Press Briefing

Laging Handa Public Briefing Hosted by PCOO Secretary Martin Andanar & PCOO Undersecretary Rocky Ignacio with PCOO Chief Brand Integrator Assistant Secretary Ramon Cualoping III; PCOO-Bureau of Communications Services Director Princess Pebbles Duque; Albay 2nd District Representative Joey Salceda; PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac; and Philippine Coast Guard Civil Relations Service Acting Deputy Chief Commodore Armando Balilo [via phone patch] Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

SEC. ANDANAR:  Magandang araw Luzon, Visayas at Mindanao. Ako po si PCOO Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Bilang pagtupad sa ating mandato na maghatid ng mahalagang balita at impormasyon sa ating mga kababayan, binuo ng buong puwersa ng PCOO ang programang ito upang magsilbing plataporma para sa mga mahahalagang usapin tungkol po sa patuloy nating paglaban sa banta ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Ang programang ito ang magbibigay-daan para maitanong ang mga mahahalagang tanong ng mga kasama natin sa media at ng mga mamamayan na agad naman pong sasagutin mga kawani ng ating pamahalaan. Samahan ninyo po kami sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayong araw dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

SEC. ANDANAR:  Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Narito na po ang update sa bilang ng kaso ng COVID-19. As of 4 P.M., March 21, 2020, umabot na sa 307 o tatlong daan at pito ang dami ng kasong naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa. Samantala sa huling tala ng DOH kahapon, nasa labing siyam na po ang nasawi habang labing tatlo naman po ang naka-recover sa COVID-19

SEC. ANDANAR:  Ilang araw matapos ang pag-anunsiyo ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, marami pa ring tanong ang mga kababayan natin. Kaya naman nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 Hotline. Sa pamamagitan po ng linyang ito puwede kayong kumonsulta kung sa tingin ninyo po ay may sintomas kayo ng COVID-19. Puwede rin kayong humingi ng assistance sakaling kayo ay may kilalang na-expose sa mga confirmed cases or patient under investigation. Kaya huwag po kayong mag-atubiling tumawag, bukas po ito para sa lahat ng ating mga kababayan. Tumawag lang po sa (02)8942-6843. Para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers maaari ninyo pong i-dial ang 1555.

USEC. IGNACIO: Samantala umapela naman po si Senator Bong Go sa GSIS upang matulungan ang ating mga kababayan sa pagbibigay nang mas maaga para sa kanilang pensiyon, agarang pag-apruba ng mga emergency loans at pag-waive po sa mga penalties. Kaugnay nito, ayon kay GSIS President and General Manager Rolando Macasaet, handa naman daw tumulong ang GSIS sa kanilang mga members, pensioners at beneficiaries. At para naman po sa mga emergency loans, pinag-aaralan na nilang mabuti kung paano po gagawin; pero sinisiguro nila na may nakahanda naman po silang pondo para dito.

SEC. ANDANAR:  Ngayon po naman mga kababayan ay nais lang po nating magbigay din ng update sa inyo sa mga pangyayari diyan po sa Italy kung saan nauungusan na, na-overtake na ng Italy iyong kaso doon sa China. So, so far ang coronavirus cases diyan po sa Italy ay nasa 53,578; ang mga patay ay nasa 4,825; iyong naka-recover po ay 6,072. Ang populasyon po ng Italy base doon sa 2019 data ay nasa 60,550,075 at ang mga documented Filipinos na nakatira o nagtatrabaho po sa Italy ay nasa 108,000, wala pa ho diyan iyong mga undocumented na ang tala ay nasa beinte mil hanggang otsenta mil (20 to 80 thousand), undocumented Overseas Filipino Workers.

USEC. IGNACIO: Yeah. Kanina nga kausap ko si General Banac, napakahalaga Secretary talaga noong pagsunod ng mga tao at pagpapatupad ng LGUs sa mahigpit na kautusan ni Pangulong Duterte at ito ngang mga patakaran dito sa ilalim ng enhanced community quarantine. Napakahalaga po niyan para maiwasan na talaga iyong pagkalat.

SEC. ANDANAR:  So I believe iyong mga images na napapanood ninyo, ito po ay sa Italy. Siguro marami na rin kayong nakita sa social media, nanggaling po sa mga bonafide media agency sa Italy, ganoon po kaseryoso ang problemang COVID-19. Marami pa po tayong mga kababayan na pasaway, marami pa rin po ang hindi sumusunod.

USEC. IGNACIO: Opo, hindi siniseryoso iyong banta, napakalaking banta nitong COVID-19 sa bansa.

SEC. ANDANAR:  Iyan… So kaugnay pa rin sa mga social media news ay mayroon po tayong social media team sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO: Kaya ngayon naman po ay upang talakayin ang bagong website para sa COVID-related updates at Facebook page ng Laging Handa, makakasama natin ang ating mga guest mula po sa Presidential Communications Operations Office na sina Bureau of Communications Services Director Princess Pebbles Duque, siya iyong ‘Laging Handa Queen’ talaga eh. PCOO Chief Brand Integrator Assistant Secretary Ramon Cualoping III. Magandang araw po sa inyo.

SEC. ANDANAR:  Pag-usapan natin muna Pebbles – tawag ko kay Princess, Pebbles eh – pag-usapan natin itong covid19.gov.ph. Ano po ang aasahan ng ating publiko dito sa ating kaka-launch lang na website?

DIRECTOR DUQUE: Bale Secretary Martin, gusto kong bumati. Magandang umaga po at maayong buntag sa inyong tanan. First of all po, ang layunin po ng website po ng covid19.gov.ph ay dalawa: Una, ito ay magsisilbing information kung saan lahat po ng impormasyon ng mga hakbang ng gobyerno ay nandito na and all-access na po lahat ng ating mga kababayan dito sa website na ito. Pangalawa po, magsisilbi rin po itong gabay o proteksiyon para din po sa mga nagkakalat po na hindi valid or invalid information po para po ma-guide po ang ating mga kababayan kung ano po iyong mga totoo dahil, lalung-lalo na po sa panahon ng social media, simpleng post lang po ay nagiging balita na po.

So ito po, dito po sa website na ito, dito ninyo mabe-verify lahat po ng information, lahat ng mga action, hakbang ng gobyerno at lalung-lalo na tayo ay nakikipagtulungan sa DOH sa lahat ng mga galaw, lalong-lalo na sa IATF information.

SEC. ANDANAR:  Asec. Mon, ikaw iyong Editor-In-Chief nitong ating covid19.gov.ph. So ano iyong mga features ng website na dapat ay puntahan ng ating mga kababayan?

ASEC. CUALOPING: Una sa lahat, magandang umaga Sec. Martin, Usec. Rocky at sa lahat ng nakikinig. Maayong buntag buong Pilipinas. Ang covid19.gov.ph po ay isang proyekto ng PCOO, kasi naiintidihan naman ng PCOO in times like these, in crisis, napakaimportante ho ng tamang impormasyon; impormasyon na mailahad sa publiko para at least ma-allay iyong panic, magkaroon ng tamang impormasyon na dapat malaman ng lahat. So nandoon na ho sa website.

