Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo

Event Press Briefing
Location New Executive Bldg., Malacanang

HENRY URI/DZRH: On the presscon of Vice President Leni Robredo sabi niya failure ang… tinawag niyang failure ang anti-illegal drug campaign ng kasalukuyang administrasyon.

SEC. PANELO: Palagay ko iyong failure iyong pag-upo niya. Failure dahil daw bakit?

HENRY URI/DZRH: Maraming loop holes, marami siyang hinihinging mga datos na hindi daw nagtutugma.

SEC. PANELO: Eh kung failure iyon, di sana iyong problema natin sa droga inabot na siguro ng lahat ng pamilya.

The fact remains that we have dismantled so many drug factories, illegal drug factories; the fact remains that we have also caused the surrender of thousands of drug addicts and pushers; the fact remains that due to many police operations, there had been casualties by reason of violent reaction to entrapment operations and arrest of these people involved in drugs; and also even high value target drug suspects have been neutralized – these are the facts.

Meron siyang nabanggit – nadaan ako doon sa isang report niya – na sinasabi niya na sabi daw ni Presidente 7 million, pero sabi daw ng ano 1 point something million. Ibig sabihin—di ibig sabihin hindi nanaman totoo. Ang problema sa kanya kasi, hindi siya nakikinig sa paliwanag ni Presidente. Sabi ni Presidente, sang-ayon sa PDEA, iyong involved sa drugs mga 1.4 something, iyon pala ay concentrated lang sa Maynila. Ang natuklasan niya pag buong Pilipinas na ang pinag-uusapan, umaabot na doon sa doon karami. I cannot even understand why hindi siya nakikinig sa paliwanag ni Presidente at iyon ay ipinaliwanag na rin sa kanya, nung nandoon siya naupo.

Ang problema kasi ang ginawa niya roon puro press conferences, puro pakikiusap sa mga hindi naman dapat kausapin. Eh iyon ang nangyari.

Saka alam ninyo—another thing nga pala, if you noticed when she was threatening this report, she implied na meron siyang mga nadiskubreng mga iregularidad, na akala mo’y bombang sasabog sa mukha. It’s a dud. Wala naman siyang sinabi doon na bago na hindi tinututukan ng mga ahensiya na involved sa laban sa droga, there’s nothing new in what she said.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, I think ang sinasabi po kanina ni VP Robredo, wala daw kasing scientific basis iyong mga figures na pinagbabatayan ng gobyerno. For example the 7 million, whether it’s nationwide or concentrated lang sa Manila, wala daw scientific basis?

SEC. PANELO: Siguro wala siyang figures na pinanghahawakan, si Presidente meron.

MARICEL HALILI/TV5: And may we know kung ano po iyong pinanghahawakan ni Presidente?

SEC. PANELO: Di tanungin natin si Presidente. Si Presidente being the President has unlimited resources. Eh si VP Leni hanggang doon lang siya doon sa opisina niya at saka nakaupo lang siya ng ilang araw eh nag ano na kaagad… naging biglang magaling o naging eksperto.

MARICEL HALILI/TV5: And sir, I think another point from VP Leni, dapat daw DDB na iyong gawing Chairman sa ICAD instead of PDEA kasi mas kaya daw balansihin ng DDB—

SEC. PANELO: Anong basis niya? What is her basis for saying that, did she explain?

MARICEL HALILI/TV5: I think when it comes doon sa enforcement and power, feeling niya mas kaya daw ng power ng DDB over PDEA.

SEC. PANELO: Bakit nga, bakit iyon ang feeling niya – wrong feeling. Iyon nga ang problema kasi, ilang araw lang siyang naupo doon ang dami na kaagad siyang sinasabi na wala namang siyang expertise; dapat kinunsulta niya iyong mga nandoon mismo kung ano ang kanilang palagay.

