The Department of Agrarian Reform (DAR) recently turned over a farm tractor to the Carriedo Agrarian Reform Cooperative (CARCO) in Sorsogon City emphasizing the importance of adopting modern machinery and advanced technology to spark productivity and increase the income of agrarian reform beneficiaries (ARBs).
DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer II Nida Santiago who led the turnover ceremony, said the farm machine worth P1.5 million is a four-wheel drive tractor that will be used by farmers in land preparation activities for their rice production.
Santiago expressed her happiness in turning over the tractor that would greatly benefit the 109 farmer-members of CARCO. She ensures that all the support programs of the agency will be implemented for them, especially now that they are facing farming difficulties because of the El Nino.
“The goal of our current administration and the DAR, under Secretary Conrado Estrella III’s direction, is to revive our nation’s agriculture industry, that is why the department provides various support services to help ARBs increase their yield and income,” Santiago added.
Adelia Cortez, one of the recipients and a representative from CARCO, gave her heartfelt gratitude on behalf of all the cooperative members. “The tractor will make our harvesting easier. This is a great help not for us and our families that rely on rice production as our source of living.”
The farm tractor was provided under the Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP). This DAR program which provides farm machines to cooperatives to improve farm productivity and earning capabilities of ARB members in sustainably through their organizations.
DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer I Liza B. Repotente said the department is continuously seeking support services that can aid the farmers, specifically those involved in the rice production industry.
“In May and June, this year, fifty CARCO members will participate in a series of trainings on rice productivity and management. This training program will be implemented under the CRFPS too,” Repotente said.
The turnover ceremony was at Carriedo Covered Court, Carriedo, Irosin, Sorsogon.
###
Binigyang-diin ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kahalagahan ng paggamit ng mga makabagong makinarya at advanced na teknolohiya upang mapukaw ang produktibidad at dagdagan ang kita ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa pag-turn over nito kamakailan ng isang traktora sa Carriedo Agrarian Reform Cooperative (CARCO) sa Sorsogon City.
Sinabi ni Nida Santiago, DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer II, na nanguna sa turn over ceremony, ang traktora na nagkakahalaga ng P1.5 milyon ay isang four-wheel drive tractor na gagamitin ng mga magsasaka sa mga aktibidad sa paghahanda ng lupa para sa kanilang produksyon ng palay.
Ipinahayag ni Santiago ang kanyang kagalakan sa pag-turn over ng traktor na lubos na pakikinabangan ng 109 na magsasakang-miyembro ng CARCO. Tiniyak niya na lahat ng supportang programa ng ahensya ay ipatutupad sa kanila, lalo na ngayong nahaharap sila sa mag hapon na dala ng El Nino.
“Ang layunin ng ating kasalukuyang administrasyon at ng DAR, sa ilalim ng direksyon ni Secretary Conrado Estrella III, ay muling buhayin ang industriya ng agrikultura ng ating bansa, kaya naman ang departamento ay nagbibigay ng iba’t ibang serbisyong suporta upang matulungan ang mga ARB na mapataas ang kanilang ani at kita,” dagdag ni Santiago.
Si Adelia Cortez, isa sa mga tumanggap at kinatawan mula sa CARCO, ay nagbigay ng taos-pusong pasasalamat sa ngalan ng lahat ng miyembro ng kooperatiba. “Mapapadali ng traktor ang aming pag-aani. Malaking tulong ito hindi lamang para sa amin kundi sa aming mga pamilya na umaasa sa produksyon ng bigas bilang aming pinagkukunan ng ikabubuhay.”
Ang traktora ay ibinahagi sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP), isang programa ng DAR na nagkakaloob ng mga makinang pangsaka upang mapabuti ang produksiyon sa sakahan at tumaas ang kakayahang kumita ng mga miyembrong ARB sa isang napapanatiling paraan sa pamamagitan ng kanilang mga organisasyon.
Sinabi ni Liza B. Repotente, DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer I, na ang departamento ay patuloy na naghahanap ng mga serbisyong pangsuporta na maaaring makatulong sa mga magsasaka ng palay.
“Sa Mayo at Hunyo, ngayong taon, limampung miyembro ng CARCO ang lalahok sa serye ng mga pagsasanay sa rice productivity at management. Itong training program ay ipatutupad din sa ilalim ng CRFPS,” Repotente said.
Ang turnover ceremony ay ginanap sa Carriedo Covered Court, Carriedo, Irosin, Sorsogon.
###