Press Briefing

Inter-Agency Task Force Virtual Presser with Cabinet Secretary Karlo Nograles

Event Inter-Agency Task Force Virtual Presser

Mga kababayan, magandang umaga po sa inyong lahat; at sa mga kaibigan natin sa media at lalung-lalo na sa ating mga bayaning frontliners na nangunguna sa kampaniya natin laban sa COVID-19.

Yesterday, the IATF held its meeting which we issued the IATF Resolution # 25. Pero bago po natin umpisahan iyan, nais po lamang namin ang lahat na gamitin ang staysafe.ph app para sa napapanahong impormasyon patungo sa proteksyon nating lahat – proteksyon ninyo, proteksyon ng ating mga mahal sa buhay at proteksyon ng ating komunidad. Pumunta lamang po kayo sa www.staysafe.ph para kayo po ay makakatulong sa inyong pamahalaan at sa kapwa nating Pilipino na labanan ang COVD-19.

Gaya ng sinabi ko po, nagkaroon kami ng IATF meeting kahapon at nag-isyu kami ng IATF Resolution # 25. The following are the contents of the said Resolution:

A.) The IATF adopts a national government enabled local government unit-led and people-centered response to the COVID-19 health event. In materializing the aforementioned general principles, all agencies are directed to recommend sector specific plans, strategies and targets to the IATF. The National Task Force COVID-19 is likewise directed to develop the necessary operational plans; LGUs are enjoined to pursue regional cooperation in leading the fight against COVID-19.

Ipinapagtibay po ng IATF ang isang kampaniya laban sa COVID-19 na pinangungunahan ng mga LGUs sa tulong ng national government na naka-sentro sa interes at kapakanan ng taumbayan. Para matupad ito, lahat po ng ahensiya ng gobyerno ay inaatasang magrekumenda ng mga plano, istratehiya at layunin sa IATF na nakatutok sa mga sektor ng lipunan. Ang NTF ay inaatasan din nabumuo ng mga operational plan habang ang mga LGU naman ay hinihikayat na magsagawa na pangrehiyon na pakikipag-ugnayan hinggil sa ating kampaniya laban sa COVID-19.

B.) Paragraph B of IATF Resolution # 22 series of 2020 is hereby amended to wit, and I quote, “The Department of the Interior and Local Government (DILG) in coordination with local government units shall hereafter lead the contact tracing efforts of the government. For this purpose, the Department of Health and the DILG are directed to enter into a data sharing agreement in accordance with Republic Act # 1073 or The Data Privacy Act.”

Maalala po natin na sa IATF Resolution # 22, inatasan ang Office of Civil Defense na manguna sa contact tracing efforts ng gobyerno. Kahapon po ay nadesisyunan ng IATF na ang DILG na po, sa tulong ng ating mga LGU, ang mangunguna sa contact tracing efforts. Ang DILG ay inatasan na pumasok sa isang data sharing agreement kasama ang Department of Health alinsunod sa Data Privacy Act.

C.) The DOH guidelines for the utilization of rapid antibody test kits as presented to the IATF and amended are hereby approved.

Aprubado po ang mga patakaran ng Department of Health ukol sa paggamit ng rapid antibody test kits. So asahan po natin sa Lunes, ngayong Monday na darating, sa ating press briefing, idedetalye ko po sa inyo ang paggamit ng rapid test kits at saan gamitin at saan sa ating kasalukuyang health protocols natin ipapasok ang paggamit ng rapid antibody test kits – ngayong Lunes po.

D.) The NTF subgroup on food security established under Resolution # 22, series of 2020, is hereby reorganized into the National Task Force Task Group on Food Security with the Department of Agriculture as chair, and the Department of Trade and Industry, National Economic and Development Authority, Department of Social Welfare and Development, Department of Budget and Management, Department of Education, Department of Science and Technology, the National Security Council, the DILG and such other agencies as may be determined by the chair as members.

Ang NTF subgroup on food security ay ni-reorganize at ginawang NTF Task Group on Food Security sa ilalim ng pamumuno ng DA bilang chair, at binubuo ng mga sumusunod na ahensiya: ang DTI, NEDA, DSWD, DBM, DepEd, DOST, NSC at DILG, at kung sino pa iyong ahensiya na gustong ipasok ng chair.

E.) With a view to assist and support sugar farmers and the sugar industry, the recommendation of the DA to encourage LGUs to include sugar in their relief good packages is adopted.