MARICEL HALILI/TV5: And another one, sir. May binanggit din po si VP kanina, saying na lumalabas doon sa mga figures coming from the government na 1% lang iyong na-solve natin doon sa isyu ng shabu. Meaning, that’s 1 over 100 kung gagawin daw… kumbaga, kung bibigyan daw ng grado iyong administrasyon.

SEC. PANELO: Bakit daw 1%, anong basis niya?

MARICEL HALILI/TV5: Based on her computation, based on the figures na sumurender and all, tapos kung ibabangga daw doon sa sinasabing figures na lawak ng supply.

SEC. PANELO: Mali ang computation niya. Meron pa siyang binabanggit eh, sabi niya dahil daw doon sa mga nasalanta, ilang pamilya, maraming pamilya ang naapektuhan, na nasira. Ang tinitingnan niya lang iyong mga nasalanta, iyong mga suspects na lumaban, iyong mga namatay; but she did not even consider the thousands of families that become dysfunctional, whose families has been destroyed by reason of the drug syndicate, hindi niya tiningnan iyon. Ang tiningnan niya iyong mga involved doon na siyang may kagagawan ng lahat ng pagkasira ng isang henerasyon at pamilya ng mga Pilipino.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, last point on my part. Because VP Leni earlier said na parang ang concentration lang daw ng fight against drugs ay iyon doon sa mga small time na mga drug pushers at saka mga drug users, pero as you mentioned earlier na high-value target, wala naman daw talagang ganoon na nakukuha iyong administration. So, can you give us an example or can you cite iyong mga names nung mga nasa high-value targets to prove na balanse iyong—

SEC. PANELO: Unang-una, hindi totoo iyong sinasabi niya; otherwise paano ko ipapaliwanag iyong mga na-dismantle na natuklasan na mga factories, drug factories all over the country. Papaano mo maipapaliwanag iyong maraming na-confiscate na mga nakapasok na shabu. Saka iyong mga high-valued targets, hindi ba maraming inilabas na iyong police saka iyong PDEA kung sinu-sino iyong mga ito, meron pa ngang mga Mayors eh, meron pang mga—marami, marami nang nasalanta eh. I think she just wants to be relevant.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, just to follow up on Macy, sir. Ang sinasabi po kasi ni Vice President Leni, sir, out of the supply daw na nagsi-circulate at nakapasok sa Pilipinas na shabu, 1% lang daw iyong na-confiscate ng government, iyon yung sinasabi niya. I think she was citing government data. Ano po ang take ng Palace dito, sir?

SEC. PANELO: Eh di ba sinabi ko na nga, sinagot ko na iyan, mali, mali ang computation niya.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Pero sir, I think she was citing government data po.

SEC. PANELO: Anong government figures ang sinasabi, saan galing, like what?

CEDRIC CASTILLO/GMA7: PDEA, sir.

SEC. PANELO: Anung figure ang cinite niya for instance, what figure, what specific figure ang cinite niya?

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Ang naalala ko, sir doon sa speech niya kanina ay PDEA at saka PNP data.

SEC. PANELO: OO nga, give me a figure? Ano ano ang sinabi niya, paano niya nakuha iyong 1%?

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, iyon yung computation lang po niya.

SEC. PANELO: Ang problema nga eh. Kailangan meron kang, ito iyong sabi ng figure ng gobyerno, ano nga, what, how? Ang dali lang magagawa ng—ang mahalaga, marami—hindi ba ang sinasabi nila, oo may mga nakapasok, paano nakapasok, kasi kumbaga may korapsyon. And yet the same na pumasok, eh nahuli din. Hindi ba, may nakakapasok, pero may nahuli, may pumapasok pa rin at hinuhuli pa rin natin. Tandaan ninyo na this country is composed of islands. Maraming puwedeng pasukan at hindi naman lahat ay nababantayan, pero pag nalaman natin ay huli rin. Eh doon lang sa sinasabing ano eh… hindi ba sabi ng PDEA noon, how many barangays were infiltrated, halos 70%. Oh pero hindi ba marami nang drug-free barangays; paano mong nasasabing failure?