Una ho, aggregated ho lahat ng verified news sources galing sa gobyerno – sa Philippine News Agency, sa Philippine Information Agency, sa PTV at Radyo Pilipinas. Kasama na rin ho ang mga data, mga circulars, mga memos galing ho sa mga iba’t-ibang departamento ng gobyerno – DOH, DILG, DICT, DOTr, PNP – lahat ho ng mga frontliners sa COVID-19 crisis. Nandiyan din ho ang isang corner sa ating website para i-dismiss iyong disinformation, kasi ho nagkalat ang mga fake news.

Napakarami ho, kung nababasa natin, one week na ho tayong naka-quarantine, sa bahay lahat tayo naka-Facebook, naka-Twitter, lahat tayo may nababasa, may pananakot na nangyayari. Mayroon ho tayong part doon sa website to dismiss disinformation. Nandoon din ho ang mga videos on demand kasama na ang briefing na ito, ang Public Briefing ni CabSec Nograles, ang mga speeches ho ng Pangulong Duterte, pati na ho ang mga ibang kampanya na ginawa ng PCOO at ng DOH at ng PIA para matulungan ang bayan at ang gobyerno para mahinto na itong COVID-19 na ito.

USEC. IGNACIO: Paano naman daw po maga-guarantee ang safety nito against hackers na manggugulo at magpapakalat ng fake news? Hindi maiiwasan kasi iyan, Pebbles?

DIRECTOR DUQUE: Sa tulong po ng DICT team, sinisigurado po namin sa publiko na 24/7 po naming binabantayan ang website na ito at lahat po ng aming team po ay nakatutok po talaga dito. Kung may mga glitches po na nangyayari, agad-agad po naming ginagawan ng paraan.

SEC. ANDANAR:  Okay. Director Pebbles, pag-usapan naman natin ang ating mga social media accounts dahil maraming social media accounts ang Presidential Communications Operations Office. Ano dito iyong ating dapat sundan pagdating sa mga COVID-19 na balita?

DIR. DUQUE: Secretary una po, mayroon din pong social media account ang Laging Handa Philippines at lahat po ng information din po lalung-lalo na Facebook po halos million po ang taong nasa Facebook na nakatutok po. Eh, nandoon po lahat ng information din ng lahat ng gobyerno. So sa Facebook din po at the same time lahat ng attached agencies po ng PCOO, kasama din po lahat, naglalabas din po ng mga information.

Pero ang kagandahan po kasi ng Laging Handa at I think, iyon din po ang layunin ng public briefing na ito is, iniisa na ho natin lahat ng information para hindi na po nalilito or hindi na po kung saan pupunta iyong ating mga kababayan. We are guiding them actually, sir.

SEC. ANDANAR:  So, you are recommending, Asec. Mon na kung mayroon mang i-share iyong ating mga kababayan na mga info-graphic ay doon na galing sa Laging Handa na Facebook.

ASEC. CUALOPING: Opo, Sec., alam naman natin na sa nangyayari ngayon, napakaraming—it’s a chaotic situation on social media, tawag nga natin cluttered, sobrang cluttered ang social media ngayon. Pero sa panahong ito, you have to trust your government, you have to believe your government and when you trust and believe the government, mas mapapadali ho ang trabaho ng lahat – ng private sector, ng public sector. At isa po sa napaka importanteng parte para mapanatili iyong trust and confidence ng bawat isa ay ang website, ang information. Kaya po ang website covid-19.gov.ph, we guarantee you na verified, vetted iyong data at ang gobyerno ay nandito para sa inyo, ilalahad ang tamang impormasyon. So, kung mayroon po kayong ise-share, mayroon kayong gustong malaman at kung may pag-agam-agam kayo, pumunta lamang po sa covid-19.gv.ph at we will try and we will do our best to answer everything that you ask for.

SEC. ANDANAR:  All right, mayroon lang isang feature, Rocky na gusto kong linawin kay Asec. Mon or kay Pebbles. Mayroon kasing tab doon na volunteer, how do you actually volunteer and what is the mechanism for volunteers?

DIR. DUQUE: Actually, iyong pag-volunteer po niyon, may question po doon, magpi-fill up sila ng form pero may question doon na how do you want to volunteer. Because from there maa-assess natin kung saan, kunwari kung gusto nila like doctor sila or nurses po sila, puwede natin tulungan sila na i-forward sa mga respective hospitals ng DOH po. Ngayon po ang alam ko po ay nag-anunsyo din po ang DOH na naghahanap po sila ng kanilang mga volunteers.

USEC. IGNACIO: Kasi, napakahalaga nga nitong Laging Handa website na ito kasi naka-diretso na, ang access ninyo, mga government information, agad-agad matutugunan. Ang tanong dito, kung pupuwede daw din po na mayroong magtanong doon, may feature ba na direktang tanong sa tao para sa members ng IATF or sa government?

ASEC. CUALOPING: Magandang idea po Usec. Rocky, iyong ganyan. Ang layunin naman talaga ng website na ito ay isang feedback mechanism din para malaman natin, ano iyong gusto ng tao, ano iyong mga tanong ng mga tao. So, sa mga susunod pong versions, hopefully within the week, magkakaroon na tayo ng function kung puwede saan magtanong iyong mga kababayan natin, kung magtanong tungkol sa ano bang programa, nasaan ba iyong checkpoints ngayon, ano ba iyong mga kailangan.

SEC. ANDANAR:  Or siguro iyong direction, you direct the viewers to the hotline. Kasi mayroong hotline ang DOH na ginawa. So, I think the hotline would suffice, as long as mayroong lang direksiyon. Kasi kanya-kanyang responsibility iyong ginagawa natin. Do you have any other question, Rocky?

USEC. IGNACIO: Wala na, Secretary. Nagpapasalamat po ako sa dalawang masipag na ito, dahil kahit na naka work-from-home ay nakita naman natin iyong kanilang effort na ito na nga po, mayroon ng isang website para po sa mga Pilipino na naghahanap lagi ng kasagutan sa kanilang mga tanong.

SEC. ANDANAR:  And perhaps on a daily basis, we can have them on virtual para at least masagot ni Director Pebbles iyong sa social media, masagot din ni Asec. Mon iyong mga katanungan at kung mayroon pang mga ibang features na naipapalabas ang grupo na ito sa covid-19.gv.ph.

DIR. DUQUE: Secretary, Usec, gusto ko na ring i-plug na available na rin po iyong ating Laging Handa updates sa viber, we are available on viber, karamihan po ng Pilipino ay nasa viber din po. Pangalawa po mayroon pa rin tayong Instagram at Twitter account din po. So please follow Laging Handa Philippines, iyon lang po.

SEC. ANDANAR:  Okay, thank you.

USEC. IGNACIO: Salamat kay Director Pebbles at kay Asec. Mon Cualoping.

SEC. ANDANAR:  And stay strong and healthy. Marami pa po tayong pag-uusapan sa aming pagbabalik kaya manatiling nakatutok dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. ROCKY: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

SEC. ANDANAR:  At upang sumagot sa mga tanong ng mga kababayan natin, kasama po natin live dito po sa studio sina Albay 2nd District Representative Joey Salceda. Magandang umaga po sa inyo, sir!

REP. SALCEDA: Good morning!

SEC. ANDANAR:  Kasama rin po natin si spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac. Magandang umaga po muli, sir!