Aprubado po ang rekumendasyon ng DA na hikayatin ang mga LGUs na isama ang asukal sa mga relief goods sa kani-kanilang lugar upang tulungan ang ating sugar industry.

F.) The NTF Chief Implementer is hereby authorized to establish, reorganize and abolish NTF subtask groups as may be necessary to carry out the government’s response to the COVID-19 health event.

Si NTC Chief Implementer Secretary Carlito Galvez ay pinahihintulutan na bumuo, bumuwag at i-reorganize ang mga NTF subtask groups kung kinakailangan upang paigtingin ang kampaniya ng gobyerno laban sa COVID-19.

Before I wrap up and answer questions from the media, we would like to share a few more updates with the public. Kahapon po nabanggit ko na inilunsad na ng Department of Finance ang Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program para tulungan ang mga maliliit na negosyo. Kahapon naman po ay inilunsad ng Department of Tourism ang isang online training program para sa ating mga tourism stakeholders para maka-adjust po sa sinasabing new normal sa industriya.

According to the DOT, the program called ‘DOT Online Training’ will cover two subject areas:

1.) Tourism enterprise which involves monitoring, evaluating and learning from past and present situations to enable tourism stakeholders to prepare better for the future.

2.) Filipino brand of service which applies the seven Filipino values or seven ‘Ms’ that characterize Filipino hospitality, namely: May likha, Makatao, Makakalikasan, Makabansa, Masayahin, May bayanihan at May pag-asa.

Sa ating mga stakeholders sa turismo, makakasali po kayo via a Zoom video conferencing tulad po ng ginagawa namin sa mga meeting namin sa IATF. Pumunta lang po kayo sa website ng Department of Tourism para po sa mga detalye. Salamat po DOT.

Aside from holding meetings online, using different applications, the ECQ has compelled those of us fortunate to have internet connection to go online to perform tasks that would ordinarily require us to leave our homes.

Ngayon, may mga bumibili ng groceries at tinapay online at pinapa-deliver na lamang; may mga nag-o-online banking o nagbabayad ng bills online. While this has helped many of us cope with the limitation brought about by the ECQ, the National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division and the Bangko Sentral ng Pilipinas report a 100% increase in phishing – at pag sinabi kong phishing that spelled with a ‘p’ and ‘h’ – and warned everyone to be cautions when it comes to your bank details. Bale ang modus operandi ng phishing ay may mga taong magpapanggap na empleyado sila ng bangko mo at hihingin nila ang detalye ng account mo tulad ng account number o password. Huwag po ninyo ibigay ang mga iyan, hindi po hihingi ng bangko ninyo iyan kahit kailan man, kahit sa anumang pagkakataon.

Wina-warn din po tayo na mag-ingat po sa mga humihinging donasyon online, may mga criminal na nagpapanggap na kasapi sa mga respetadong institusyon. So, we encourage everyone to please double check and verify these requests for donation. Mas mainam po na magbigay sa mga personal na kakilala natin o personal na iniendorso ng malapit sa atin, okay.

Ngayon, kung may mga reklamo po kayo hinggil dito, puwede po ninyong i-report sa NBI. Mayroon din naman po silang NBI website. Kaya salamat po, alam kong mahirap na trabaho ito, kaya salamat po sa NBI at sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ngayon, noong IATF briefing noong Miyerkules, nabanggit ko na nasa 16 testing centers na tayo sa buong bansa. Yesterday, the Department of Health announced that it has accredited one more institution, the Chinese General Hospital in Manila, bringing the number of testing centers in the country to 17. So, as of today, the following are the DOH accredited testing site nationwide:

  1. Research Institute for Tropical Medicine in Muntinlupa City
  2. Baguio General Hospital and Medical Center in Baguio
  3. San Lazaro Hospital in Manila
  4. Vicente Sotto Medical Memorial Center in Cebu City
  5. Southern Philippines Medical Center in Davao City
  6. University of the Philippines National Institute of Health in Manila City
  7. Lung Center of the Philippines in Quezon City
  8. Western Visayas Medical Center in Iloilo City
  9. Bicol Public Health Laboratory in Legazpi City
  10. St. Luke’s Medical Center in Quezon City
  11. Victoriano Luna Hospital in Quezon City
  12. The Medical City in Pasig
  13. Makati Medical Center in Makati City
  14. Molecular Diagnostics Laboratory in Mandaluyong
  15. St. Luke’s Medical Center in Taguig
  16. Philippine Red Cross in Mandaluyong
  17. Chinese General Hospital in Manila City.