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, you mentioned, sir—

SEC. PANELO: Hindi totally eradicated simply because marami pa ring pumapasok. Pero iyong mga pumapasok, nakukuha pa rin natin, nahuhuli pa rin natin. Kaya nga hindi tumitigil si Presidente ‘di ba? Ang sabi niya, ‘Until the last day, talagang my war will continue constant; hindi mababago.’

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, nabanggit ninyo a while ago, sir, na the Vice President wants to remain relevant. Sir, ito pong press conference po niyang ito sa tingin ninyo, sir, will have an effect if at all sa approval rating ni Pangulong Duterte, sir?

SEC. PANELO: No! Eh nakita ninyo naman di ba, kahit anong banat nila eh naging 87% nga, lalo ngang lumaki eh. Eh siya, hindi ba, tandaan ninyo tumaas iyong rating ni VP Leni, tumaas lang iyon kasi nabigyan siya ng pagkakataon na maging relevant; in-appoint siya eh. Pero prior to that, ‘di ba bagsak siya nang bagsak, pababa nang pababa. Dapat nga nagpapasalamat siya kay Presidente eh.

HANNAH SANCHO/DZAR: Hi, sir. Follow up on the issue po—

SEC. PANELO: But this is not to say, however, na kung mayroon siyang matino, magandang mungkahi eh hindi natin iku-consider. Kaya nga sinasabi ko na iyong mga nandoon sa PDEA, sa pulis, iyon ang mga magagaling diyan eh, iyon ang mga eksperto. Kaya iyon kaniyang mga mungkahi, they will consider/evaluate that at pararatingin kay Presidente kung okay iyong kaniyang mga obserbasyon. Pero so far, iyong nakita ko nga parang walang basis.

HANNAH SANCHO/DZAR: Sir, follow up on this issue po. Sir, nilatag niya iyong mga recommendations niya, sir, ‘di ba, ni Vice President. Isa sa sinabi niya para maging successful daw iyong drug war campaign, kailangan daw buo ang suporta ni Pangulong Duterte. At isa sa pinoint [point] out niya kaya nasabi niyang hindi daw buo iyong suporta ng Pangulo is that hanggang ngayon ay wala pa rin daw nangyayari doon sa National Illegal Drugs Task Force. Ano na po iyong status doon, sir?

SEC. PANELO: Hindi ko alam iyong sinasabi niyang National…. The fact—ang nakikita ko ay iyong kampaniya laban sa droga ay continuing at mayroong mga resultang makikita. Iyon ang mahalaga sa akin.

HANNAH SANCHO/DZAR: Nag-mention siya ng mga figures, sir. Sinabi niya, sir, na hindi daw nagtutugma iyong sinasabi na figure ng Pangulo na seven million doon sa sinasabing real numbers. Sabi niya, kung gusto natin tama daw iyong pag-gauge natin ng effectivity ng kampaniya, dapat daw muna sa real numbers, iyong sinasabi ng Pangulo at sinasabi ng Real Numbers, dapat eksakto po daw. Ano pong masasabi ninyo?

SEC. PANELO: Nasagot ko na iyon kanina eh.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, you mentioned na in a way you are open to her suggestions. Like for example, doon sa the Dangerous Drugs Board should chair the ICAD. Kasi ang point niya, masyado raw nakatutok doon sa … lalo sa funding, doon sa enforcement. Unlike—tagilid naman iyong sa part ng advocacy, rehabilitation, reintegration aspects of the total anti-drug war.