GENERAL BANAC: Magandang umaga po, Sec. Martin at Usec. Rocky, magandang umaga po!

SEC. ANDANAR:  At si Philippine Coast Guard Civil Relations Service acting Deputy Chief Commodore Armando Balilo. Magandang umaga, classmate!

COMMODORE BALILO: Sir, classmate! Magandang umaga Usec. Rocky, Congressman Salceda, sir Banac sir, magandang umaga po!

SEC. ANDANAR:  At maya-maya makakausap po natin via phone patch si DOH Undersecretary Rosario Vergeire. – Rocky?

USEC. ROCKY: Mula naman po sa iba’t-ibang sangay ng PCOO, makakasama rin natin sa pagbibigay nang pinakahuling ulat sina Alexa Tinsay ng Philippine Information Agency; si Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service; si Rodirey Salas mula sa PTV-Davao; at PTV Correspondent Villanda, mula po sa Mandaluyong.

SEC. ANDANAR:  At ngayon naman simulan na po natin ang ating mga questions na kailangan nating maitanong sa ating mga guests today.

Para po kay Congressman Joey Salceda: Sir, ano po iyong current status ng Albay matapos magdeklara ng state of calamity ang ating Pangulo?

REP. SALCEDA: Sa tingin ko naman eh—sa obserbasyon ko dahil close po ako sa mga local government units, mga nasa 90% po ang compliance po. Although, siyempre, ang risk doon dahil po kulang na kulang po iyong pera ng mga barangay na naatasan po ng ating Pangulo para sila po ang magpakain doon sa mga hindi na puwedeng lumabas.

Istrikto po, may mga ECQ pass, iyong mga halos lahat ng barangay po may CEQ pass; may mga border controls at marami pong ipinapatupad para po magkaroon po ng physical distancing. Very clear po, hindi na namin ginagamit ang social distancing kung hindi physical distancing.

SEC. ANDANAR:  Maganda iyan para mas maintindihan para mas maintindihan din – physical distancing – very literal. Rocky?

USEC. ROCKY: Yes, naka-hook-up po ang DZBB sa atin at GMA News TV. Salamat kay Tuesday Niu. Ano po—

SEC. ANDANAR:  Kasama rin iyong mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas member stations ay naka-hook-up din sa atin.

USEC. ROCKY: Okay. Si Representative Salceda. Economic forecast, ano po iyong nakikita ninyong magiging epekto ng krisis ng COVID-19 na dala nito sa ating ekonomiya ng bansa?

REP. SALCEDA: Dahil po kailangang—iyong virus kasi puwede mo lang patayin kung ang ekonomiya ay patitigilin mo. Kaya solusyon talaga po na—kasi ang virus pong ito ay nagta-thrive through economic activity. So, kailangan po natin talagang pigilan muna iyong atin pong pagtakbo ng ekonomiya kaya nga work stoppage, class suspension. So, dahil ang buong Luzon po is about nasa out of – ng atin pong 19.5 trillion – nasa 14 trillion po, so, iyong pagpatigil po ng isang buwan, aabot po ng 1.57 trillion – iyon ang mawawala.

So, as percentage po ng buong ekonomiya, definitely bababa tayo ng mga 3%—2.57% subalit kung hindi natin ito gawin at nagkaroon po ng mass community transmission, kumbaga, runaway infections, mas lalo pong mawawalan ng kumpiyansa sa loob po ng atin pong sistema at lalong lalala po, so, baka po magkaroon po tayo ng recession.

Kung hindi natin ginawa ang lockdown, baka saka tayo magka-recession. Dahil nagpatupad tayo ng isang orderly lockdown na kung ano man po iyong mga gaps ay sasagutin namin bukas sa Kongreso para po talagang maging successful ito pong atin pong physical distancing. Sa pananaw ko po ay kaya pa po ng Pilipinas na mag-grow faster than the other countries in the world through at least, ang nakikita ko po kaya pa po natin mag-three percent – GDP growth rate.

SEC. ANDANAR:  Magandang point iyan, Congressman Joey sir, iyong binanggit ninyo na national recession at possible international recession – worldwide recession. Pero siguro we need longer time para pag-usapan iyan, so, we can invite you one of these days para pag-usapan natin iyan.

Dito muna tayo kay GENERAL BANAC: Sir, ito po ay tungkol sa mga kumakalat ngayon na issue sa mga gawain gaya ng looting — gaano po ba ito ka-totoo, ligtas pa rin po ba ang Metro Manila, ligtas pa rin po ba ang buong Pilipinas from looters?

GENERAL BANAC: Maraming salamat diyan sa katanungan na iyan, Secretary Martin, sir. Ang lahat po ng mga napaulat nitong mga nakaraang araw at nagdaang mga gabi na umano ay may mga insidente ng looting at nakawan sa iba’t-ibang dako ng Kamaynilaan ay pinabubulaanan po natin at kaagad nagpalabas ng pahayag ang ating PNP Chief, Police General Archie Francisco Gamboa, na wala pong katotohanan ang mga kumakalat na mga ulat na iyan sa ating social media.

In fact, as of today, Sec. Martin, napakaganda po ng ating situation, napakapayapa at tahimik at ang buong publiko ay nananatili sa kani-kanilang mga bahay maliban lamang doon sa mga lumalabas ngayon na mga essential workers at iyong mga delivery ng mga trucks for the basic goods and commodities at iyong mga emergencies.

At ito po ay hindi lamang sa Kalakhang Maynila kung hindi buong Luzon ay ganito po ang situation. In fact, bumaba po ng almost 80% ang crime rate, hindi lamang dito sa Kalakhang Maynila, maging sa Region III at sa iba pang dako ng Luzon. Kaya po tinitiyak natin sa ating publiko na wala pong dapat ikabahala, Sec. Martin, USec. Rocky, dahil napakaganda po ng enforcement, implementation ng atin pong Luzon-wide Enhanced Community Quarantine sa pakikipagtulungan po iyan ng mga frontliners natin ng PNP, AFP at ng ating mga local government units.

Subalit may mga na-encounter tayong mga kaunting problema of course, pero ang lahat ng mga ito ay nabibigyan naman natin ng solusyon lalo na pagdating sa barangay. So, may mga na-encounter tayo diyan po na mga problema.

USEC. ROCKY: May tanong lang po dito, General Banac. Ano daw po iyong polisiya ninyo naman pagdating—kasi mayroong pupunta sa burol, makikipaglibing, ano daw po iyong policy na ginagawa ng PNP dito?

GENERAL BANAC: Tama po, USec. Rocky. Batay po sa pinakahuling update na ibinigay po sa atin ng Inter-Agency Task Force, iyon lamang pong mga officiating priest, si Father, si Pastor at iyong minister ang maaari pong pumunta doon po sa funeral o sa burol. Wala pong mangyayaring lamay, mahigpit pong ipinagbabawal ngayon sa ilalim ng ating Enhanced Community Quarantine ang pagkakaroon po ng lamay.