I also mentioned at an earlier briefing that pursuant to IATF Resolution # 23, and I quote, “Subject to the evaluation of the Department of Budget and Management, the Department of Health is directed to facilitate the emergency hiring of additional health care workers to assist in the local healthcare system.”

Yesterday, the Department of Health announced that it is looking for healthcare professionals to augment its manpower in its ongoing operations relative to the COVID-19 outbreak. Sinabi po nila na ang emergency hiring ng mga doctor, nurse at iba pa ay contract of service basis minimum ng tatlong buwan. Iyong mga maha-hire ay ide-deploy sa DOH designated COVID-19 referral hospitals, temporary treatment at monitoring facilities for COVID-19, mga DOH designated na COVID-19 diagnostic facilities, pampublikong ospital na may COVID-19 cases at pribadong ospital na designated ng DOH para sa COVID-19 cases.

Bukod po dito, may malungkot din po na balita ang DOH. They reported that a total of 766 healthcare workers in the country are confirmed to have COVID-19 – 339 doctors and 242 nurses. May 766 na health workers po tayo na nahawa na ng COVID-19, 339 na doctor, 242 na nurse. At sa kabuuan—actually 22 na po ang pumanaw dahil sa sakit na ito na mga health workers po natin. So, this is just another somber reminder for all of us to do our part to contain this outbreak.

Kahapon, may 218 na bagong kaso, 5,878 na po ang total na kaso natin ng COVID-19 sa bansa. May 25 pa na dagdag na fatalities, kaya 387 na po ang total natin. Samantalang may 52 naman po ang naka-recover sa sakit na ito kahapon para sa total na 487 recoveries as of yesterday.

Hindi lang po mga numero ito, mga totoong tao po ito – people who have families, who have loved ones, who have friends – each loss cannot be quantified. Masakit po ito para sa ating lahat. But we are not powerless against this disease, we can do something about it. We – ikaw, ako, tayo. We can prevent painful losses among our health workers, sa kapwa nating Pilipino, may magagawa po tayong lahat para makaligtas ng buhay: Sundin ang ECQ, manatili sa bahay, maghugas ng kamay, gamitin ninyo iyong stay safe.ph app para makatulong din kayo sa gobyerno.

Kaya tandaan: Bahay Muna, Buhay Muna. Together kapag tayo ay magsama-sama, we can beat COVID-19; and together, we heal as one. Maraming salamat po.

I will now be reading … babasahin ko na po ang mga katanungan mula sa media.

From Kris Jose/Remate/Remate Online: “Plano po ng Pilipinas at Japan na simulan na iyong clinical trials ng Avigan bago o matapos ang month of April sa pag-asa po na ang paggamit ng anti-influenza drug ay gamot o makakagamot sa COVID-19. Sir, bukod po sa Avigan, mayroon po bang ibang gamot o posibleng gamot na kinukonsidera ang Pilipinas na panlaban o sa COVID-19?”

Ang Department of Health siguro ang tanungin natin diyan, pero ang alam ko po is naisama na rin po ang Pilipinas doon sa solidarity trials ng WHO. So, ang pagkaintindi ko po is doon sa mga paggawa ng mga clinical trials ng WHO ay maisama rin po ang mga pasyente natin mula sa ating bansa. So, for more details, let’s refer the question to the Department of Health.

“Patanong lang po ng isang netizen mula sa Imus, Cavite. Uuwi raw po ang asawa niya na OFW sa May 1 or May 2 coming from Indonesia. Assuming lifted na po ang ECQ, ika-quarantine pa raw po ba ang asawa niya or puwede sa bahay na lang at mag-self-quarantine lang siya? He is okay, just coming home. Quarterly leave raw po ng asawa niya, dalawang weeks lang po siya dito sa Pilipinas. Wala pong agency na humahawak sa asawa niya; direct hire daw po, considered po siya as resident of Indonesia. Salamat po.”

May meeting po kami sa Lunes sa IATF at aming pag-uusapan doon kung ano iyong mangyayari after April 30, at palagay ko naman ay kasama ito sa pag-uusapan namin. Kasi kung matatandaan ninyo, iyong mga guidelines po namin up to April 30 hinggil sa mga mula sa ibang bansa is kailangan mayroong quarantine. In fact, ang gusto nga naming mangyari is pagpasok dito ay diretso na naming ika-quarantine, hindi na po home quarantine, ano po.

