Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. during his visit to the victims of the recent fire in Tondo, Manila


Naku. Naiba talaga ang Pinoy. Tingnan mo, tingnan ninyo ang pinagdaanan ninyong hirap sa nakaraang ilang araw, eh nakangiti pa. Basta Pilipino nakangiti pa rin at masarap pa ‘yung marinig yung inyong sigaw.

Kaya talaga, hindi po tayo titigil at gagawin lahat para tulungan po kayong lahat dahil alam naman po namin na kahit  kayo’y nakangiti at nagmamalakas ng sigaw, marami po kayong iniiisp—kung papaano aalagaan ang inyong sarili, ang inyong mga pamilya, kung saan kayo uuwi. Alam naman po namin ‘yun.

Galing pa po kami—before I go on, I would like to acknowledge, of course, ang nakapagsalita na ang ating mayor, Mayor Lacuña. and kasama ko siya, kasama namin siya with the Vice Mayor, and the Congressman, nandun po kami sa Delpan evacuation center.

At nakita namin kung ano yung mga pangangailangan. At talaga sa ngayon ay ang pangangailangan ay matayo ulit ang mga bahay.

Kaya’t bukod dito, siyempre nandiyan kayong lahat. Nandiyan pa kayo sa mga evacuation center. Wala naman kayong paglulutuan, wala naman kayong pagtutulugan.  Kaya naman ang una-una, magdadala kami itong mga food pack na ganito na dapat sa isang pamilya, isang food pack, isang kahon tatagal dapat ‘yan ng mga tatlong araw, apat na araw.

Pero huwag kayong mag-alala kung maubos ninyo sa dalawang araw, mayroon pa ‘yan. Ibibigay namin kung ano yung kailangan ninyo. [Applause]

At ang kasunod niyan ay ‘yung ating ibinibigay na tulong na cash na dahil kagaya ng nakita ko doon sa Delpan, maraming maliliit na bata at tinatanong ko. Tapos may mga matatanda na may kailangan na gamot, na may kailangan na kung anu-ano at naiiba bawat pamilya ang mga pangangailangan.

Kaya’t kung minsan yung mga yun ay hindi kasama dito sa aming mga ibinibigay na tulong. Kaya’t kailangang cash para kayo bawat isang pamilya may hawak para magamit para naman doon sa pangangailangan na sa pamilya ninyo: yung gatas nga ng bata, yung gamot na maintenance, at kung anuman. ‘Yang mga ganoon po.

At nandito po ang serbisyo ‘yun sa…ang ina-alala ko kasi dahil ang sikip sikip doon sa Delpan. Inaalala ko yung mga maliliit na bata baka magkasakit, kaya tiniyak natin na mayroon tayong medical team na manggagaling sa Department of Health na pupunta. Tuluy-tuloy po yan. Hindi na sila aalis. Paikot-ikot lang sila sa lahat ng mga evacuation center. Kaya’t pagka  mayroon kayong karamdaman, basta’t puntahan po ninyo sila at magbibigay sila ng serbisyo sa inyo. Kaya’t yun lang po.

At pinangako ko po doon sa isang kasama natin sa isang evacuation center: Pag kayo ay hindi pa namin naiuwi pagdating ng Pasko, ako’y pupunta rito magpa-party, magha-happy, magme-merry Christmas tayo sama-sama.

Kaya’t yan yung pang-udyok ko eh kay Mayor Lacuña, eh. Kaya bilisan mo kung hindi  magpapakain ka ng libo-libong tao pagdating ng Pasko. Ikaw din.

Kaya’t kailangan maayos natin kaagad yun. Kaya’t huwag niyo alalahanin. Andito po ang city government, andito po ang national government. Lahat po ng ahensya ng pamahalaang nasyonal at nag-uugnay naman kasama ang mga local government officials, ang ating tunay na first responder.

Ito po ay patuloy po naming pagtatrabahuin at titiyakin na kung anuman ang inyong pangangailangan, kami po’y nandito upang ibigay at idulot sa inyo kung ano pang  serbisyo ang kinakailangan ninyong lahat.

Maraming, maraming salamat po. Good luck po. Merry Christmas po!

—END—