So, tayo man ay nakikiramay, of course, sa mga namamatayan pero hindi po talaga maaari na magkaroon po ng gathering, pag-iipon-ipon ng mga tao para po iburol o para doon sa lamay. Tanging ang pinapayagan lamang po ay si Father, ang ating priest or iyong ating local Pastor or Minister na maaari pong pumunta roon sa pamilya upang makiramay at gawin po iyong pagdarasal at pag-console, pag-bless doon sa family. So, iyon lamang po talaga ang pinapayagan at maliban doon, wala na po talagang maaaring lumabas.

USEC. IGNACIO: Opo. May dalawang barangay ngayon sa Quezon City, Secretary, ang under ng extreme enhanced community quarantine. Ano pong kaibahan nito sa enhanced community quarantine na ginagawa sa buong Luzon? Paki-paliwanag po…

GENERAL BANAC: Well, itong ating mga local government units, lalo na iyong mga barangay ay may pinapatupad po na mga ganitong uri ng quarantine. Ito po ay polisiya ng ating mga local government units at iyon naman po ay ginagalang ng ating PNP dahil mayroon po silang karapatan din na mag-implement ng karagdagan pang mga polisiya. Subali’t hindi po magbabago ang guidelines ng ating inter-agency task force. Mananatili po na ang ating guideline ay iyon pong nai-publish na natin, maliban po doon sa mga exempted, wala na po talagang dapat lumabas.

Ibig sabihin, expected po, 24 hours ay we’re supposed to be staying at home; naka-curfew po talaga tayong lahat 24 hours. At maliban lang po doon sa mga exempted, iyon lang po talaga ang maaaring lumabas.

USEC. IGNACIO: Mayroon lang tayong puwedeng—siguro si Secretary Andanar din ang puwedeng sumagot nito para na rin sa IATF. Mayroon daw pong isang health worker, ang tanong niya lang po, kung magfo-four day work week siya, okay lang ba daw na doon sa four days na iyon ay eight hours lang ang kanilang…

SEC. ANDANAR:  Depende iyan sa ospital na pinapasukan ng ating health worker. Ang pagkakaintindi ko kapag—well, sa atin sa gobyerno, mayroon tayong skeleton staffing na tinatawag. Pero dito naman sa ating mga frontliners, tulad po ng ating mga nurses, mga doctor, ay nasa kanilang amo po iyan, nasa ospital iyan. Dapat sa ngayon ay mayroon nang direktiba na naibigay sa inyo ang ating mga private hospitals o mga clinics kung ano ang dapat ang inyong schedule.

Dumako naman tayo ngayon, Rocky, sa ating Philippine Coast Guard, kay COMMODORE BALILO: Sir, ano po ba ang inyong inihandang maritime contingency plan para malabanan or maiwasan itong pagkalat ng COVID-19?

COMMODORE BALILO: Sec. Martin, ang Philippine Coast Guard po, kasama ng Philippine National Police Maritime Group, kasama po ng Philippine Navy, ay naatasan po na magpatupad ng mga checkpoints sa lahat ng mga katubigan dito sa Pilipinas at sa mga ports.

Kung ano po iyong pinapatupad ng PNP at ng AFP dito sa lupa, iyon naman po ang ginagawa ng Philippine Coast Guard, ng Maritime Group at saka ng Navy sa lahat po ng ating mga puerto at sa lahat ng mga waterways inland sa buong kapuluan.

In fact, dito po sa Pilipinas, maaaring baka hindi ninyo po nakikita, may mga checkpoints din po na ginagawa iyong Coast Guard kapag may mga dumarating na bangka na galing sa laot, mga cargo vessels na amin pong ini-examine iyong mga tripulante bago po payagan na bumaba doon sa lupa at tsini-check po iyong kanilang health condition, iyong temperature. Nakakalat po iyong mga tauhan natin dito sa … from Navotas, South Harbor, North Harbor, waterways, iyong sa inland dito sa Pasig River, maging doon din po sa Laguna de Bay.

Iyan din po ang ginagawa ng mga kababayan natin, ng mga Coast Guard natin sa iba-ibang probinsiya. Sinisigurado din po ng Philippine Coast Guard, batay na rin po doon sa directive ni Admiral Joel Garcia ang commandant ng Philippine Coast Guard, na tiyakin na hindi maaantala ang lahat ng cargo vessel na nagde-deliver ng mga supplies, mga provisions, mga fuel sa lahat po ng ports sa buong Pilipinas. Nakikipagtulungan po tayo sa mga mayors, sa mga governors at pinatutupad po natin iyong guidance ng task force na unimpeded flow ng lahat ng cargo vessels, lahat ng provisions para po sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po daw ang mga hakbang na ginagawa ng Philippine Coast Guard para po makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa frontline health workers sa mga panahong ito?

COMMODORE BALILO: Actually po, mayroon pong mga … dito po sa Metro Manila, iyong mga buses po ng Philippine Coast Guard ay nagta-transport ng mga health workers, kasama po ng DOTr. Iyong mga maliliit po naming sasakyan, nakakatanggap po kami ng mga mensahe mula sa mga kababayan natin na iyong mga out of route ay sinusundo pa rin namin at saka iyong may mga sakit. In fact, mayroong may mga chemotherapy patients, mayroong mga for dialysis, pinapasundo pa rin natin.

Ganoon din po iyong ginagawa ng ating mga small boat operators na mga Coast Guard na kapag po ay kailangan itawid sa dagat na may mga sakit at mga health workers, ginagawa po natin iyan. Iyan po ang directive ng headquarters, ni Admiral Garcia, sa lahat ng mga Coast Guard personnel na may mga floating assets na kung mayroong pangangailangan iyong mga kababayan natin lalo na po iyong mga health workers, at kailangang itawid sa dagat, itawid sa ilog, gawin pong available ang ating mga kagamitan.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Commodore Balilo, balikan ka namin maya-maya lamang. Samantala, para magbigay sa atin ng latest update, narito po si PTV correspondent Karen Villanda mula sa Mandaluyong. Karen?

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR:  Salamat, Karen Villanda. Samantala, nasa linya na po ng ating telepono si Usec. Vergeire – Ma’am, good morning po.

USEC. VERGEIRE: Good morning, Sec. Good morning po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR:  All right. Kasama ko rin po si Usec. Rocky Ignacio, at nandito rin po sa studio si Commodore Balilo, si Congressman Joey Salceda at kasama rin po si General Banac. Rocky?

USEC. IGNACIO: Usec. Vergeire, ano po ang latest update natin sa COVID-19 cases? May mga bago po bang guidelines kayo na ipinatutupad?

USEC. VERGEIRE: Mayroon po tayo ngayong datos sa ngayon, ang atin pong total COVID positive cases is at 380. This is 73 new cases more from yesterday’s 307. Mayroon po tayo ngayong natatala na labinglima na po, 15 have recovered from the disease; and 25 deaths in total sa ngayon po ang ating naitala.

SEC. ANDANAR:  Usec., mayroon lang po kaming gustong linawin dahil mayroong mga balita na itong COVID-19 causes chronic pneumonia. Ano po ba ang pinagkaiba ng chronic pneumonia sa pneumonia?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Klaruhin po natin. Kasi po ang pulmonya, kapag sinabi po nating pneumonia, mayroon ho tayong mild and then there is this severe pneumonia. Nag-uumpisa po lahat sa unang stage ng sakit kung saan hindi pa ho or mild pa lang iyong pneumonia, hindi pa ho siya nagpo-progress. When you say it’s severe pneumonia already, ito po iyong nahihirapan na po ang isang tao na huminga at dahil po iyong kaniyang pulmonya ay nag-progress na and it is already blocking iyong ating mga air sacs, iyon pong hinihingahan doon sa … iyong sa lungs po natin na mga air sacs, at nagri-retain na po tayo ng carbon dioxide at hindi na po makatulong sa paghihinga ng isang tao.