So, kaya nga po tayo nag-refurbish at nag-furbish ng mga quarantine and isolation facilities at mayroon po tayong nahiram na mga barko para dito at may mga hotels din po tayong mga ginagamit para po lahat ng mga mula sa ibang bansa ay didiretso natin doon for isolation. But, yes, you’re right that is only—well, the guidelines is up to April 30.

Anong mangyayari after April 30 ay pag-uusapan namin sa Lunes. So, necessarily kahit iyong guidelines tungkol po diyan ay pag-uusapan naman po namin. So, hintayin na lang natin kasi sa Lunes pag-uusapan namin, irerekumenda pa namin ito kay Pangulo; at ultimately, si Pangulo iyong magdedesisyon.

From Bella Cariaso/Bandera: “Good morning, CabSec. Ask ko lang po iyong appeal ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian for the DOH to reconsider iyong hindi pagsama ng mga PUMs sa mass testing. Based kasi sa experience nila, iyong mga PUMs were also tested positive. Sa revised rule ng DOH, iyong mga suspected na lang ang pasok sa mass testing at iyong probable hindi pa sila kasama. Salamat.”

Actually, kung narinig ninyo po iyong IATF resolution namin noong nakaraan ay sinabi ko nga po na kasama iyong PUMs, hindi ba? So, kahit na ganoon na iyong bagong classification ng WHO which sinunod naman ng bansang Pilipinas, we went over and beyond that. In other words, iyong PUMs, PUMs pa rin for purposes of iyong tinatawag na testing. So, hindi po mawawala sa equation namin iyong pagte-test. So, tama iyong sinabi ni Mayor Gatchalian ng Valenzuela. Tama rin po iyong ginawa nila sa Valenzuela na kahit PUMs nila ay tini-test nila; ganoon din po iyong gagawin namin sa national. Kaya nga po sa Monday babasahin ko na rin po in detail kung ano iyong napagkasunduan namin doon sa paggamit kahit ng rapid test kit, kasi iyong rapid test kit kasama na rin po iyon sa aming testing protocols.

At gusto ko rin pong ibalita na may bagong testing kit na rin na pumasok dito sa ating bansa. Pumasok na kahapon, dumating na kahapon iyong GeneXpert. So, iyong GeneXpert po is also a lab-based testing kit or device. Pero ang kagandahan nitong GeneXpert is forty-five minutes na lang po ang kaniyang turnaround time. So, it’s not like iyong PCR lab-based natin na kung saan ang turnaround is twenty-four hours, iyong iba minsan forty-eight hours depende sa queuing ‘no. Pero ideally ang gusto natin sa PCR lab-based is 24 hours, so halos one day. Ang GeneXpert, lab-based pa rin siya pero forty-five minutes, less than an hour ang turnaround time so mas mabilis iyon.

Over and beyond that, mag-u-utilize pa tayo ng rapid test kits. So, tatlo na po ang testing na gagamitin natin para mapabilis ang pagte-test natin. Sinabi nga ni Secretary Galvez sa meeting namin sa IATF kahapon, lahat ng mga PUIs, PUMs lalung-lalo na sa Metro Manila ay gusto natin na ma-test na po lahat using those three devices.

So, iyon po, hindi po mawawala sa equation ang PUMs. Tulad ng ginawa sa Valenzuela na tinest nila, ite-test din po natin ang mga PUMs, hindi po mawawala iyan.

From Arianne Merez/ABS-CBN News Online: “Sec. Galvez said last night that we can already conduct 8,000 to 10,000 tests per day with the new laboratories. By the end of the month, ano na po ang target na testing capacity?

I think iyong computation ni Sec. Galvez is taking into consideration na we already have those three tests. So, kahit sabihin nating seventeen iyong subnational laboratories na accredited ng RITM, mayroon pang papasok na GeneXpert na pumasok na and I believe we have three thousand cartridges that we can use and then every week may darating niyan. And at one point iyong three thousand na cartridges, aakyat nang aakyat iyan so magiging from three thousand magiging six thousand cartridges iyan. So iyong testing capability natin ay dumadami na plus mayroon pa tayong rapid test kits. So, in that context maa-attain na rin natin iyong 8,000 to 10,000 target natin. Kaya sabi nga ni Sec. Galvez, lahat ng PUIs at PUMs na na-identify na rin naman natin sa buong Metro Manila ay mate-test na po natin.

