Speech

Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa Bangued Town Plaza, Bangued, Abra


Event Distribution of various government assistance
Location Bangued, Abra

Dios ti agngina.

The leadership of the province of Abra who are here led of course by the Governor, the father of the Province Governor Dominic Valera; at ang ating mga opisyales, lahat na apo nga mayores, apo nga barangay chairman, ken barangay officials, naimbag nga aldaw yu amin.

We are here because tinamaan – sabi ko nga kay Vice Governor Joy, ika ko nandito rin ako last year. One year and one week before. Sabi ko noong nangyari ‘yun lindol naman ‘yun.

Ngayon, nandito na naman ako bagyo naman itong nakaharap sa atin. Kaya’t sabi ko hindi na ako babalik dito kung ‘di pampiyesta na lang. Ayaw ko na ng ganito. [palakpakan] Baka ako nagdadala nito.

Anyway, nandito kami tinitingnan – kakatapos lang ‘yung briefing tungkol sa epekto ng bagyo sa ating mga karatig-probinsiya sa Cordillera.

Nandiyan at naka-ready na. Iyong mga ibang daan ay hindi pa madaanan kasi na-landslide ‘yung iba, ‘yung iba may tubig pa. Pero pagkatapos na mangyari ‘yun ay papadala na natin lahat ‘yan.

Kaya’t we have prepared – marami na kaming nakahanda food packs nga at hanggang diyan.

Susunod diyan ay ang pinakaimportante ‘yung water supply pero susunod diyan ‘yung kuryente. Kaya’t diyan kami nahihirapan.

At dito ang nangyari dito sa probinsiya ng Abra ay bumagsak ang mga poste. Kaya’t kailangan na naman natin either itayo ulit ‘yan o maglagay tayo ng bago.

At sabay doon ay kailangan titingnan ‘yung mga koneksyon na maayos kasi kung i-on natin – may kuryente pero pinutol ‘yung kuryente dahil sa bagyo. Ganoon naman laging ginagawa ‘yan kasi ‘pag tinamaan – ‘pag may nahulugan ng kahoy ay masisira lahat nung sistema. Kaya naman ayaw nila ring i-on hanggang nainspeksyon na nila lahat ng poste, lahat ng koneksyon, lahat ng mga wiring na makita nila na maayos na.

Kaya’t iyon ang medyo kasi dahan-dahanin namin. Ang dati nating ginagawa kapag ganito may bagyo, humihingi tayo ng tulong sa ibang probinsiya na magpadala ng lineman. Noong Typhoon Odette, ganoon ang aming ginawa. Marami kaming kinuha na lineman na galing sa ibang probinsiya para makatulong. At iyon din ang gagawin natin.

Siguro kahit sa southern Luzon ay puwede sila magpadala ng mga tao nila para maparami, mapabilis ang proseso. Iyon ang aming sinusunod.

Ang susunod naman diyan ay ‘yung pag-recover, pag-rehabilitate, at saka ‘yung rebuilding na. Kaya’t tinitingnan na rin namin gaano karami ang damage, ilan ‘yung talagang nasiraan ng bahay, ano ‘yung mga damage doon sa ibang bahay. At magpo-provide din kami ng building materials para ay maitayo ulit at mabalikan.

Lahat ng mga nasa evacuation center ay nabibigyan naman, naaalagaan naman, pati na ‘yung mga wala sa bahay na kung saan-saan lang pumunta ay hinahanap din namin para bigyan ng tulong dahil na-displace nga sila.

Kaya’t ‘yan po ang report lang namin. Kaya kami nandito para tiyakin na maayos ang takbo at magbigay ng instruction para maging maliwanag kung ano ‘yung dapat nating gawin.

Mahusay naman ang ating mga disaster response team sa LGU, sa national, at maganda naman ang ugnayan ng national at saka local. Kaya’t sa palagay ko sa lalong madaling panahon maibabalik na natin lahat ng mga serbisyo na kinakailangan. Dito sa Abra at sa Bangued pa lamang, at saka hindi pa lahat ng barangay ang may kuryente. Kaya’t ito’y isang nilalakad.

Doon naman sa amin sa Ilocos Norte, mas grabe pa. two percent pa lang ng kuryente namin ang bumalik. Kaya pupuntahan ko mamaya at titingnan natin kung ano ‘yung puwedeng gagawin.

So, dahan-dahan. Basta’t maging maayos, maging… Pati pala ‘yung sa communication mayroon tayong pinadala rito ‘yung satellite. Magdadagdag din tayo para maipadala din natin doon sa mga malalayo kasi sila talaga ang nangangailangan ng communication para makapag-report sila sa atin kung ano’ng nangyari sa kanila at ano ‘yung pangangailangan nila.

So, iyon po ang sadya namin dito. At kailan ang susunod niyong piyesta? March? O sige, doon na lang ako pupunta.

Siguro pagka ganoon i-schedule na natin para hindi na pupuwedeng pumasok ang bagyo at hindi na maglindol.

Maraming-maraming salamat. Dios ti agngina apo.

— END —