So when you say severe pneumonia, it is already progressive, nag-progress na po iyong sakit at dito po ay nagkakaroon na ng pangangailangan ang isang tao, kung sakali po ‘no, nang kaakibat sa kaniyang paghinga, like the ventilator.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec. Vergeire, may katanungan din po tayong nakalap mula sa Philippine Information Agency, makakasama po natin si Alexa Tinsay.

ALEXA TINSAY: Magandang tanghali po. Ang unang tatlong tanong ay para po sa DOH. Ang unang tanong ay nagmumula kay Tony Antazo mula sa Binangonan, Rizal. Panoorin po natin ito.

TONY ANTAZO: This is Tony Antazo from San Juan, Darangan, Binangonan Rizal. Ang concern ko lang kasi, napapansin ko kung saan-saan dinadalhang mga ospital iyong mga confirmed cases ng COVID-19. Hindi ba puwedeng gawing centralized iyong pagdadalan ng mga ospital? Kapag watak-watak iyong mga healthworkers, marami ring ibang ginagawa unlike kung mayroon tayong centralized hospital na pagdadalhan ng COVID, iyon lang. Magpo-focus sila doon sa mga pasyente ng COVID so hindi na sila makakahawa sa iba.

USEC. VERGEIRE: Tama po iyong sinasabi ni sir ‘no, agree po tayo diyan. Sa katunayan po, since last week we have already announced 3 referral hospitals that will be established here in Metro Manila – iyong pong UP-PGH, iyon pong Jose N. Rodriguez Memorial Hospital in Caloocan and also the Lung Center of the Philippines. Tayo po ay nag-a-agree diyan po sa sinasabi ni sir na dapat po mayroon ho tayong specific hospitals for COVID: Unang-una para maiwasan po ang mix ng mga pasyente at ma-cut po natin iyong further infection or transmission nitong sakit na ito; Pangalawa po, para ma-specific na rin po natin iyong mga ginagawa ng ating healthcare workers at hindi po they are running through a mix of patients ‘no, magkakaiba, may COVID, may non-COVID; At pangatlo po, para po i-decongest na po natin ang ibang mga ospital na sa ngayon ay punung-puno na dahil po sa mga kasong ito.

So ito pong ating mga hospitals, na referral hospitals natin, may final arrangements na po tayong sinasagawa ngayon and hopefully towards the end of the week makakapag-announce na po tayo kung kailan po tayo mag-uumpisang mag-implement para tumanggap ng mga pasyente dito po sa ating referral hospitals.

SEC. ANDANAR:  Next question, Alexa…

ALEXIA TINSAY/PIA: Ang sumunod na tanong ay nagmula kay Kristine Tabaco mula sa Cagayan, panoorin po natin ito:

KRISTINE TABACO: May dagdag kayang benepisyo na matatanggap naming mga frontliners na siyang nakikipagbakbakan sa COVID-19?

USEC. VERGEIRE: Ma’am ayon po sa katanungan na iyan, ang Department of Health po, ang isinisiguro po ‘no, lalo na sa ating mga kawani ng gobyerno at saka mga healthcare workers sa ating private sector ay ang suporta po na tuluy-tuloy para po sa kanilang proteksiyon like providing personal protective equipment and also providing accommodation to our healthcare workers kaakibat ng mga local government units natin.

Tungkol po doon sa karagdagang incentives, baka po hindi sa Department of Health ang tamang sumagot diyan.

SEC. ANDANAR:  All right. One more question from PIA.

ALEXIA TINSAY/PIA: Okay. Mula kay Bobby Daguio mula sa Cauayan, panoorin po natin ang video na ito:

BOBBY DAGUIO: Kung maari, iyong disclosure sa profile or identity ng mga PUIs, maging ng mga PUM upang sa ganoon ay malaman kaagad ng mga tao at ang mga tao na mismo ang nakakaalam at kung ano ang gagawin nila, self-quarantine or home quarantine at ang mas maganda pa i-submit na nila ang sarili nila sa mga kinauukulan.

SEC. ANDANAR:  All right. So it’s more than a suggestion, Usec.

USEC. VERGEIRE: Sir I’m sorry, hindi ko po masyadong naintindihan iyong tanong.

SEC. ANDANAR:  It’s okay Usec., it was more of a suggestion na kailangan ihiwalay iyong PUM saka PUI. Last question po, linawin lang po natin Usec., kumusta na po si Secretary Duque?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Gusto lang ho nating ipabatid sa ating sambayanan na si Secretary Duque po ay nasa maayos na kondisyon. Siya po ay nagtatrabaho pa rin, kakakausap lang po namin sa kaniya at lumabas na po kagabi ang kaniyang resulta para sa COVID-19 test kung saan ito po ay negatibo.

SEC. ANDANAR:  Alright. Maraming salamat po sa inyong panahon Undersecretary Vergeire. You keep strong and you remain health ma’am. Salamat po!

USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.

SEC. ANDANAR:  Samantala dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama po natin si Dennis Principe.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR:  [51:56] Okay. Samantala, mayroon po tayong tanong na nakalap mula pa rin sa Philippine Information Agency, Alexia Tinsay…

ALEXIA TINSAY/PIA: Secretary Martin, Usec. Rocky, mayroon po tayong tanong mula kay Amir Aquino from Tuguegarao. Panooriin po natin ito:

AMIR AQUINO: We see that the government is really doing everything, exhausting all measures to solve this COVID-19 crisis. But I am just curious because some sectors are saying that the government is just laying the foundation for the possible imposition or declaration of martial law. So I am tasked to ask, is the government even considering that? Thank you.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat sa tanong. Ididiretso ko perhaps both kay Congressman at kay General Banac.

REP. SALCEDA: Unang-una, klarong-klaro po sa Konstitusyon na invasion lang at saka rebellion ang puwedeng rason para po sa imposition ng martial law. Ang puwede, utmost, is a state of national emergency, tulad po noong mga dineclare po noon ni Presidente Cory. So panahon po ngayon, nakikita ko na nasa—matulungin po, malakas po ang legislative support sa ating Pangulo kaya hindi po kinakailangan na gamitin po—na magkaroon ng legislative powers ang ating Pangulo para po ma-solve itong COVID-19.

SEC. ANDANAR:  General…

GENERAL BANAC: Yes, salamat po sa katanungan na iyan Secretary Martin. Ang pinapairal po ngayon ay ang ating state of calamity para sa ating buong bansa at itong enhanced community quarantine para dito sa buong Luzon at wala pong anumang bahid o indikasyon na ito po ay martial law. In fact, ang nasa frontline po natin ay ang mga kapulisan at ang pinapairal lang po natin ay ang lahat po ay manatili sa kani-kanilang mga bahay para po dito sa public health emergency na ito, na maiwasan nga po ang pagkalat nitong Coronavirus-19.