“Will the IATF regulate the private use of rapid test kits?”

Kaya nga sa Monday idedetalye ko na po iyong paggamit ng rapid test kits.

“Sabi po ni Valenzuela Mayor Gatchalian dapat isali pa rin ang PUMs sa priority [sa] COVID-19 testing.”

Yes, as I answered kanina, kasama po ang PUMs sa testing. Not just in Metro Manila, the entire country kasi alam naman ng bawat LGU … alam ng bawat LGU kung sino iyong mga PUMS, PUIs nila. Ngayon, dahil nag-utos na nga si Pangulong Duterte na gamitin na iyong rapid test kits, pinaynalize na ng IATF iyong utilization ng rapid test kits. At alam ko po maraming mga LGUs ngayon ang … on their own, are already thinking about buying rapid test kits dahil nga po nagbigay na ng utos si Pangulo sa national government to purchase.

So, that’s the reason why sa Monday po idedetalye namin kung ano iyong … kung paano natin gamitin iyong rapid test kits because I know the LGUs have already purchased or are already in the process of purchasing. Ang tanging payo lang po namin sa mga bibili ng rapid test kits, please lang po ang bilhin ninyo iyong mga in-accredit na ng FDA natin.

Kasi mayroon pong 14, kung hindi ako nagkakamali, 14 brands or types ng rapid test kits na in-accredit po ng ating FDA. So please, please just use those testing kits na accredited ng ating FDA. And please, iyong paggamit ng rapid test kits, number one, can only be administered by a physician. Iyon po.

So FDA approved and dapat iyong physician, kasi gusto namin doktor talaga ang mag-a-administer niyan dahil po ayaw namin iyong mga false positive, false negative; pati para ma-manage ng doktor iyong expectations nang tinest.

Pangalawa, kailangan nagsusuot ng PPE iyong doktor na magbibigay ng tests ha, hindi iyong basta-basta na lang i-ano na iyan sa barangay, iti-test iyan sa barangay. Ayaw din po namin na kahit sinu-sino na lang po ang magpapatest niyan kasi kukunan ka ng dugo eh, kukunan ka ng dugo. So hindi puwede basta kung sino na lamang ang kukuha ng dugo; kailangan doktor po. Tapos iyong doktor na kukuha ng dugo dahil may biohazard nga iyan at dahil biosafety ang ating pinu-promote ay dapat naka-PPE din po iyong doktor. So ididetalye ko po sa Monday. That’s from Arianne Merez.

So from Argyll Geducos/Manila Bulletin: “There are reports saying you told businessmen in a briefing that President Duterte was leaning to extend the ECQ until mid-May?”

Naku, napakalayo sa katotohanan. This is totally false, totally untrue, totally fake. So huwag na po nating patulan iyan. So fake, false, untrue, totally, totally.

From Aileen Taliping/Abante: “Question for CabSec. Sa kabila nang paulit-ulit na panawagang stay at home, may mga pasaway pa rin na lumalabas gaya ng ilang senior citizens na nagda-jogging sa PICC ngayong umaga. Walang sumisita sa kanila at mayroon ding bikers. Ano po ba ang puwedeng gawin sa mga taong matitigas ang ulo at mangangatwiran pa sa kabila ng peligro ng COVID-19? Puwede ba silang sampolan kahit senior citizens sila?

Actually iyong batas, walang sinasabing exempted ang senior citizen ha. At nagpadala na po kami ng team doon sa PICC. So salamat po sa information at nagpadala na po kami ng joint team ng PNP, AFP po doon.

From Vans Fernandez/Police Files/DZRJ: “With PDLs (Persons Deprived of Liberty) and several personnel testing positive for COVID-19, what steps does the government consider taking in ensuring the health of all inmates and prison personnel especially those who are infected and most vulnerable?”

Pinag-usapan din namin ito sa IATF ‘no. So number one, as far as the BJMP is concerned, bawat BJMP facility ay mayroon na po tayong tinatawag na prepared or ready na isolation facility, okay. So if ever may indications/symptoms, alam na po ng mga BJMP personnel kung anong gagawin – isolate agad, isolate agad. So na-prepare na po iyong isolation facilities sa lahat ng mga facilities ng BJMP. BuCor ganoon din. In fact, ang sinabi ni Secretary Guevarra, mas madali actually iyong management ng BuCor kasi mas malaki at mas malawak iyong space nila.

