Photos


The National Economic and Development Authority (NEDA) Board, chaired by President Ferdinand R. Marcos Jr., approved seven high-impact projects during its third meeting Thursday in Malacañang, Socioeconomic planning Secretary Arsenio M. Balisacan announced on Friday.
President Ferdinand R. Marcos Jr. has secured an investment commitment from ride-hailing service Grab, which could translate into 500,000 jobs. The President met with officials of Grab Holdings Inc. on February 2, Thursday, in Malacañang Palace to discuss Grab’s recommendations on the possible ways to modernize transportation in the Philippines.
Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikatlong board meeting ng National Economic and Development Authority (NEDA) ngayong ika-2 ng Pebrero, ilang araw matapos aprubahan ang Philippine Development Plan (PDP) para sa taong 2023-2028. Tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang sa implementasyon ng PDP kabilang ang Public Private Partnership Project. Pinamamahalaan nito ang mga kasunduang nabuo sa negosyo matapos ang pagbisita ni PBBM sa ibang bansa at pakikipag-usap sa iba’t ibang negosyante at pakikipagtulungan sa pribadong sektor sa bansa. Ibinahagi rin ng NEDA sa Pangulo ang mga proyektong kabilang sa Official Development Assistance (ODA).
Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikatlong board meeting ng National Economic and Development Authority (NEDA) ngayong ika-2 ng Pebrero, ilang araw matapos aprubahan ang Philippine Development Plan (PDP) para sa taong 2023-2028. Tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang sa implementasyon ng PDP kabilang ang Public Private Partnership Project. Pinamamahalaan nito ang mga kasunduang nabuo sa negosyo matapos ang pagbisita ni PBBM sa ibang bansa at pakikipag-usap sa iba’t ibang negosyante at pakikipagtulungan sa pribadong sektor sa bansa. Ibinahagi rin ng NEDA sa Pangulo ang mga proyektong kabilang sa Official Development Assistance (ODA).
Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdiand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 2, ang delegasyon ng Estados Unidos na pinangunahan ni U.S. Defense Secretary Lloyd J. Austin III sa courtesy call sa Palasyo. Kinilala ng Pangulo ang matatag na alyansa ng Pilipinas at America sa nagdaang 75 na taon hindi lang sa larangan ng depensa kundi pati sa kalakalan at mga inisyatibo na nakatulong sa sambayanang Pilipino.Pinag-usapan din sa courtesy call ang pagsisikap na mapalakas ang PH-US alliance. Tinalakay din ang mga hakbangin na may kaugnayan sa military at defense efforts.
Nagsagawa ng dalawang magkasunod na press briefing ang Presidential Communications Office ngayong unang araw ng Pebrero kasama ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP). Tinalakay ni Asec. Neal Imperial ng DFA Office of Asian and Pacific Affairs ang opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan sa susunod na linggo at ang ilang mahahalagang aktibidad ng delegasyon ng bansa roon. Ibinahagi naman nina DILG Sec. Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. at PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang bagong update na bubuo sa 5-man committee na magsasala sa courtesy resignation ng mga opisyal ng pulisya bilang bahagi ng paglilinis ng kanilang hanay.
Ibinahagi ng Department of Health (Philippines) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang sectoral meeting ngayong ika-1 ng Pebrero ang kanilang mga hakbang para sa patuloy na pagharap ng bansa sa COVID-19 at ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Act. Ayon sa DOH, nakatakdang dumating sa susunod na buwan ang donasyong 1 milyong dose ng bivalent vaccines mula sa COVAX. Ang mga bakunang ito ay para sa mga partikular na variant ng COVID-19 tulad ng Omicron.
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong unang araw ng Pebrero sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para talakayin ang mga programa ng ahensya na tutugon sa problema ng bansa sa suplay ng tubig. Ibinahagi ng DENR ang kanilang planong pagpapatayo ng isang Water Resource Management Office para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga patakaran sa pagkakaroon ng malinis na tubig. Kabilang din sa mga tinalakay ng DENR ang kanilang balangkas para sa Integrated Water Management Plan.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project – Batasan Development and Urban Renewal Plan ngayong Martes, Enero 31, 2023. Ayon sa Pangulo ito ang magiging pinakamalaking flagship housing program ng pamahalaan, na tutupad sa layuning mabigyan ng maayos at desenteng bahay ang bawat pamilyang Pilipino. Layunin ng Batasan-Commonwealth Development and Urban Renewal Plan na makapagpatayo ng 233,182 housing units, 2,200 units dito ay para sa BATODA members at informal settlers sa Batasan-Commonwealth area sa Quezon City.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong huling araw ng Enero ang selebrasyon ng ika-72 anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development at pinasinayaan ang bagong gusali ng ahensya na magpapabuti pa ng serbisyo para sa mga nangangailangang Pilipino. Kumpiyansa ang Pangulo na sa pamamagitan ng bagong gusali ng DSWD, mapapangalagaan ang kapakanan ng mga empleyado ng ahensya. Inaasahan din ni PBBM ang pagpapatuloy sa mga programa ng DSWD tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Unconditional Cash Transfer Program, at Social Pension Program for Indigent Senior Citizens.