Maliban po riyan, wala po talagang indikasyon, wala ni anumang bahid na ito po ay isang martial law. So alisin po natin sa ating mga pangamba iyan, huwag po tayong mahintakutan at wala po itong—hindi po ito ang martial law.

SEC. ANDANAR:  Thank you, General Banac. Mayroon pa tayong isang tanong mula sa PIA.

ALEXIA TINSAY/PIA: Ang sumunod po na tanong ay galing kay Wilma Baliton mula sa Nueva Vizcaya.

WILMA BALITON: Paano kaya kung anong gagawin ng ating gobyerno na makontrol iyong mga maling impormasyon na kumakalat?

SEC. ANDANAR:  All right. Si General Banac ay mayroon silang ginawa sa Philippine National Police kung saan in-activate nila iyong kanilang anti-cybercrime.

GENERAL BANAC: Tama po iyan Secretary Martin, at doon sa naging katanungan natin, ang PNP po ay patuloy na nag-iimbestiga para po doon sa lahat na maaring nagpapakalat ng mga maling impormasyon. In fact, mayroon na po tayong nasampolan at mayroon na pong kinasuhan na isang tao doon po sa Caraga Region ay nagpakalat po ng impormasyon sa kaniyang Facebook account na umano ay may dalawang COVID-19 positive doon sa kanilang lugar.

Subalit ito ay napatunayan ng Regional Health Department doon na wala pong katotohanan at nag-retract po iyong nasabing tao. Subalit nilabag po niya ang batas kaya po siya ay kakasuhan. So, muli tayo po ay nagpapaalala sa lahat, iyong mga nagpapakalat po ng maling impormasyon, iwasan po natin iyan. Maari po kayong managot sa atin pong batas na Republic Act 10175, ito po iyong Anti-Cybercrime Law na kung saan ay maari po tayong managot sa pagpapakalat ng mga false information na maaring magdulot ng takot at pangamba sa ating publiko.

SEC. ANDANAR:  Thank you General, one more question from Alexia.

ALEXIA TINSAY: Para sa huli naman pong tanong, ito ay nanggaling kay Jane Bantayan mula sa Catarman – panoorin po natin ito.

JANE BANTAYAN: Itatanong ko lang po sana kung kami rin po ba dito sa Northern Samar, kaming mga media practitioners ay makakakuha din ng ID galing sa PCOO upang amin pong magamit naman dito po sa Northern Samar sa pangangalap ng mga impormasyon hinggil po sa coronavirus? Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat sa katanungan na iyan, mula po naman sa Samar, pero ulit ko pong lilinawin na ito pong mga special IDs or passes na galing po ng International Press Center ay para lamang sa Luzon, dahil dito po ang inanunsyong Enhanced Community Quarantine. Kapag umabot po sa punto na i-anunsiyo din iyong Enhanced Community Quarantine sa Visayas at Mindanao and that is the only time that we will consider. Of course, iyan po ay base din sa rekomendasyon ng Philippine National Police at ng DILG. Maraming salamat sa mga katanungan mula sa Philippine Information Agency, Alexia. Thank you.

Mayroon lang akong gustong itanong kay Commodore Balilo sir. Classmate, mayroong nagtanong dito, kasi very strict iyong Philippine Coast Guard, nabanggit ninyo na nationwide, pero iyon nga balikan ko lang dahil ang Enhanced Community Quarantine ay Luzon lamang. So, may nagtatanong dito sa ating netizen. Paano po iyong mangingisda sa Bohol?

COMMODORE BALILO: Iyong pangingisda po wala pong problema, pinapayagan po sa buong kapuluan iyong mga mangingisda na pumalaot at para mangisda. Pero ang gusto ho lang naming, mag-report kayo sa Philippine Coast Guard outpost para ma-monitor namin iyong inyong location kung sana kayo nagpupunta at kapag bumalik po kayo ng ports ay magpa-undergo kayo doon sa mga testing na ginagawa ng Philippine Coast Guard saka iyong pagpo-profile. Ganiyan Sec., iyong ginagawa namin dito sa Navotas at umaapila po tayo na palaging pagbalik galing sa pangingisda pumunta po sa nearest Coast Guard station para po ma-check ang inyong temperature at ang inyong health condition.

SEC. ANDANAR:  Iyong mga lantsa nga pala, Commodore, iyong mga lantsa sa Visayas at Mindanao – sila po ay malayang makapaglayag o depende rin iyan sa LGU.

COMMODORE BALILO: Depende po sa LGU. Ang general rule po ay basta hindi dapat magsakay ng mga pasahero. Lalo na po dito sa Luzon, wala tayo problema, sapagkat mayroon tayong guidelines na pinaiiral na wala pong movement ng mga pasahero. Unless po katulad ng pinatutupad ng PNP, kapag my mga emergency po, may mga sakit, may mga dalang pagkain, pinapayagan po natin. Sa Mindanao at saka sa Visayas kapag po ang local Government mismo ang nagsabi na walang maglalayag, iyon po ay pinatutupad ng Philippine Coast Guard. Unless katulad po ng mga sinabi ko, kung ito ay mga cargo vessel na mayroong mga dalang provisions, mga may sakit na kailangang i-transport at mga health workers, iyan po ay pinapayagan natin. Otherwise wala pong movement doon sa mga areas na mayroon pong mga order iyong mga Local Government Units.

USEC. IGNACIO: May katanungan tayo para naman kay General Banac, kasi nahihirapan daw po o mayroon daw po bang procedure and coordination with DOH, iyon pong mga namatay sa sakit na COVID, papano daw po iyong procedure, kasi minsan nasa probinsya dapat iuwi, ano daw po iyong guidelines na dapat ipalabas ng DOH sa pakikipagtulungan ng PNP. Mayroon na daw po bang ganoon?

GENERAL BANAC: Opo. For as long as may clearance na po to transport iyong namatay ng kaniyang pamilya ay ibibiyahe, ito po ay iko-consider ng PNP na emergency. So, ito po ay makakalusot kaagad sa lahat ng ating mga pinairal na quarantine control stations. Kinakailangan lang po talaga ay mayroon silang permiso na bumiyahe na. Ito ay manggagaling sa ating health authorities.

So iyon po, sa lahat po ng maaaring mangangailangan nito, nang ganitong situation kailangan po talaga mayroon kayong permiso na bumiyahe. Dala po ang inyo pong mahal sa buhay na pumanaw at ito po ay ipapakita lamang ninyo doon sa mga quarantine control stations natin at kaagad pararaanin po. Kasama po ito sa mga emergencies na maaring dumaan sa mga fast lanes natin.

USEC. IGNACIO: Tanong ni Tuesday Niu ng DZBB, saan daw po kukunin iyong clearance to transport?

GENERAL BANAC: Doon po sa ating hospital, iyon po doon po nila kukunin iyon. At ang ating local health authorities ay magbibigay din ng kanilang permit, dahil mayroon din pong polisiya na pinaiiral riyan ang ating Local Government Units na kung tayo po ay magta-transport ng atin pong mahal sa buhay na pumanaw, iyong cadaver, ay mangangailangan po iyan ng kaukulang Local Government Unit permit, so kinakailangan po lahat ng mga iyan ay ma-secure ninyo para hindi na kayo maantala doon sa inyo pong pagbiyahe kung sakali man na iuwi ito sa inyong probinsiya o sa karatig na lalawigan.