So sa BuCor also, facilities ng BuCor, Bureau of Correction, mayroon din pong mga facilities na naihanda na po doon sa BuCor, within the BuCor facilities kung saan puwede na pong i-isolate iyong mga suspected or probable na COVID-19. So nakahanda na po ang lahat.

Ngayon, with regard naman doon sa release of PDLs, ganito, ang sagot po ng IATF at dahil ito rin po ng Department of Justice Secretary, Secretary Gueverra, mayroon po tayong pending petition sa Korte Suprema. So hindi po tayo puwedeng magbigay ng komento tungkol diyan dahil sub judice rule nga po. Pero ang maaari ko lang pong banggitin ngayon ay inihahanda na po ng Department of Justice through the Solicitor General ang sagot po doon sa petisyon na iyon. So abangan na lang po natin kung ano iyong magiging desisyon ng Korte Suprema tungkol diyan.

From Bella Cariaso/Bandera: “Pa-ask na rin iyong sa Marikina City—

Oo, bumisita na si Secretary Duque doon. After mag-complain si Mayor Marcy sa delay ng accreditation ng testing centers, ngayon ang sinasabi ni Sec. Duque, “One of the best I’ve seen.” At nabanggit ko na rin po ito kahapon, ‘di po ba. Ang sinabi nga namin is, number one, wala kaming pinapahirapan; mas gusto nga namin mas maganda na mas maraming mga testing laboratories ang ma-accredit – number one. Number two, we’re also not playing favorites here. Pero siyempre napag-usapan iyong tungkol sa Marikina as of policy, as an example for guidance for policy. At iyon, ang nabanggit nga namin kahapon is, they’re already in the advanced stages of accreditation. And ang last step na lang is iyong test, iyong proficiency test ng laboratory at nung kanilang personnel. If they passed the test, then wala tayong problema.

So regardless of—obviously may …ang comment ni Secretary Duque, it’s one of the best that he’s ever seen. So all the more we’re hopeful that the personnel ng Marikina will pass the proficiency test; and we hope, we really hope that they will para mabuksan na po natin iyong laboratory. But as far as the proficiency of the lab is concerned, eh kung sinabi ni Secretary Duque it’s the best that he’s ever seen, then obviously plus points iyon for Marikina’s accreditation as far as the proficiency of the laboratory is concerned. So ang last na lang natin is the proficiency of its personnel.

And I’m sure Mayor Marcy got the best possible personnel that he can find for the Marikina lab. So we’re all crossing our fingers, and we’re hopeful it will be number 18 of the accredited laboratories to add up to our testing capacity.

And last, Angel Ronquillo/DZXL/RMN: “Ano ang masasabi ng IATF sa ginawa ng isang lalake sa Cavite na benepisyaryo ng SAP pero pinambili ng droga?”

Eh kung pinambili ng droga, eh di dapat i-crackdown ng PNP iyan.

“May gagawin bang paghihigpit ngayon ang DSWD sa mga mabibigyan ng tulong pinansyal?”

Yes, in fact, kasama po sa proseso iyan. Not just in Cavite but in the entire country kasama po sa proseso ng validation ng DSWD and mayroon pang validation na gagawin ang COA later on kasi kasama rin naman iyan sa procedure and protocols ng ating gobyerno – may COA audit pa iyan.

But even before that, upon the distribution ng LGUs ng SAP assistance sa ating mga beneficiaries, mayroon pong protocol iyan na immediately within seven days – I believe, if I am not mistaken, i-validate ng DSWD. During the validation, kapag may nahuli or nakita ang DSWD na may mga nakatanggap ng kuwarta na hindi naman qualified eh, number one, dapat isauli ang pera, refund, kasi hindi qualified iyon. Bayaran ng LGU or isauli ang pera.

Number 2, iyong automatically magkaroon ng investigation at magkaroon ng criminal, civil and administrative sanction and kung ito addict, eh dapat tulungan tayo ng LGU na hulihin iyan kasi they are part of the law enforcers, that is part of the system. So, huhulihin natin iyan, ikulong natin kung talagang addict iyan.