SEC. PANELO: Alam mo—alam po ninyo, manggagaling ang mungkahi relative to the enforcement of this campaign against illegal drugs from the agencies involved. Sila ang nakakaalam kung ano ang problema sa loob kasi sila ang nandoon eh. Sila ang magsasabi na, ‘Oh dapat ang chairman natin ay itong ahensiyang ito.’ Sila rin ang magsasabi na dapat kami kasi—wala eh, walang ganoong mungkahing nanggagaling. These are very responsible and people are very knowledgeable given the fact that they’ve been there for the last three and a half years; at iyong iba pa nga, noon pa, bago pa pumasok ang administrasyon. Sila ang nagbibigay ng rekumendasyon. Hindi iyong pumasok ka lang, nakadalawang linggo ka lang eh ang galing mo na. Hindi naman pupuwede iyon. Hindi ganoon ka-simple iyon.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: So you are saying na there’s no more room for improvement and the total—

SEC. PANELO: Kagaya ng sinabi ko, sila, iyong mga nandoon sa baba, sila ang magsasabi kung okay iyong kaniyang rekumendasyon. They are the more knowledgeable persons. Sila iyong mga eksperto eh kung tama iyong sinasabi ni VP Leni regarding their tasks and responsibilities. Sila ang makakaalam doon.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Pero iyon nga iyong point, sir, na iyong DDB has the capacity being the policy making body of the anti-drug war—

SEC. PANELO: Hindi niya nga alam iyong ‘has the capacity’ kasi wala nga siya doon eh from the very beginning. Ilang araw lang nga siya doon eh. Ang nakakaalam noon ay iyong nandoon mismo sa loob ng Dangerous Drugs Board – sila ang nagpapatakbo eh.

Ganoon din ang PDEA, sila ang magsasabi na ‘Oh dapat tayo kasi tayo ganito.’ Hindi iyong pumasok ka lang ng dalawang linggo doon eh, ikaw naman, ‘Ah hindi, ito ang dapat.’

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: At least nakadalawang linggo. Kayo po, sir, with due respect, nakapasok na rin kayo sa loob?

SEC. PANELO: That is precisely I’m telling you na ang dapat nagsasalita ng mga mungkahi at rekumendasyon ay iyong mga tao nandoon, hindi iyong nasa labas. Kasi tayo, wala tayong alam doon eh. It’s the expert that should give us recommendations – those involved in the drug war.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Last, sir. Sir, can you please confirm kung totoo iyong sinabi niya kanina na during her short stint sa ICAD, she regularly sent reports to the Office of the President?

SEC. PANELO: Hindi ko alam iyon. Ang alam ko—hindi ba sinabi na natin iyon, kung hindi ka binanatan ni Presidente, hindi ka magpapadala ng report.

JOYCE BALANCIO/DZMM: But, sir, on the report. Did the President read these reports?

SEC. PANELO: Hindi ko alam kung nabasa niya. I will ask him later.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Sir, nabanggit ninyo kanina, you’ll leave it up to the agencies to respond kung appropriate ba iyong recommendation ni Vice President?

SEC. PANELO: Correct! Kasi sila ang nakakaalam kung tama iyong obserbasyon niya eh.

JOYCE BALANCIO/DZMM: But knowing the President, sir, what will be his response?

SEC. PANELO: Let’s see, how will the President will respond to that.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Sir, nabanggit din ni Vice President Robredo, she is urging the President to certify as urgent any bill to fund or strengthen iyong anti-drug abuse council. Will the President be—

SEC. PANELO: Na kay Presidente iyon. Siguro mamaya tatanungin ko siya.

HENRY URI/DZRH: Sir, this is the figure that she’s talking about. Sabi niya, “Noong buong tatlong taon ng Duterte administration, one percent lamang ang naging accomplishment nito sa anti-illegal drug campaign.” Bakit? Ginamit niyang data iyong galing sa PNP. Sabi raw ng PNP, kada linggo, tatlong libong kilogramo ng shabu amounting to 25 billion pesos ang umiikot kada linggo sa buong Pilipinas; pero sa 2019 alone, 1,344.87 kilograms lamang ang na-confiscate ng PDEA.

