The Department of Agrarian Reform (DAR) is temporarily excluding the more than 100,000 hectares of landholdings covered under 13,604 Collective Certificates of Land Ownership Award (CCLOAs) found to have potential overlapping ancestral issues in connection with the implementation of the Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project.
DAR Secretary Conrado Estrella III has alerted field implementers of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) to be wary of lands suspected of having overlapping issues between agrarian reform beneficiaries (ARBs) and indigenous communities in pursuit of their task of subdividing CCLOAs.
“Remember, time is of the essence. We cannot afford to be entangled in a complicated situation, which will only tie our hands by inadvertently covering lands that were partly or wholly owned by indigenous communities,” Estrella said.
Engr. Joey Sumatra, DAR Assistant Secretary for Policy, Planning and Research Office, who also serves as the national SPLIT project director, advised all field CARP implementers to exclude all lands with potential overlapping issues until the DAR and the National Commission for Indigenous Peoples (NCIP) issue the guidelines through a joint administrative order.
Sumatra has provided all field CARP implementers a list of 13,604 land titles, covering a combined area of 109,223 hectares nationwide, for their guidance.
Among the 15 DAR-recognized regional geographical areas, Davao (Region XI) has the most number of collective CLOAs with overlapping issues at 3,996, covering a combined area of 32,548 hectares, followed by Soccsksargen (Region XII), with 2,718 titles covering 24,691 hectares, and Northern Mindanao (Region X), with 2,281 titles covering 20,298 hectares.
-30-
DAR pansamantalang hindi isinasama amg mga lupaing pag-aari ng mga katutubo
Pansamantalang ibinubukod ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mahigit 100,000 ektaryang lupain na nakapaloob sa 13,604 Collective Certificates of Land Ownership Award (CCLOAs) na natagpuang may potensyal na magkakapatong na isyu ng iba’t-ibang katutubong komunidad kaugnay sa pagpapatupad ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project.
Inalerto ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang mga field implementers ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na maging maingat sa mga lupaing na may magkakapatong na isyu sa pagitan ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at mga katutubong komunidad sa pagganap ng kanilang tungkulin sa paghati-hati ang mga CCLOAs.
“Lagi nating isaisip na mahalaga ang bawat oras. Hindi natin kayang masangkot sa isang masalimuot na sitwasyon, na magtatali laman sa ating mga kamay dahil sa hindi sinasadyang pagsakop sa mga lupain na bahagi o ganap nap ag-aari ng mga katutubong komunidad,” ani Estrella.
Pinaalalahanan ni Engr. Joey Sumatra,DAR Assistant Secretary for Policy, Planning and Research Office, nagsisilbi rin bilang national SPLIT project director, ang mga field CARP implementers na ibukod muna ang mga lupaing may potensyal na magkakapatong na isyu habang hinihintay ang mga alituntunin na ipalalabas ng DAR at ng National Commission for Indigenous Peoples (NCIP) sa pamamagitan ng joint administrative order.
Binigyan ni Sumatra ang lahat ng field CARP implementers ng listahan ng 13,604 titulo ng lupa na sumasaklaw sa109,223 ektarya sa buong bansa, para sa kanilang gabay.
Sa 15 kinikilalang rehiyon ng DAR, ang Davao (Region XI) ang siyang may pinakamaraming collective CLOAs na may magkakapatong na isyu sa bilang na 3,996 na sumasaklaw sa 32,548 ektarya, kasunod ang Soccsksargen (Region XII),na may 2,718 titulo sakop ang 24,691 ektarya, at Northern Mindanao (Region X), na may 2,281 titulo na sumasaklaw sa 20,298 ektarya.
-30-