Yes, the systems are in place for validation and iyon po ang magiging repercussions ng ganyan.

So sa mga may-ari o gumawa ng mga material na aming ginamit sa slides kanina at sa mga nakalipas na pressers na gumamit po kami ng slides, maraming, maraming salamat po. We acknowledge all of those whose slide we used kahapon and today and all the other pressers na gumamit po kami, salamat sa pagpahiram po ninyo nung slides para mas lalong maintindihan ng ating mga televiewers. Maraming salamat sa inyong tulong sa pagpapaintindi sa ating mga kababayan sa ipinapahayag po natin dito.

Ating mga kababayan, maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan sa inyong pamahalaan. Gaya ng sabi namin at pinag-usapan din po namin ito sa IATF, kayo po ang first line of defense natin kontra COVID-19. Kaya bahay muna, buhay muna.

Sa ating mga kasama sa pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon sa iba’t ibang mga media outlet sa TV, radyo at online na naka-hook up po sa amin ngayon, maraming, maraming salamat po. At salamat din po sa Google Philippines, sa Facebook Philippines at You Tube na naka-hook up din po sa atin today. Maraming, maraming salamat po.

At nasa weekend na po tayo, after nito sa Lunes, pag-uusapan na po namin ang mga posibleng scenarios after April 30. At ang napag-usapan nga namin kahapon, sa mga miyembro ng IATF, please prepare yourselves for Monday dahil ina-anticipate po namin na medyo magiging extensive po ang discussions tungkol dito. Siyempre lahat ng mga miyembro ng IATF ay may kaniya-kaniyang rekumendasyon, may kaniya-kaniyang suhestyon, at kung maiintindihan po natin, siyempre ang lahat ng miyembro ng IATF may sari-sariling mandato at jurisdiction at may sariling set of stakeholders o lahat ng iyan. So, ibabalanse po namin ang lahat, kaya nga po naging malaking tulong para sa amin na na-define na ang limang parameters: iyong epidemiological curve, iyong health capacity, iyong social aspect, iyong economic aspect at iyong security aspect. So, doon po namin pag-uusapan within that context gamit iyong tool na iyan at magiging extensive po talaga.

Siguro ito, isang topic lang siguro ang mangyayari sa Monday dahil ganoon nga po, lahat po kami ay may sariling mga recommendations at suggestions. But at the end of the day, unang-una, we will arrive at a consensus, iyong IATF. Pangalawa, anuman ang magiging rekumendasyon namin ay ultimately si Pangulong Duterte pa rin po ang magdedesiyon. So, ganoon po iyong proseso, kaya abangan na lang po natin sa Lunes.

Gagawin namin ito para sa ganoong paraan kung makakarating na po kami sa isang desisyon at lalung-lalo na si Pangulo, at least hopefully by next week medyo makapagbigay na tayo ng liwanag kung ano ang mangyayari after April 30, dahil iyong April 30 po ay iyong susunod na linggo.

So in the meantime, gaya ng sinabi ni Secretary Año, nasa last stretch na po tayo. Kaya napilitan si Pangulo na maghigpit kasi ayaw po nating masayang iyong nasakripisyo na po natin mula sa simula. Kapag sinabi po naming sakripisyo, hindi po ito ibig sabihin lamang ng sakirpisyo natin, inyo or ako or iyong mga nanunood ngayon sa telebisyon at nakikinig, hindi lamang po iyong personal na sakriprisyo nating lahat dahil hindi po natin makukumpara iyan sa mga kababayan natin na pumanaw na at sa sakripisyo nila at sakripisyo ng kanilang pamilya at kaibigan. Kaya siguro napapanahon na maisip din natin iyon, lalung-lalo na iyong mga health frontliners natin, iyong mga doctor at nurse na pumanaw na at ngayon sa kasalukuyan ay na-infect ng COVID-19 at lumalaban para sa kani-kanilang buhay. So, siguro isipin natin iyon na hindi lang ang ating personal ang sakripisyo pero ang sakripisyo ng ibang mga Pilipino na nasa frontline sa laban na ito.

So, with God’s grace as we all believe, sa tulong po ng Maykapal at sa tulong ng bawat isa, kaya nating lagpasan ito. We can beat COVID-19, with everyone’s cooperation and with the grace and help of God. Daghang salamat. Maayong buntag. Amping kanunay. Padayon mo sa inyong pag ampo, daghang salamat.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)