SEC. PANELO: I’d rather wait for the PDEA, as well as those involved, to respond to that kasi sila ang nakakaalam kung tama iyong sinasabi niyang figure at kung bakit ganoon.

HENRY URI/DZRH: But ito hong figure na binabanggit niya, ayon sa kaniya ay galing mismo sa PNP at sa PDEA?

SEC. PANELO: Exactly! Sila ang makakaalam kung totoo… one, kung totoo iyong figures niya; number two, kung bakit ganoon ang resulta. There must be some explanation for that.

HENRY URI/DZRH: Granting na itong—

SEC. PANELO: But it doesn’t mean that this is a failure, even assuming that to be true.

HENRY URI/DZRH: Granting na itong binabanggit niya galing sa PDEA at PNP ay totoo so papaano natin ipaliliwanag iyong sinasabi niyang one percent lamang in three years?

SEC. PANELO: Gaya nga ng sinabi ko, it doesn’t mean na failure kahit na one percent. Papaano magiging failure eh cinite ko na nga sa iyo iyong mga results ng laban sa droga – maraming sinirang factories ng droga, marami ang nahuli, marami ang nakademanda, marami ang nasalanta, marami ang nire-rehabilitate.

CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: Good afternoon, sir. Sir, regarding the water concession agreements. Will the President push with his announcement today regarding whatever decision he would make?

SEC. PANELO: Siguro after the Cabinet meeting, pag-uusapan iyon eh.

CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: Sir, most likely, ano ba iyong inclination? Would it be the actual termination of the extended concession agreement of the two concessionaires or—

SEC. PANELO: Let’s wait for the President. I don’t want to preempt what he will make, what declarations he will make after the Cabinet meeting.

CELERINA MONTE/DAILY MANILA SHIMBUN: Sir, I’m asking that because some Japanese investors like Marubeni and Mitsubishi who are investors of these two water concessionaires already raised concern regarding the possibility of terminating the contracts and they mentioned that it would create a bad image on the part of the Duterte Administration. Could you please react on it?

SEC. PANELO: Bakit daw magkakaroon ng bad image? Dahil kung ika-cancel o i-ano?

CELERINA MONTE/DAILY MANILA SHIMBUN: Kasi like them po they are already affected because there are loans with… there—the—some creditors were already canceled because of that possibility of terminating the contract.

SEC. PANELO: Ganito ‘yun huh. They say na magkakaroon ng effect kasi daw hindi natin nirerespeto ‘yung kontrata. Gaya nga ng sinabi ni Presidente, there is not even a contract to speak of; it’s null and void at its inception. So, you cannot even say na may kontrata. Anong kontrata? Null and void nga ‘yung pinasukan natin kaya we will not respect it from the very beginning.

CELERINA MONTE/DAILY MANILA SHIMBUN: So, how—

SEC. PANELO: Nabasa n’yo ba ‘yung Tribune, iyong headline ngayon? Kung gaano ka—gaanong bilyon-bilyon ang ni-rake ng mga concessionaires because of this contracts?

CELERINA MONTE/DAILY MANILA SHIMBUN: So, sir how would you assuage the feelings or the concerns of these investors – the foreign investors?

SEC. PANELO: Dapat na matutuwa sila kasi ang gobyerno hindi papayag nang ganitong uri ng mga kontrata na sumisira sa interes ng mga Pilipino. So, they are already forewarned na hindi pupuwede ‘yang mga kontrata na labag sa batas, sa Konstitusyon at sa general welfare ng Pilipino. So, magiging cautious sila, ‘pag nag-invest sila alam nila ‘yung tamang terms na hindi masisira ‘yung kanilang negosyo.