SEC. ANDANAR:  All right, para naman kay Congressman Joey. Sir, matagal po kayong naging gobernador sa Bicol. At nakita ko iyong inyong responde during the time na nag-alburot iyong Mayon and very orderly. In fact, you were given a round of applause by everyone. Pero ito pong sir ‘no, ngayon na mayroon din po tayong crisis at mayroon din tayong isang problema dahil kung kayo ay naka-responde halimbwa sa mga barangay, pero ngayon mayroon tayong social distancing. How would you imagine a Local Government Unit for example, distributing food doon po sa mga barangay na hindi po magkagulo? Dahil iyon po ang nangyayari ngayon sa marami sa ating mga barangay, sa Metro Manila pa lang. Hindi pa natin napapanood kung ano ang nangyayari sa ibang probinsiya.

REP. SALCEDA: Sa initial po na mga two to three days sa ngayon, kasi mas gusto nang i-address iyan as it is happening. Mukhng napo-provide pa naman initially nang savings ng family and then sa ngayon, sa araw na ito nagsisimula na pong mag-deliver iyong barangay and of course iyong LGU and hopefully the province and DSWD. Pero, I think after one week or let say next week, I think magkakaroon na po exhaustion ang community na masasabi nating community savings para po ma-sustain. So kailangan talaga na pumasok na po ang national government.

SEC. ANDANAR: Would that be part of your recommendation?

REP. SALCEDA: Bukas po. Kasi ang nangyari po, napakaganda po ang ginawa ng ating Pangulo! Inayos talaga po natin iyong food supply chain. Ang linis-linis po, kung iyong dati po nagrereklamo ako kay General Banac, sabi ko 45 checkpoints from NCR up to Matnog. Ngayon po, dahil po sa isang rule ng IATF na basta ang truck padaanin kahit anong laman, sabi nga ni Banac, pati patay ano.

So, ngayon po ang kailangan na po ngayon, iyong mismong mga tao, kasi binibigyan sila ng oras para lumabas iyong isang tao, may three hours every other day na puwede pa siyang lumabsas. So importante na po ngayon iyong financial support. So ang binabalak po talaga ng ating administrasyon, ng ating Pangulo na mabigyan ang halos 17.9 million Filipinos ng 8,000 for this month, para po ma-sustain nila iyong kanila pong requirements para po sa pagkain. Ang mga priority po ay mga, babasahin ko lang po iyong plano, ay mga vendors, tricycle drivers, jeepney drivers.

Tapos doon naman sa kabila po magbibigay po tayo ng mga hazard pay lalung-lalo na sa mga pinayagan pong magtrabaho habang nandito po ito pong ating threat o peligro. So para po sa ating mga frontliners, parang ito iyong 9/11 fund for frontliners na mayroon po na pondo para po alam ko, pagod na pagod na po itong mga nasa katabi ko eh, iyong kanilang mga tao kailangan na po ng force preservation and the only way to preserve that is to provide, is to incentivize their performance especially out there na nakaharap po talaga sila sa isang kalaban na walang mukha, na may pangalan lang.

So, I think the Congress tomorrow will essentially approve just one sentence – allowing the President to realign almost 275 billion – na masasabi natin na mamo-mobilize and essential po. Dalawa po ang paggagamitan nito: Unang-una para po ma-sustain ang sinasabi nating quarantine, lalung-lalo na po iyong survival ng mga families. Uunahin po natin iyong hindi natin pinatrabaho. Halimbawa iyong DOLE ngayon nagbibigay ng 5,000 pero hanggang 250,000 lang. So ngayon ipapaloob na po iyong camp na ginagawa ng DOLE magiging 8,000 po lahat po ng mga minimum wage earners.

So ini-imagine natin na 73% of all families, if you have any of these conditions: One, you are a minimum wage earner not allowed to go to work; second, you are a tricycle driver prevented from plying your route; jeepney drivers. Iyong lahat po na hindi natin pinatrabaho, pati mga farmers na hindi natin … iyong mga hindi po natin pinatrabaho. So halos … ang hindi lang bibigyan, si Ayala nito pong pondo na ito – 73.6% or 17.98 million units of assistance at 8,000 each ang ibibigay po. Pati na po ang mga senior citizen will be given nutritional supplements.

So sa tingin ko bukas, simple lang ang gagawin, na si Presidente bibigyan po na mag-realign ng 275 billion, at ang isa sa malaking paggagamitan nito ay iyong 144 billion para po nga dito sa COVID … dito po sa mga quarantine sustain—ang tawag ko kasi Pantawid Quarantine eh – Pantawid Family Quarantine para mabigyan po ng 8,000 ang 17.9 million Filipinos, families, out of the 24.6 million. So ibig sabihin, iyon talagang top 20% ang po ang hindi bibigyan ng ating Pangulo – so 144 billion iyan, kakayanin po. Plus of course, iyong mga hazard pay o iyong mga masasabi natin pong incentives or hazard pay po para sa mga frontliners.

And then, mayroon po ito sigurong part 2. Eventually, ang part 2 po nito ay siyempre iyong bibigyan po natin ng incentive ang mga kumpanya na kapag wala na po itong COVID na mag-resume ng operation, so bibigyan natin sila ng mga negative interest rate loans. Halimbawa, kung ikaw marami kang … hindi ka nagtanggal ng trabahador, pagkatapos magkano ba iyong pasuweldo mo? Let’s say nagpapasuweldo ka ng hundred million a year, so 50% puwede kang umutang, papautangin ka ng gobyerno through LandBank and DBP. Tapos, imbes na magbayad ka ng … umutang ka ng 100, magbabayad ka lang 90 bilang incentive po ng government na ini-retain mo iyong operation.

So we have a very, not sophisticated but we have I think the tools. And sa tingin ko iyong the array of policy tools of the Duterte administration, given po iyong mga structural reforms na ginawa po ng ating Pangulo, gave us that ability to use this policy tool. Unlike before na hindi mo ma-imagine na magpapautang iyong government, halimbawa kay San Miguel. “San Miguel, huwag kang magtanggal ng kahit isang tao, pero puwede kang umutang sa amin up to 50% of all your wages with negative interest rates.” So kung ang—ngayon ‘di ba kapag umutang ka, magbabayad ka pa ng 5% interest rate. Dito, national government, kami ang magbabayad ng interest rate at mayroon ka pang discount.

So I think this will be one of the biggest policy tools in the … So iyon po. Pero bukas, I’m sure na magkakaroon kami ng quorum. Namimilang na ako kasi nag-zoom na ako eh. So baka we can—based po doon sa amin pong Viber group, we can easily come up with 260. I think the congressmen are all patriotic. And we will ensure that where will be a quorum tomorrow. And of that 260, I think about … depende na iyon kay Speaker kung ilan ang gusto talagang niyang pumunta doon. But I think, we can easily muster a hundred fifty, physically; and hundred through the zoom. So hindi ko alam kung zoom ako o physical.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Melo Acuña kay Representative Salceda: How will the funds be isolated from graft and petty political squabbles?

