Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-15 na parangal ng Ani ng Dangal ng National Commission for Culture and the Arts ngayong araw, ika-22 ng Pebrero kasama ang Unang Ginang, Louise Araneta-Marcos.

President Ferdinand R. had a meeting today. Marcos Jr. to Mr. Dennis Uy, Founder & CEO of Converge ICT Solutions, Inc. and Mr. Thomas Pang Thieng Hwi, CEO of Keppel Telecommunications and Transportation Ltd.

Opisyal na nanumpa si G. Benito Techico bilang Special Envoy of the President to the People's Republic of China for Trade, Investments, and Tourism kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes, February 21, 2023. Sa kanyang bagong tungkulin, si Techico ay maglilingkod bilang kinatawan ng bansa sa China sa mga usapin na may kinalaman sa kalakalan, pamumuhunan, at turismo. Inaasahang makikipagtulungan din siya sa mga opisyal ng pamahalaan, mga lider sa negosyo, at iba pang mahalagang stakeholder upang magpromote at mapabuti ang ekonomikong kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Inulat ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na mas aayusin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng Republic Act 11293 o ang Philippine Innovation Act sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. katuwang ang iba't ibang ahensya tungo sa pag-unlad ng ekonomiya at pag-angat ng antas ng pamamahala. Sa press briefing ngayong araw na inorganisa ng Presidential Commnunications Office, tinalakay ng NEDA chief na malaki ang pakinabang ng pagpasa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) para sa ekonomiya ng bansa. Inihayag din ni Secretary Balisacan na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para tugunan ang inflation sa bansa habang nakatuon ang economic team ng PBBM administration sa isyu na ito.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikaapat na pagpupulong ng National Innovation Council (NIC) ngayong Martes, ika-21 ng Pebrero para talakayin ang mahahalagang detalye tungkol sa implementasyon ng Philippine Innovation Act. llan pa sa naging agenda ng pagpupulong ang pagpili sa pitong Executive Members ng NIC para sa taong 2023-2026 na magmumula sa pribadong sektor, pag-apruba sa logo ng NIC, at ang presentasyon ng National Innovation Agenda sa Pangulo. Ang NIC ay binubuo ng 25 miyembro mula sa pampubliko at pribadong sektor na nagsusulong ng innovation sa mga proyekto ng bansa para matulungan ang mga mahihirap at bigyan ng pagkakataon ang micro, small at medium enterprises (MSMEs) na makibahagi sa pagpapalago ng ekonomiya.

Nanumpa na ngayong araw, Pebrero 20, ang mga bagong itinalaga na opisyal na bubuo sa mga pamunuan ng National Amnesty Commission (NAC), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Marawi Compensation Board (MCB), at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU).

Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unti-unti nang nagbubunga ang kanyang mga opisyal na pagbiyahe sa iba't ibang bansa matapos iulat na humigit tatlong trilyong piso ang kabuuang investment pledges at kasunduan na ang nakuha ng Pilipinas. Sa kaniyang pakikipagpulong sa Department of Trade and Industry (DTI) at Office of the Presidential Assistant on Investment and Economic Affairs (OPAIEA) kahapon, may resulta na ang mga kasunduan mula sa Singapore at Indonesia at inaasahan din na marami pang ilulunsad na proyekto sa mga susunod na linggo. Sa ulat ng DTI sa Pangulo, nasa 116 na proyekto na nagkakahalaga ng USD 62.926 bilyon o Php 3.48 trilyon ang nabuo mula sa official foreign trips.

Bilang bahagi ng reorganisasyon ng Presidential Communications Office (PCO), pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng PCO.
Kabilang sa mga nanumpa bilang PCO officials ay sina:
Honey Rose Mercado - Undersecretary for Traditional Media and External Affairs; Franz Gerard Imperial - Undersecretary for Broadcast Production; Gerald Baria - Undersecretary for Content Production; Patricia Anne Magistrado - Assistant Secretary for External Affairs; Ma. Rhona Ysabel Daoang - Director; Marvin Antonio - Director; Lois Erika Mendoza - Director

Binigyang-halaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang reorganisasyon sa mga ahensya ng pamahalaan para makamit ang sapat na produksyon ng bigas sa bansa sa loob lamang ng dalawang taon. Sa kanilang pagpupulong kahapon kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) sa Palasyo, hinimok ni PBBM ang pakikipagtulungan ng DA at NIA sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Economic and Development Authority (NEDA) para pagbutihin ang irigasyon sa bansa.