CELERINA MONTE/DAILY MANILA SHIMBUN: Sir, since before the President already ordered the various government agencies to conduct like a review of all the contracts of the government. Are we expecting other contracts to suffer the same fate or—

SEC. PANELO: Hindi ba sinasabi ni Presidente lahat ng kontrata na matutuklasan na may mga onerous provisions that goes against the law and the interest of the nation will be reviewed and will be scrapped.

CELERINA MONTE/DAILY MANILA SHIMBUN: Mayroon na bang bagong so far na natuklasan ulit ang government or wala pa?

SEC. PANELO: Wala pa akong—wala pang nakakarating sa akin.

ALEXIS ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Secretary, please provide us details about the President’s meeting with security officials last night.

SEC. PANELO: Ang napag-usapan doon… ang instruction ni Presidente, inalerto niya ‘yung lahat ng Sandatahang Lakas – which means ‘yung Air Force, ‘tsaka ‘yung ating Army – na ‘yung lahat ng assets that can be utilized for the evacuation of our countrymen doon sa lugar ng may tensyon sa Gitnang Silangan ay ihanda nila para at any time na mayroong open hostilities, mag-escalate, that will imperil the lives of our countrymen, i-evacuate natin ang ating mga kababayan. ‘Yun ang pinaka-buod nung meeting kahapon. Pinahanda niya.

ALEXIS ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, everyone will be evacuated in case—

SEC. PANELO: ‘Yung nanganganib ang kanilang buhay at saka ‘yung gusto, kasi hindi mo rin mapilit kung ayaw nilang sumama sa’yo. May mga Filipino rin na kahit may giyera ayaw nilang umalis doon.

ALEXIS ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Sec, may mga concerns about ‘yung possible implication nung US–Iran tension doon sa oil prices, sa commodities. Is the government prepared for the possible impact nito sa prices?

SEC. PANELO: Sabi ni Secretary Pernia, mino-monitor nila ‘yan, tinigtignan nila kung anong magiging epekto sa atin at paghahandaan nila.

ALEXIS ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, we have measures to mitigate ‘yung impact?

SEC. PANELO: I’m sure ‘yung grupo ng economic managers natin mayroon silang ginagawang kahandaan upang tugunan kung ano man ang krisis na darating arising out of the Middle East tension.

ALEXIS ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Okay, Sec.

JULIE: Sir, you mentioned na some Filipinos tend to be hardheaded, stay behind even if pinapalikas na sila. Will the government consider forced repatriation at the first instance that hostilities will breakout in the Middle East?

SEC. PANELO: Eh kung nanganganib ang kanilang buhay siyempre gagawin ang lahat ng pamahalaan upang mailigtas sila sa kapahamakan.

JULIE: Did the President mentioned it kagabi na puwede niyang i-consider ‘yung forced repatriation?

SEC. PANELO: Hindi ko alam ‘yung portion na ‘yun.

JULIE: Okay. So, did—was there any mention of say protocol, like ano ‘yung mga… kumbaga, ‘yung mga steps to observe like at the moment ba na may nagkaputukan ipu-pullout na natin or patatagalin pa ng ilang araw—

SEC. PANELO: Basta ang sinabi ni Presidente ‘i-ready n’yo lahat ‘yan, ‘pag nag-escalate ‘yan eh kailangang i-pullout natin ang mga kababayan natin.’

JULIE: Lastly sir. Did the President mention any directives to concerned agencies like the DOLE, POEA, about ‘yung possible assistance for OFWs ‘pag binalik sila dito, dahil siyempre ‘yung livelihood nila mawawala?

SEC. PANELO: Ang mga present kahapon ‘yung military, walang DOLE.

JULIE: Thank you, sir

ROSE NOVENARIO/HATAW: Hi, sir! Good afternoon! Sir, may nabanggit na ba si Presidente tungkol doon sa pananaw niya sa pag-assassinate kay Iranian General Qasem Soleimani katulad po ng sinabi ni Foreign Affairs Secretary Locsin na si Soleimani daw ay greatest commander since Julius Ceasar?

