 to Php7.00, but processing about 2 kilos of squash products into squash noodles can generate a revenue of Php595.00,” she said.

Betque added that the selected MACGARCO because it has already the necessary materials for the training, such as stainless tables, noodle machines, vacuum sealers, and other utensils, which the DAR also provided. Apart from these, MACGARCO also received a mixer and a blender to help enhance the quality of their products.

“The goal of this initiative is to strengthen and help the members of agrarian reform beneficiaries organizations become competent while helping them increase their household income,” Betque said.

She said that the objective of the training is in line with the Nine-Point Agenda of the current DAR administration, which includes the provision of support services through modern farm equipment, fertilizers and other farm implements and inputs, credit assistance, capacity development and marketing assistance to the ARBs.

Jennifer Farillon, Chairman of MACGARCO, expressed her appreciation to the DAR for its continued support in improving their livelihood and uplifting their economic lives.

“On behalf of the MACGARCO, I am extending our heartfelt gratitude to the DAR for this valuable training. The training enhanced our skills and shaped us to become successful farmer entrepreneurs,” Farillon said.

###

DAR tinulungan ang mga magsasaka ng Sultan Kudarat na magdagdag ng halaga sa kanilang mga pananim

Bagumbayan, Sultan Kudarat — Nagbigay ng pagsasanay ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Sultan Kudarat sa mga agrarian reform beneficiary (ARB) na miyembro ng Masiag Coffee Growers Agrarian Reform Cooperative (MACGARCO) para paunlarin at dagdagan ang halaga ng kanilang mga produktong kalabasa.

Ibinunyag ni Chief Agrarian Reform Program Officer Rhea Marie Betque na ang pagsasanay ay naglalayong tulungan ang mga ARB na makisali, magdagdag ng halaga sa kanilang mga pananim, at maging matagumpay na magsasakang negosyante upang madagdagan ang kanilang kita.

“Halimbawa, ang pagbebenta ng mga sariwang produkto ng kalabasa ay nagkakahalaga lamang ng Php5.00 hanggang Php7.00, ngunit ang pagpoproseso ng humigit-kumulang 2 kilo ng mga produkto ng kalabasa upang maging squash noodles ay maaaring kumita ng Php595.00,” aniya.

Dagdag pa ni Betque, napili ng DAR ang MACGARCO dahil mayroon na itong mga kinakailangang materyales para sa pagsasanay, tulad ng mga stainless table, noodle machine, vacuum sealers, at iba pang kagamitan, na dati ng naipagkaloob ng DAR. Bukod sa mga ito, nakatanggap din ang MACGARCO ng mixer at blender para makatulong sa pagpapaganda ng kalidad ng kanilang mga produkto.

“Ang layunin ng inisyatibang ito ay palakasin at tulungan ang mga miyembro ng agrarian reform beneficiaries organizations na magkaroon ng kakayahan habang tinutulungan silang madagdagan ang kanilang kita ng sambahayan,” ani Betque.

Sinabi niya na ang layunin ng pagsasanay ay naaayon sa Nine-Point Agenda ng kasalukuyang administrasyon ng DAR, na kinabibilangan ng pagkakaloob ng mga suportang serbisyo sa pamamagitan ng makabagong kagamitan sa pagsasaka, pataba at iba pang kagamitang pangsaka, tulong sa pautang, pagpapaunlad ng kapasidad at tulong sa pamilihan sa mga ARB.

Nagpasalamat namn si Jennifer Farillon, Chairman ng MACGARCO, sa DAR sa patuloy na suporta nito sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan at pag-angat ng kanilang kabuhayan.

“Sa ngalan ng MACGARCO, ipinaaabot ko ang aming taos-pusong pasasalamat sa DAR para sa napakahalagang pagsasanay na ito. Ang pagsasanay ay nagpahusay sa aming mga kasanayan at humubog sa amin upang maging matagumpay na magsasakang negosyante, “ani Farillon.

###