REP. SALCEDA: Everybody, basta—dalawa-isa lang ang tanong eh. Ano ka ba, hindi ka ba namin pinatrabaho? Nalugi ka ba dahil sa ginawa ng gobyerno? Dalawa lang po ang tanong. So if you fall under any of these qualifications na you are a minimum wage earners tapos hindi natin … no work, so bibigyan ka ng 8,000 ng gobyerno.

Mayroon kasing mas complex, iyong tinatawag naming “Income Replacement Method.” Pero sabi ko, lahat na lang bigyan ng tig-e-8,000, iyong 18 million. I think that would be the policy.

SEC. ANDANAR:  That’s good news. That’s good news.

REP. SALCEDA: And we have the capacity to do it!

USEC. IGNACIO: Ito, last question na lang po kay General Banac and kay Secretary rin. Ano daw po ang gagawin kapag hindi ino-honor sa mga quarantine checkpoints ang mga media IDs na issued by Malacañang? May nangyari na po bang ganoon sa quarantine checkpoint natin, General Banac?

GENERAL BANAC: Well, so far, Usec. Rocky, ang lahat naman po ng mga kasamahan natin sa media ay nakakaraan naman po sa lahat ng mga quarantine control points. At ang lahat po ng ating mga police ay muli napaalalahanan na na extended po ang privilege na makadaan sa ating mga quarantine control stations hanggang March 26. Ipakita lamang po ninyo ang company ID at iyong certificate ay maaari na po kayong makakadaan, unimpeded at wala pong dapat ipangamba.

So tuluy-tuloy lamang po ang inyong pag-cover ng inyong mga beat, at ang PNP po ay tutulong sa inyo.

USEC. IGNACIO: Para pa rin kay Secretary Andanar. Sa regional po daw at sa local media, saan daw po sila kukuha ng PCOO IDs at paano daw ang proseso?

SEC. ANDANAR:  Sa ngayon ay tinatapos natin iyong mga IDs na ni-request po sa IPC dito sa Metro Manila at ilang mga regions. And then afterwards, we will start giving out IDs sa ating mga kababayan or mga kabaro na mediamen sa buong Luzon. And we will be activating the Philippine Information Agency desk para po dito sa mga IDs.

Last question na lang. Ito paalala. Gusto kong ipaalala sa publiko, General. Para doon sa mga pasaway na hindi pa rin sumusunod, iyong mga nasa barangay ay lumalabas pa rin kahit bawal na lumabas imbes na mag-home quarantine. Ano po bang kaso ang puwedeng ikaso sa kanila?

GENERAL BANAC: Tama po iyon, Secretary Martin. At dahilan po iyan upang … nagsampol na nga tayo. Mayroon na pong siyam ang atin pong inaresto at sinampahan ng kaso dahilan nga po sa patuloy na pagiging matigas ang ulo at lumalabas pa rin. Insisting na lumabas kaya po inaresto ng ating pulis; dinala sa presinto upang magpaliwanag at sasampahan ng kaso ng Revised Penal Code 151 o iyong disrespect and disobedience to authorities.

At doon naman po sa parteng norte ay mahigit isandaan po ang mga sinita ng ating PNP personnel dahil sa paglabag po ng kanilang pinaiiral na quarantine o iyong home quarantine.

So muli, paalala po sa lahat: Stay home. Save lives. Wala po dapat tayong ipangamba, ang PNP po ay narito, inyong kakampi ‘no. At wala pong ikatakot, wala pong helicopter na magpapaulan ng pesticide – isa pong fake news iyon, wala pong dapat ipangamba. At pinabulaanan na po natin iyan, wala pong katotohanan.

SEC. ANDANAR:  All right. Closing remarks tayo, starting from Commodore Balilo – Classmate?

COMMODORE BALILO: Ang Coast Guard po ay magpapatuloy sa pagse-serbisyo kasama po ng PNP Maritime Group at saka ng Philippine Navy. Doon po sa mga nag-aalala, doon sa mga health workers, may instruction po sa akin si Admiral Garcia na mag-assemble ng hundred nurses. May na-assemble kaming hundred nurses na kung sakali pong magkulang iyong pangangailangan ng mga hospitals para sa mga nurses at doctors, willing po ang Philippine Coast Guard at ibibigay namin sa inyo iyong mga nurses, mga officers ng Philippine Coast Guard para po mai-reinforce o para ma-preserve natin iyong ating manpower at magkaroon ng palitan sa mga ospital.

Sa amin po, we stay at work for you, you stay home for us. Iyon lang po!

SEC. ANDANAR:  Thank you, sir. General Banac?

GENERAL BANAC: Yes, mula po sa hanay ng ating Philippine National Police sa pangunguna po ni Police General Archie Francisco Gamboa, saludo po kami sa kooperasyon ng ating publiko na pinapakita ngayon. At manatili po tayo sa ating mga bahay. Wala pong dapat ipangamba, ang inyo pong PNP, AFP ay nariyan upang maglingkod sa inyo at bigyan ng katiyakan na wala pong mangyayaring anumang kaguluhan sa ating palibot.

Hintayin lamang po ang mga tulong pinansyal na manggagaling sa pamahalaan. At kapag nag-ikot po si chairman ay huwag po nating dambahin at kuyugin iyong dalang mga relief items. Manatili po, hintayin na dumating sa inyo iyong mga tulong sa inyo po. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR:  Congressman Joey, sir?

REP. SALCEDA: Ang Kongreso po ninyo, sa ilalim po ng aming Speaker, Speaker Alan Cayetano, ay ibibigay po ang lahat ng kailangan pong legislative support ng ating administrasyon para po ang atin pong ekonomiya ay lalong lalakas pagkatapos nitong COVID.

Ang Pilipinas po ay nasa maganda pong platform para po maging isa sa pinakamabilis na tumakbo ang ekonomiya. Itong COVID po ay isa lang challenge para sa atin, at kakayanin po natin lahat ito kung tayo po ay magtutulungan. Kaya po, simple lang po: Stay at home at avoid contact po. Kung hindi ma-avoid, maghugas po ng kamay.

SEC. ANDANAR:  Muli, maraming salamat po sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon at pagtugon sa mga katanungan ng ating mga kababayan. Marami na naman pong mga katanungan na nabigyan ng kasagutan, kaya naman muli, maraming salamat sa mga nakasama natin ngayon dito sa studio – sina Albay 2nd District Representative Joey Salceda, PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, at Philippine Coast Guard Civil Relation Service Commodore Armando Balilo. Pati na rin po si DOH Undersecretary Rosario Vergeire na nakausap po natin via phone patch.

Pilipinas, dito nagtatapos ang ating Public Briefing ngayong araw para sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid ng mahahalagang impormasyon sa ating patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ng People’s Television Network (PTV), kasama ang Philippine Broadcasting Service at Radyo Pilipinas Network, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, Office of Global Media Affairs, Bureau of Communications Services, National Printing Office, APO Production Unit at IBC 13, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR:  Lahat po tayo ay magkaisa at magtulungan para tuluyang masugpo ang COVID-19 sa ating bayan, ako po si PCOO Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Magkita-kita po tayo muli bukas dito lang sa Press Briefing #Laging Handa PH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center