SEC. PANELO: Wala naman siyang binabanggit. Wala, wala siyang comment regarding that.

ROSE NOVENARIO/HATAW: So, inaasahan po ba nating magbibigay ng pahayag ‘yung Presidente tungkol dito?

SEC. PANELO: I do not know kung magbibigay siya ng pahayag.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Okay.

SEC. PANELO: Titingnan ko mamaya sa Cabinet meeting.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Okay, sir. Thank you.

SEC. PANELO: We will share it with you.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Thank you.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, follow-up sa question ni Ace kanina, ‘yung nabanggit ninyo na the economic managers are looking for ways to address. And then, sabi po ni former Senator Pimentel, we should look for new sources of crude oil probably from Russia – it’s the biggest importer of natural gas. Kasama po ba ‘yun sa mga pinag-aaralan ngayon?

SEC. PANELO: Siguro. Lahat ng klaseng measures na pupuwedeng makatulong in the event of any crisis, kasama ‘yan sa lamesa.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, si Joma Sison, he said the extension of ceasefire that will end 11:59 tomorrow, puwede nilang i-extend ‘yun if the government would release on humanitarian ground, sickly and elderly political prisoners which includes eleven NDFP consultants. Is that possible?

SEC. PANELO: We will defer that to the recommendation of the military.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, sir.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, other issue. Mayroon na po bang ibinigay na directive si Presidente about the mysterious disease na kumakalat daw doon sa China because I think, baka kailangan bang maghigpit sa airport especially ‘yung mga pumapasok na foreigner? I think it’s a respiratory disease na hindi pa nila masyadong ma-identify.

SEC. PANELO: Hindi ko alam kung nagka-usap na sila—I’m not privy kung nag-usap sila ni Secretary Duque. Siguro, we’ll—I’ll ask him about it in the Cabinet meeting.

MARICEL HALILI/TV5: So, that will be discussed during the Cabinet later?

SEC. PANELO: Hindi, I will ask him myself.

MARICEL HALILI/TV5: Ah, okay. Thank you, sir.

HENRY URI/DZRH: Sir, possible agenda sa Cabinet meeting tonight?

SEC. PANELO: Mayroon na ba? Wala pa… wala pa akong nakikita eh. Wala pa akong binigay—hindi pa ako nakakatanggap. Usually they give that an hour before the meeting, andun sa mesa.

HENRY URI/DZRH: Kayo ho, ano ang inyong mga concern na ipi-present mamaya sa Cabinet meeting?

SEC. PANELO: Wala… wala, wala. Kasi ‘yung mga agenda ibinibigay ‘yan sa Cabinet Secretary mga two–three weeks pa. Sina-submit ‘yan tapos pinag-aaralan kung anong mga subject na pag-uusapan.

HENRY URI/DZRH: Alright! ‘Yung sa 2020 Budget, mayroon bang posibleng i-vetong probisyon ang Pangulo?

SEC. PANELO: Kasi ang general guideline palagi kay Presidente, kasi abogado ‘yun eh – so, pinag-aralan niya na ‘yun so hindi natin alam kung mayroon siyang vineto, wala naman siyang sinasabi pa. Basta ang alam natin magkakaroon ng pirmahan mamayang alas-kuwatro.

HENRY URI/DZRH: Okay, Secretary. Salamat!

MARICEL HALILI/TV5: Sir, may we have a statement lang po from Malacañang doon sa nangyayaring bushfire sa Australia?

SEC. PANELO: Well, we understand that about three hundred Filipinos have been evacuated from that area. So, ginagawa ng ating pamahalaan ang mga hakbangin upang mapanatiling ligtas ang ating mga kababayan sa nagaganap na conflagration doon sa bansang binanggit mo.

USEC. ROCKY: Okay. No more questions, MPC? Okay, thank you, Secretary Panelo! Thank you, MPC.

SEC. PANELO: Thank you.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)